LAS - Q2 - Filipino 9 - W4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.4


Textbook based instruction
SA FILIPINO 9
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 2 Linggo 4
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC:
1. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay. (F9PN-IIe-f-48)
2. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento. (F9PB-IIe-f-48)
3. Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento. (F9PT-IIe-f-48)
4. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng
teleserye o pelikula. (F9PD-IIe-f-48)
Aralin: Maikling Kuwento at Iba Pang Uri Nito
Sanggunian: Panitikang Asyano 9 & Pinagyamang Pluma 9 Pahina: 129-146 & 220-232

Layunin: Nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng simula, gitna at wakas ng napakinggang salaysay
Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa Maikling Kuwento: Simula, Gitna at Wakas Araw:1
KONSEPTO:
Maikling Kuwento- isang maikling katha na nilikha upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa
ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinagyarihan ng mahahalagang pangyayari.
Ngunit paano nga ba masasabing mahusay ang pagkakagawa ng kuwento?
Sa pagsusuri ng isang maikling kuwento, naitatanghal ang kagalingan ng pagkakagawa at maging ang halaga nito
sa tiyak na mambabasa nito. Ang pagsusuri ng maikling kuwento ay maaaring magtuon sa kaayusan at konteksto nito.
Ang mga elementong sinusuri kung kaayusan ang gagawin pagsusuri ay mismong porma at kabuuan ng nasabing
kuwento.

Elemento ng Maikling Kuwento


Simula – Dito ipinakikilala ang mga tauhan at pinangyarihan ng aksiyon o tagpuan.
• TAUHAN – isa sa nagpapatingkad sa mga kaganapan sa maikling kuwento, ang nagsisinaganap sa akda.
• TAGPUAN – tumutukoy sa lugar o espasyong ginagalawan ng mga tauhan at pinagganapan ng mga
pangyayari sa kuwento.
Gitna
• BANGHAY – tumutukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Wakas
• Dito matatagpuan ang kakalasan o ang unti-unting pagbaba ng takbo ng istorya at katapusan o kinahinatnan ng
kuwento.
Pagpapakita ng Halimbawa:
Buod ng HASHNU, ANG MANLILILOK NG BATO
Maikling Kuwento Mula sa Tsina
Simula:
Si Hashnu ay isang manlililok ng bato sa lalawigan sa Jiangsu sa bayang Nanjing sa Tsina. Ginagawa niya ang
kanyang trabaho. Kitang-kita ang pagiging matiyaga ng manlililok.

Gitna:
Parang isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nagkakagulo ang mga tao sa daang malapit sa kanyang
inuukit, nandoon pala ang hari. Habang nakatingin si Hashnu sa hari, napag-isipan niya na maganda pala ang maging
isang hari. May narinig siyang boses na nagsalita nang "Magiging hari ka.". Pagkatapos noon ay naging hari siya.
Ginagalang siya ng kanyang mga tauhan dahil sa kanyang galaw sa paglakad. Nabibigatan siya sa kanyang baluti at
helmet. Nadagdagan pa ng matinding sikat ng araw. Kanyang napag-isipan na mas makapangyarihan ang araw kaysa

1
sa hari, kung kaya't nung sinabi niyang gusto niyang maging isang araw, naging makatotohanan naman yun. Naging
isang araw na nagliliyab na si Hashnu ngayon. Labis na ang binibigay niyang sinag sa mundo kung kaya't ang mga tao
ay nangatuyo na. Nagpatuloy pa rin ang kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin niya ang ulap. Napag-isipan
niyang mas makapangyarihan ang ulap kaysa sa araw kasi kaya nitong takpan ang kanyang sinag. Kaya ninais niyang
maging isang ulap. Hindi naman naglaon ay naging isang ulap na siya. Tinakpan niya ang araw. Hindi nagtagal ay
bumigat ito at bumagsak bilang ulan sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang
pagbagsak ng dami ng ulan. Dahil sa sobrang ulan, namatay ang mga halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig.

