AralPan6 Q4 Week 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

RO_MIMAROPA_WS_AralPan6_Q4

Araling Panlipunan 6
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin: Mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar.


MELC: Nasusuri ang mga Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar

Susing Konsepto

Panimula: Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga pangyayaring nagbigay


daan sa pagtatakda Batas Militar. Dito din ay matututuhan mo ang mga suliranin
at hamon sa kasarinlan at pagkabansa ng Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.
Talasalitaan:

• Batas Militar
• Writ of Habeas Corpus
• Presidential Decree
• Constitutional Convention
• Diktadura

Pagpapahalaga:
• Pagmamahal sa kalayaan at katahimikan
• Pagtatanggol sa karapatan.
Ano-ano ang mga naging suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar?

Muling Pagkakahalal ni Pangulong Ferdinand Marcos.


Nang magdaos ng eleksyon noong 1969, nahalal muli si Pangulong Marcos.
Masama na ang lagay ng ekonomiya ng ating bansa noon dahil sa labis na paggasta
at pangungutang ng pamahalaan sa ibang bansa noong mga nakaraang taon. Lalo
pa itong sumama nang dumami ang hindi nasiyahan sa pamamalakad ni
Pangulong Marcos.
Mga Rali at Welga
Naging madalas ang mga pagpupulong, pagrarali, at demonstrasyon ng mga
estudyante at mga manggagawa. Naghain sila ng iba’t ibang pagbatikos at usapin
laban sa pamahaalan.

1
RO_MIMAROPA_WS_AralPan6_Q4

Tinawag itong parliament of the street. Madalas na nauuwi ito sa mga


pagbabatuhan ng mga pulis, raliyista, at demonstrador. Nauwi pa ito sa paninira ng
mga pribadong sasakyang nakaparada sa lansangan at mga gusali. May mga
nasaktan dahil sa pamamaril ng mga pulis. Ang mga kalye ay nilagyan ng mga
harang at barikada. Sa Plaza Miranda, sa harap ng Senado, Batasang Pambansa,
Liwasang Bonifacio, at Mendiola Bridge patungong Malacañang, umingay ang mga
talumpati laban sa pamahaalan, gayundin sa mga katiwalaan, pandaraya, at
nakawan sa pamahalaan.

Mga Katiwalian
Ayon sa mga balita noon, ang laki ng gastos at katiwalian sa pamahalaan ay
nagdulot ng paglobo ng utang ng Pilipinas sa ibang bansa. Ang utang na ito ay may
napakalaking interes na lalo pang nagpalubha sa mga problema ng bansa.
Naapektuhan ng maling pamamalakad ng pamahalaan ang mga industriya at
kalakalan sa bansa. Higit na nabigyan ng pabor ang mga dayuhan, mayayaman, at
mga crony at kaibigan ni Marcos kaysa sa maliliit na manggagawa at
mangangalakal. Nagsipagwelga ang mga manggagawa sa mga pabrika, paggawaan
at iba pang establisyementong pangkalakalan.
Ang Kalagayang Pampolitika
Naging magulo ang kalagayan ng politika sa ating bansa dahil sa pagsibol ng
iba’t ibang ideolohiya at paniniwala. Dagdag pa dito ang black propaganda sa gulo
at pagkawatak-watak ng mga mamamayan. Iba’t ibang samahan na may iba’t ibang
simulain ang naitatag sa ating bansa simula pa noong 1963 na kinalaunan ay
naging mga teroristang grupo tulad ng:
o Communist Party of the Philippines ( CPP)
o National Democratic Front (NDF) at National People’s Army (NPA)
o Kabataang Makabayan, Lapiang Manggagawa at iba pa.
Sa Mindanao, lalong lumala ang hidwaan ng Kristyano at Muslim. Binuo ang Moro
National Liberation Front (MNLF). Layunin nito ang bumuo ng isang bansang Moro
at ihiwalay ang pamamahala nito sa mga pulo ng Mindanao, Sulu, at Palawan.
Maraming pagdukot at pagpatay sa mga pinuno at mga kawani ng pamahalaan ang
kinasangkutan ng NPA. Balak ng kilusang ito na pabagsakin ang pamahalaan ng
Pilipinas.
Bago Ideklara ang Batas Militar
Upang tuligsain ang kabulukan sa pamahalaan at sa bansa, sunod-sunod na
rali ang idinaos sa iba’t ibang bahagi ng Maynila. Isinigaw at isinulat ng mga raliyista
na alisin ang mga sistemang nagpapahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino. Naganap
noong Enero 30, 1970 ang isa pang rali ng mga kabataan sa harap ng Kongreso.
Tumuloy ang mga raliyista sa Malacanang matapos ang ilang talumpati. May mga
naghagis ng Molotov at pillboxes. Gumamit ang pamahalaan ng bomber truck
upang itaboy ang mga raliyista. Nagwelga din ang mga tsuper ng dyip upang ipaabot
sa pamahalaan ang kanilang pagtutol sa mga pagtaas ng halaga ng gasolina at
halaga ng gamit sa pagkukumpuni ng sasakyan. Hiniling din nila na itaas ang
pasahe ng limang sentimo. Pinahintulutan ito ng Public Service Commission.

