1st PeriodicTest AP 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT

ARALING PANLIPUNAN IV

Pangalan: _________________________________ Pangkat:: _________________


Guro: _______________________________ Petsa: ___________________

Panuto:Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang mga himpapawid at
kalawakan sa taas nito.
A. teritoryo B. bansa C. lalawigan D. mundo

2. Ano ang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na


naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong lipunan ?
A. bansa B. pamahalaan C. departamento D. organisasyon

3. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi


pinakikialaman ng ibang bansa?
A. pamahalaan B. tao C. soberanya D. bansa

4. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng


populasyon ng isang bansa?
A. pamahalaan B. tao C. organisasyon D. bansa

5. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong
wika, pamana, relihiyon at lahi?
A. teritoryo B. bansa C. pamahalaan D. lalawigan
6. Kumpletuhin ang tula.
Pilipinas, isang bansa
Tao’y tunay na malaya A. pangulo C. kongreso
Mayroong namamahala B. senado D. tao
May sariling teritoryo
Para talaga sa ________.

Panuto:Gamitin ang mapa upang sagutin ang mga


katanungan sa bilang 9-12
7. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nasa Hilagang
bahagi ng Pilipinas?
A. Taiwan C. Malaysia
B. Borneo D. Indonesia
8. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang
Pacific Ocean?
A. Hilaga C. Silangan
B. Timog D. Kanluran

9. Saang bahagi ng Pilipinas matatagpuan ang Borneo?


A. Hilagang-Kanluran C. Hilagang-Silangan
B. Timog-Kanluran D. Timog-Silangan

10. Nasa Hilagang-Kanluran ng Pilipinas ang mga Isla ng


Paracel. Ano ang isinasaad ng pangungusap na ito?
A. Tama B. Mali C. Hindi kapani-paniwala D. Minsan totoo
11. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
A. Timog-Kanluran C. Gitnang-Silangan
B. Timog-Silangan D. Pinakatimog ng mundo

12. Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?


A. 4⁰- 20⁰ H latitude at 116⁰- 127⁰ S Longhitud
B. 4⁰- 21⁰ H latitude at 116⁰- 126⁰ S Longhitud
C. 4⁰- 20⁰ H latitude at 116⁰- 126⁰ S Longhitud
D. 4⁰- 21⁰ H latitude at 116⁰- 127⁰ S Longhitud

13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang angkop na paglalarawan sa Pilipinas?


A. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng lupa.
B. Ang Pilipinas ang may pinakamataas na populasyon.
C. Sa Pilipinas matatagpuan ang lahat ng uri ng hayop.
D. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng tubig

14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa Pilipinas?


1. Malapit ito sa ekwador 3. Nasa pagitan ito ng ekwador at Tropiko ng Kanser
2. Nasa mababang latitude ito 4. Palihis ang natatanggap na sikat ng araw nito

A. 1,2,3 B. 2.3.4 C. 1 at 2 D. 3 at 4

15. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 50 kilometro, ang 3 sentimetro
ay magiging katumbas ng ______________.
A. 200 km B. 150 km C. 100km D. 300 km

16. Kung ang bawat sentimetro sa iskala ay katumbas ng 100 kilometro, ang 1000
kilometro ay katumbas ng __________.
A. 20 sentimetro B. 5 sentimetro C. 10 sentimetro D. 1 sentimetro

Panuto:Gamit ang mapa ng mundo na inyong dala, sagutin ang mga katanungan sa bilang
16-17

17. Mula sa Pilipinas, paano mo mailalarawan ang distansya ng Estados Unidos?


A. Malapit sa Pilipinas C. Katabi ng Pilipinas
B. Napakalayo sa Pilipinas D. Napakalapit sa Pilipinas

18. Kung ihahambing mo sa kapuluan ng Indonesia, ano ang masasabi mo sa lawak ng


teritoryo ng Pilipinas?
A. kasinlaki B. mas maliit C. mas malaki D. malaking- malaki

19. Malamig ang klima sa Baguio kaya marami ritong __________.


A. mansanas B. ubas C. strawberries D. lansones

20. Saang lungsod sa ating bansa nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?


A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

21.Aling pangungusap ang MALING paglalarawan tungkol sa temperatura ng mga lugar sa


Pilipinas?
A. Pare-pareho ang temperatura ng mga lugar sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa mga lugar Pilipinas
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitude ng mga lugar sa temperatura.
22. Anong babala bilang ng bagyo kung ang bilis ng hangin ay umaabot ng 185 kilometro
bawat oras sa loob ng 18 oras?
A. Babala bilang 1 B. Babala bilang 2 C. Babala bilang 3 D. Babala bilang 4