Wakas:
Dahil rin sa malakas na hangin, nagbuwal at nabunot ang mga puno na naging sanhi ng pagkawala ng mga tirahan at
mga nanirahan dito. May napansin siyang mga bagay na hindi natinag kahit na nagkaroon na ng malakas na hangin,
sinag ng araw at ulan. Yun ay ang mga bato. Ninais niyang maging bato. Natupad naman ang kanyang hangarin. Nang
siya'y naging isang bato na, naramdaman niyang may pumupokpok sa kanya. Nalaman niya ngayon na hindi nga siya
natibag ng malakas na hangin at ulan pero siya ay nakayang hugisan ng kahit ano ng isang manlililok. Napagtanto niya
na walang ibang pinakamalakas kundi siya. Muli niyang hiniling na siya ay maging isang manlililok ulit. Hindi
nagtagal nagbalik na siya sa kanyang dating anyo at dating gawain. Ang paglililok ng bato.

Karagdagang Batis:
Ang akdang “Hashnu, Ang Manlililok ng Bato” ay isang kuwentong punumpuno ng kababalaghan. Ito ay naglalaman
ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat ito ay sumasalungat sa batas ng kalikasan at makatwirang pag-
iisip. Gayundin naman, maibibilang din ang akdang ito bilang isang halimbawa ng isang maikling kuwento ng
katutubong kulay sapagkat ito ay nagbibigay-diin din sa uri ng pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ng pangunahing
tauhan na isang Tsino.
Pagsasanay 1
Panuto: Suriin ang estilo ng may-akda sa pagbuo niya sa kuwentong ito. Ano ang maasasabi mo sa estilo niya sa
kanyang simula, gitna at wakas gamit ang graphic organizer.
Pamagat

Tauhan Tagpuan

Suriin ang Simula:

Suriin ang Gitna:

Suriin ang Wakas:

Layunin: Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang kuwento

Kasanayan Bilang: 2 Kahulugan ng Imahe at Simbolo sa Kuwento Araw:2


KONSEPTO:
Sa isang akdang pampanitikan makikita rito ang imahe at simbolo na nagbibigay ng kasiningan at ganda sa
akda lalo na sa isang maikling kuwento.
Imahe - ay salita at pahayag na nag-iiwan ng kongkreto at malinaw na larawan sa isipan ng mga mambabasa. Hindi
lamang ito tungkol sa paglalarawan ng isang tao, bagay, o pangyayari. Ito ay paglalarawang nagbibigay-kulay sa
inilalarawan at bumubuhay sa naratibo.
Halimbawa: Kapag tumingin ka sa harap ng salamin, ang nakikita mo sa salamin ay tinutukoy na imahe.
Samantalang, pwede din tawagin na imahe ang mga statwa dahil renepresenta nila ang mga pigura ng mga tao gaya
ng Panginoong Diyos. Pwede din tumukoy sa mga larawan ang imahe kapag nakunanan mo ng litrato ang mga
pangyayari sa kapaligiran mo.

2
Simbolo - Ang simbolo ay maaring tumukoy sa:isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya naman ay
nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang bagay kalidad, pangyayari, o
entidad na ang presensya o kaganapan ay nagpapahiwatag na maaring mayroon o mangyayari ang isang bagay.
Halimbawa: PUSANG ITIM - malas, may mangyayaring masama o hindi maganda
PUTI - kalinisan o kadalisayan
Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga imahe o simbolong ginamit sa sumusunod na pahayag. Punan ang
talahanayan. Ang unang bilang ay sinagutan na para sayo.

Imahe o Simbolo Kahulugan


1. Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang Nagkatotoo ang mga sinambit ni Hashnu kaya tila
sinabi. Parang isang panaginip ang nangyari sa isang himala o panaginip ang naganap sa kanya
kanyang buhay.
2. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na hindi
nahihirapang magtatrabaho para hindi na magdala ng
pait at maso rito araw-araw.
3. Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kanyang mga
tauhan ay talagang gumagalang sa kanya
4. Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat
ng araw. Naisip niyang kaya palang panghinain at
talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang
na hari
5. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang
pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan,
muling humiling si Hashnu na ibalik siya sa pagiging
manlililok.

