Exam 2nd - Aral PAn - 4
Exam 2nd - Aral PAn - 4
Exam 2nd - Aral PAn - 4
Talahanayan ng Ispisipikasyon
Mga Layunin Bilang ng Bilang ng Aytem
Kinalalagyan Aytem
1. Naiuugnay ang kapaligiran at uri ng 19-21 3
hanapbuhay
2. Mga produkto at kalakal sa iba’t ibang 1 1
lokasyon ng bansa
3. Natutukoy ang pakinabang na pang- 2-3 2
ekonomiko ng mga Likas na Yaman
4. Natutukoy ang isyung pangkapaligiran ng 4-5 2
bansa
5. Naiisa-isa ang matalino at di-matalinong 6 1
paraan ng pangangasiwa ng mga Likas na
Yaman
6. Naiuugnay ang matalinong pangangasiwa 7 1
ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng
bansa
7. Naiisa-isa ang pananagutan sa 9 1
pangangasiwa at pangangalaga ng
pinagkukunang-yaman ng bansa
8. Natutukoy ang wastong pangangasiwa ng 10 1
likas na yaman ng bansa
9. Naiisa-isa ang mga hamon at oportunidad 11 1
sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
10. Natutukoy ang likas kayang pag-unlad 8,12 2
11. Naiisa-isa ang kulturang Pilipino 22-23,26-29 6
12. Natutukoy ang impluwensiya ng unang 24 1
mangangalakal
13. Natutukoy ang impluwensiya ng unang 25 1
mananakop
14. Natutukoy ang pagsulong at pag-unlad ng 13-14,16 3
kultura
15. Nakikilala ang pambansang awit at watawat 15,17-18 3
bilang sagisag ng bansa
16. Napapahalagahan at naipagmamalaki ang 30 1
kulturang Pilipino
Kabuuan 30
Inihanda ni:
`Department of Education
Region XII
Division of Sultan Kudarat
District of East Isulan
KALAWAG CENTRAL SCHOOL
S.Y. 2019-2020
ARALING PANLIPUNAN
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
IV-SPED
Pangalan_____________________________________Petsa:___________ Kuha:_____
I.Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan o paglalarawan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
ito sa patlang.
______1. Aling lalawigan ang sikat sa produktong pinya?
a.Boracay b. Cebu c. Quezon d. South Cotabato
______2. Alin sa mga sumusunod na mga sitwasyon ang may pakinabang sa turismo?
a. Dinadayo ng mga tao ang mga makasaysayang lugar sa bansa.
b. May planta ng petrolyo sa bansa.
c. Maraming produktong naiaangkat mula sa ibang bansa.
d. Umaasa ang mga Pilipino sa mga likas na yaman.
______3. Alin sa mga sumusunod na mga bagay ang may malaking naiaambag o pakinabang sa enerhiya?
a. Bulkang Mayon
b. Ginto, pilak at tanso
c. Taniman ng strawberry sa Baguio
d. Planta ng kuryente mula sa talon ng Maria Cristina
______4. Ito ay tawag sa pagtaas ng temperatura ng atmospera na sanhi ng chlorofluorocarbons.
a. climate change b.global warming c. ozone layer d. polusyon.
______5. Alin sa mga sumusunod ang hindi isyung pangkapaligiran?
a. clean and green project
b. global warming
c. iligal na pagtotroso
d. polusyon
______6. Alin sa mga sumusunod ang matalinong pangangasiwa ng likas na yaman?
a. paggamit ng dinamita sa pangingisda
b. pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan
c. pagtatayo ng pabrika
d. pagsusunog ng plastik
______7. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa pag-unlad ng bansa?
a. Hindi hinahayaang masira ang kanilang kabundukan at yamang-tubig
b. Pagpapaunlad ng kalakalan at turismo
c. Pagtatapon ng basura kahit saan
d. Pagsali sa larong pampalakasan
______8. Ito ay pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao ng may pagsaalang-alang sa kakayahan
at abilidad ng susunod na henerasyon na makamit ang kanilang pangangailangan.
a. Likas kayang pag-unlad
b. Likas kulturang pag-unlad
c. Likas na kayamanan
d. Likas na pag-unlad
______9. Pananagutan ng bawat pamilya na simulan sa sariling tahanan ang wastong paraan ng
pangangalaga ng ating yaman. Anong pananagutan ang tinutukoy nito?
a. Pananagutan sa Mamamayan
b. Pananagutan sa Paaralan
c. Pananagutan sa Pamahalaan
d. Pananagutan sa Pamilya
______10. Aling batas ang nauukol sa pagpili lamang kung anong puno ang maaring putulin at kung ano ang
dapat iwanan?
a. Commonwealth Act 382 b. PD 1219 c. PD 705 d. RA 428
______11. Alin ang angkop na oportunidad na ibinigay ng pamahalaan para sa agrikultura?
a. Pagbili ng modernong gamit gaya ng underwater sonars at radars
b. Paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapabilis ang produksyon ng palay
c. Paglalaan ng sasakyang pangingisda
d. Pagpapatayo ng planta at imbakan ng isda
______12. Lahat ay paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman maliban sa isa (except one).
a. Gawin ang programang 3 R’s.
b. Iwasan ang pagtapon ng basura.
c. Ipagwawalang bahala ang batas pangkalikasan.
d. Magtanim ng puno at halaman.
______13. Ito ay pagpapakita ng pagtutulungan sa paggawa at mabuting samahan na kung saan
iniiwasang makasakit ng damdamin ng kapwa.
a. Bayanihan b. Paggalang c. Pakikisama d. Pagmamanhikan
______14. Ang kultura ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay. Bilang isang Pilipino, paano mo
maipagmamalaki ang iyong kultura?
a. Pagbili ng produkto ng ibang bansa
b. Paglalakbay sa ibang bansa
c. Panonood ng mga pangkulturang sayaw o cultural dance
d. Panood ng pelikulang banyaga
______15. Kapag narinig mo na inaawit ang “Lupang Hinirang”. Ano ang iyong gagawin?
a. Lalakad papunta sa linya.
b. Sisigaw ng malakas.
c. Tumakbo papunta sa pupuntahan.
d. Tumayo ng matuwid at umawit ng may damdamin.
______16. Anong uri ng kultura ang kinabibilangan ng mga kaugalian, pamahiin, paniniwala, kilos at gawi?
a. di-kultura b. di –materyal c. kultura d. materyal
______17. Ano ang sinisimbolo ng kulay puti sa watawat?
a. Kalinisan ng puri at dangal b. kagitingan c. kapayapaan d. walong lalawigan
______18. Kailan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas?
a. June 10, 1898 b. June 12, 1898 c. June 12,1892 d. June 12, 1998
II. Paglalarawan.Isulat ang mga sumusunod na hanapbuhay ayon sa paglalarawan.
___________19. Sagana sa produktong pilak, petrolyo, at apog ang lugar na tinitirhan ni Mang Carding.
___________20.Malapit sa dagat o katubigan ang tirahan ng mag-asawang Edna at Rey. Nagpagawa sila ng
bangka upang gagamitin nila sa kanilang hanapbuhay. Ang kanilang lugar ay naaangkop sa anong hanapbuhay?
___________21. Ang mag-anak na Mercado ay nakatira sa kapatagan. Malawak ang kanilang lupain na may
tanim na palay, mais, niyog, pinya, abaka at saging.
III. Pillin sa loob ng kahon ang mga inilalarawan ng mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.