23. Ito ay hanging mainit buhat sa Timog-Kanluran na nagdadala ng matitindi at


mabibigat na ulan?
A. Hanging Monsoon C. Hanging Amihan
B. Hanging Habagat D. Tropical Depression

24. Anong uri ng klima ang may kalahating taong tag-ulan at kalahating taong tag-init?
A. Unang Uri B. Ikalawang Uri C. Ikatlong Uri D. Ikaapat na Uri

25. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansang Pilipinas?
A. Napapaligiran ito ng mga dagat at karagatan
B. Napapaligiran ito ng mga bansa sa Asya
C. Kakikitaan ito ng maraming baybayin.
D. Mayaman ito sa mga yamang dagat

26. Alin ang HINDI kapakinabangan ng pagiging isang bansang insular?


A. Ang karamihang daungan sa bansa ay nagsisilbing daanan ng mga sasakyang
pandagat
B. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at baybayin
nito
C. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
D. Madaling masakop ng ibang bansa ang ating bansa

27. Ang kapatagan ay malawak na lupain na patag at mababa. Alin naman sa mga
sumusunod ang pinakamataas na anyong lupa?
A. bundok B. burol C. talampas D. lambak

28. Ang mga sumusunod ay katangian ng karagatan maliban sa isa. Alin ito?
A. pinakamalalim na anyong tubig C. pinakamahabang anyong tubig
B. pinakamalawak na anyong tubig D. pinakamalaking anyong tubig

29. Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna. Saan naman
matatagpuan ang mainit na singaw na nangggaling sa hot spring at maaaring pagkunan ng
lakas geothermal na makatutustos ng elektrisidad sa Bicol?
A. Masbate B. Albay C. Catanduanes D. Sorsogon

30. Ang mga sumusunod ay mga yamang tubig ng bansa maliban sa isa. Alin ito?
A. lawa B. dagat C. talampas D. ilog

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa yamang mineral?


A. Karbon B. Chromite C. Sulphur D. Pandaca Pygmea

32. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng yamang lupa?


A. abaka, tubo, waling-waling C. korales, perlas, sinarapan
B. bakal, marmol, nickel D. tanso, goma, langis

33. Anong magandang tanawin ang matatagpuan sa Carmen, Bohol?


A. Hagdan-hagdang Palayan C. Talon ng Maria Cristina
B. Chocolate Hills D. Bulkang Mayon
34. Anong magandang tanawin ang nasa larawan na matatagpuan sa Palawan at dinarayo
ng maraming turista mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at ibang bansa?

A. Underground River C. Maria Cristina Falls


B. Hot Spring D. Hundred Islands

35. Ang Rehiyon I o Rehiyon ng Ilocos ay sagana sa maraming bundok at may makitid na
kapatagan. Aling rehiyon naman ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon at
industriya?
A. Rehiyon IV- Calabarzon C. National Capital Region
B. Cordillera Administrative Region D. Rehiyon ng Davao

36. Kung ang Cordillera Administrative Region (CAR) ang may pinakamaliit na populasyon,
anong rehiyon naman ang may pinakamalaking populasyon?
A. CALABARZON C. Kanlurang Visayas
B. Gitnang Luzon D. MIMAROPA

37. Ano ang tawag sa isang lugar o rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong
bulkan at kung saan nagaganap ang madalas na paglindol?
A. Pacific Ring of Fire C. Fault line
B. PHILVOCS D. Tectonic Plates

38. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ng mga tao upang mabawasan ang
masamang epekto dulot ng kalamidad?
A. Itapon ang mga basura sa ilog
B. Iwasan ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan
C. Magtapon ng mga basura kahit saan.
D. Magsunog ng mga nabubulok at di nabubulok na basura

39. Kung ikaw ay nasa loob ng paaralan o gusali at biglang lumindol, alin sa mga
sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Lumayo sa mga puno C. Duck, cover and hold
B. Umalis sa mga lugar na mataas D. Lumayo sa poste

40. Bakit mahalaga ang mga katangiang pisikal ng isang bansa tulad ng Pilipinas sa pag-
unlad nito?
A. Nakatutulong ito sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa
B. Nakatutulong sa pag-unlad sa pagsasaka at transportasyon
C. Napapaunlad nito ang ugaling Pilipino tulad ng pagiging matatag at
determinado ,masipag at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit

You might also like