Layunin: Napaghahambing ang kultura sa nabasang maikling kuwento sa napanood na bahagi ng teleserye o
pelikula

Kasanayan Bilang: 3
Paghahambing sa Kultura sa Nabasang Akda sa Napanood na Teleserye o Pelikula
Araw: 3 at 4

KONSEPTO:
Tema - ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. Maaaring maging
tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa
pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng
panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda.
Mensahe - ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
Ang maikling kuwento ay kadalasan may temang may kaugnayan sa kultura o kaugalian ng akdang binabasa.
Ang maikling kuwentong “Hashnu, Ang Manlililok Ng Bato” na nagpag-aralan natin sa unang araw ay mula sa
Bansang Tsina na kung saan makikita sa kanilang panitikan o akda ang kanilang kultura. Hindi lamang sa laki ng
bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina. Hindi rin sila pahuhuli sa larangan ng panitikan. Isa ang
Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi nga sa mga pag-aaral na kung gaano
katanda at kayaman ang sibilisasyon ngmga Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang panitikan.
Nasasalamin sa kanilang mga akda ang kagandahan ng kanilang lahi at paggalang sa mga taong nasa katungkulan.

Narito ang buod ng kwentong Nyebeng Itim na isinalin sa tagalog ni Galileo S. Zafra
Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang litrato kasama ang kanyang tiya
Luo. Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Photo Studio.
Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda ng prutas. Naaprubahan
ang pagkuha nya ng kariton ngunit sa pag titinda ng prutas ay hindi. Puno na kasi ang kota. Hindi rin nakatulong
ang kontak ng kaniyang tiya Luo o ayaw nitong tumulong. Ang tanging lisensyang naroon ay para sa tindahan ng

3
damit, sumbrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kahit anung itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit
pa mas mahirap itinda ang damit kaysa prutas. Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng magandang
palabas sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pa itong gagawin. Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa
may timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda nya. "Sapatos na
tatak Perfection mula shenzen free economic zone! sapatos tatak perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni
Huiquan "Mga blusang batwing! halikayo rito!" muling sigaw ni Huiquan. Ngunit wala pa rin syang nabenta. Siya
ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta sya ng
muffler. Sa ikatlong araw ay wala syang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras simula ng
magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta sya ng damit na pang army sa apat na karpintero. Nang makarating
ang mga karpintero sa silangang tulay ay nagkulay talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang
kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo.
Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw dahil
hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka diba?

Pagsasanay 1
Panuto: Panoorin ang video clip ng “Ang Niyebeng Itim” at ang video clip ng “Miracle in Cell No. 7” mula sa
internet o youtube. Ihambing ang kultura ng dalawang bansa batay sa napanood na bahagi ng kuwento sa
pamamagitan ng Venn Diagram. Maaaring i-click o i-download ang link na ito para mapanood ang video.
www.youtube.com/AngNiyebengItim
www.youtube.com/MiracleinCellNo.7

Pagkakaiba Pagkakaiba

Ang Niyebeng Itim Miracle in Cell No. 7

Pagkakatulad

SUSI SA PAGWAWASTO Kasanayan Bilang: 2


Kahulugan ng Imahe at Simbolo sa Kasanayan Bilang: 3
Kuwento
Araw:2 Paghahambing sa Kultura sa Nabasang
1 Nagkatotoo ang mga sinambit ni Hashnu
kaya tila isang himala o panaginip ang Akda sa Napanood na Teleserye o Pelikula
Kasanayan Bilang: 1
Pagsusuri sa Maikling Kuwento naganap sa kanya
2. Nangangarap siya ng buhay na perpekto, Araw: 3 at 4
kung saan ang tao ay mabubuhay sa mundo
Araw:1
kahit hindi na magtrabaho. Inaasahan ang mga mag-aaral na
3. Iginagalang ng kanyang mga tauhan si maihambing ang kultura sa nabasang
Inaasahan ang mga mag-aaral na Hashnu sapagkat sa paraan pa lamang ng
masuri ang maikling kuwento maikling kuwento sa napanood na bahagi
kanyang paglalakad ay masasabing siya’y
batay sa estilo ng pagsisimula, isang ganap nang hari. ng teleserye o pelikula
pagpapadaloy at pagtatapos 4. Ito ay patunay lamang na ang lakas at
kapangyarihan ng tao ay may hangganan
kahit ano pa ang kalagayan niya sa buhay.
5. Ipinahihiwatig nitong bawat tao ay may
kani-kaniyang kalakasan, ang kailangan

Inihanda ni:

Mary Flor A. Delos Santos

CCNHS

You might also like