2
RO_MIMAROPA_WS_AralPan6_Q4

Gawain 1

Panuto: Buoin ang semantic web sa ibaba. Isulat ang mga naiisip mong naging hamon at
suliranin kaugnay ng salitang “martial law”.

Martial
Law

Gawain 2:
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang kung tama ang isinasaad ng pangungusap
at kung ang pangungusap ay mali.

1. Madalas ang mga rally at demonstrasyon ng mga mag-aaral at manggagawa sa panahon


ni Pangulong Marcos.

2. Nagkakasundo ang Muslim at Kristiyano nang panahong ito.

3. Sumibol ang maraming samahan tulad ng CPP (Communist Party of the Philippines) sa
panahon ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.

4. Hinuli ang mga lider ng samahan ng manggagawa at estudyante ng walang warrant of


arrest.

5. Disiplinado ang mga kawani ng pamahalaan sa panahon ng panunungkulan ni


Pangulong Marcos.

Gawain 3
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang N kung ito ay hamon o
suliranin ng batas militar at RT kung hindi.

_____1. Paghuli sa mga kumakalaban sa pamahalaang Marcos.

_____2. Pagkatatag ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines- New People’s Army).

_____3. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang mga serbisyong kailangan ng tao tulad ng


koryente at telepono.

3
RO_MIMAROPA_WS_AralPan6_Q4

_____4. Pag-alis ng mga namumuhunang dayuhan.

_____5. Paglaganap ng mga proyektong imprastruktura at reporma sa mga lupain.

Mga Gabay na Tanong:

Bumuo ng konklusyon tungkol sa suliranin ng Batas Militar sa pamumuhay ng mga


Pilipino.

Sa pagdedeklara ni Marcos ng Batas Militar, ang bansa ay

__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Sa pagdedeklara ni Marcos ng Batas Militar, ang kabuhayan ng mga mamamayan ay

__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Sa ilalim ng Batas Militar, ang pamumuhay ng mga Pilipino ay

__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Repleksyon/ Pagninilay

Ang natutuhan ko sa araling ito ay

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Ang nais ko pang pag-aralan at gawin ay

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

4
RO_MIMAROPA_WS_AralPan6_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Iba-iba ang maaaring sagot ng mga bata.

Gawain 2

1 2 3. 4 5

Gawain 3
1. N 2. N 3. RT 4. N 5. RT

Mga Gabay na Tanong


Iba-iba ang maaaring sagot ng mga bata.
Repleksyon/Pagninilay
Iba-iba ang maaaring sagot ng mga bata.

Sanggunian:

Tribute to Pres.Ferdinand Marcos


https://www.youtube.com/watch?v=q9vSm2qw7bg
“A Martial Law Museum”
https://www.google.com/search?q=martial+law&tbm=isch&ved=2ahUKEwjMzKv
Owf
“Ang Batas Militar” https://lrmds.deped.gov.ph
https://brainly.ph

Inihanda ni:
Michael John D. Monterola

Tiniyak ang kalidad at kawastuan ni:


Wilma M. Cordova

Sinuri nina:
Lian Kris Gagante
Bibiana L.Baltar
Pedro J. Dandal Jr.
Rosalyn C. Gadiano
Irene V. Abian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like