Komunikasyon 1st Quarter

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
MATTI NATIONAL HIGH SCHOOL
Integrated Senior High School
Matti, Digos City

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Unang Markahang Pagsusulit
1ST Sem SY 2017-2018

Pangalan: ____________________________________ Taon at Seksiyon: ____________________ Iskor: ________________


I. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Mga pagpipilian :
a. wika b. pangalawang wika c. unang wika d. bilinggwalismo
e. multilinggwalismo f. Register g. homogenous h. heterogenous
i. wikang panturo/opisyal/pambansa j. linggwahe
_____ 1. Filipino
_____ 2. Ang wika ng bata sa kanyang tahanan.
_____ 3. Ang wika na natutunan matapos ang unang wika.
_____ 4. Nakakapagsalita ng maraming wika.
_____ 5. Ang pagkakaroon ng isang salita o termino ng iba’t ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplina.
_____ 6.Isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga psulat o pasalitang simbolo.
_____ 7.Nasasabing ganito ang wika kung ang lahat ng gumagamit nito ay pare-parehong magsalita.
_____ 8. Nakakapagsalita ng dalawang wika.
_____ 9. Nasasabing ganito ang wika kung ang lahat ng gumagamit nito ay nagkakaiba-iba.

II. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

10. Ito ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitrary upang magamit ng taong
kabilang sa isang kultura. a. tunog b. wika c. lingguwahe d. salita
11. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng wastong kahulugan ng wika maliban sa:
a. Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon o talastasang nauukol sa lipunan ng mga tao.
b. Mga pananagisag sa anumang bagay na binibigyang kahulugan,kabuluhan at interpretasyon sa pamamagitan ng mga
salita,binabasa man ng mga mata o naririnig ng tainga,nakasulat man o binibigkas.
c. Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
d. Ito ay mga salitang nahahawakan o hindi nahahawakan na ginagamit sa bawat paaralan.
12. Alin ang hindi maaaring maging katangian o kahulugan ng komunikasyon?
a. Pakikipagtalastasan b. Sistematikong proseso c. Paggamit ng salita d. Pagpapalit ng panahon
13. Sa dokumentaryo ni Jay Taruc sa TV 5 ay itinampok nila ang bayan ng Zimbakwe na kung saan ay iba-iba ang bigkas at tono ng
pagsasalita ng mga tao sa dayalektong Waray. Ito ay pagpapakita na ang wika ay:
a. multilinggwal b. bilinggwal c. homogenous d. heterogenous
14. Si Mata ay marunong magsalita ng Chinese Mandarin, Ingles, French at Filipino. Siya ay maituturing na:
a. bilinggwal b. multilinggwal c. foreigner d. matalino
15. Ang mga guro ng Matti National High School ay hinihikayat na ituro ang Ingles at Filipino sa paaralan sapagkat ito ay mga:
a. wikang pambansa b. wikang opisyal c. pangalawang wika d. wikang panturo
16. Sa mga SONA ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ay mapapansing Filipino ang palagian niyang gamit. Ito ay pagpapatunay na
ginagalang niya ang Filipino bilang:

1 "Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo ‘yan sa sarili mo!”


-- Bob Ong
a. wikang pambansa b. wikang opisyal c. pangalawang wika d. wikang panturo
17. Nag-chat sa facebook ang magkakaibigang J at M. Si J ay isang Ilonggo, habang si M naman ay Bisaya. Upang magkaintindihan,
ay ginamit nila ang Filipino sa kanilang pag-uusap. Ito ay pagpapakita na ang Filipino ay ang:
a. wikang pambansa b. wikang opisyal c. pangalawang wika d. wikang panturo
18. Ang google ay mainam na makinang panghanap o search engine. Si Jeryn ay magsasaliksik sana ng mga takdang-aralin. Ngunit
walang anuman na lumabas paukol sa Filipino. Mabuti na lamang ay marunong siyang magsalin sa Ingles. Ito ay pagpapatunay na
siya ay may itinuturing na: a. unang wika b. pangalawang wika c. maraming wika d. wika
19. Ang status ni JRM sa kanyang Facebook account ay ang sumusunod: Feeling sick  I have a stone in my bladder. Ang kaniyang
kaibigang si Jm ay agad na nagreply ng: Ha? Bad ‘yan friend. Lagot ka kay Duterte. Ang di-pagkakaintindihang ito ay bunsod ng:
a. dayalek b. sosyolek c. Idyolek d. register
20. Ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika na dulot ng punto (accent)
a. Register  b. Idyolek  c. Dayalekto  d. Istilo
21. Ito ang katangi-tanging katangian sa pamamaraan at paggamit ng wika ng isang indibidwal.
a. Dayalekto b. Kolokyal c. Balbal d. Idyolek
22. Ang magkaibigang B1 at B2 ay parehong galling sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng
a. Idyolek b. Dayalekto c. Creole d. Pidgin
23. Ang Cebuano, Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Waray ay mga halimbawa ng
a. Pidgin b. Pambansang wika c. Dayalekto d. Idyolek
24. “Pre, mukhang olats ka na naman kasi wala kang datung. Humingi ka na lang muna sa ermat mo”. Ang pananalitang ginamit ay
nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin
25. “Di namin kayo tatantanan!” Ito ang natatanging pananalita ni Mike Enriquez sa kaniyang pagbabalita.Ang halimbawang pahayag
ay nagpapakita ng barayti ng wikang
a. Dayalek b. Idyolek c. Sosyolek d.Pidgin
26-28. Tukuyin kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod:
26. lumayo - nalayo
a.Heograpikal b. Sosyal c. Morpolohikal d. Ponolohikal
27. labi – gabi (Pangasinan) / labi – bahagi ng bibig (Maynila)
a.Heograpikal b. Sosyal c. Morpolohikal d. Ponolohikal
28. bundok – bunrok
a.Heograpikal b. Sosyal c. Morpolohikal d. Ponolohikal
29. Magkaiba ang barayti ng wika sa magkaibigan sa barayti ng wika sa pagpupulong pampaaralan, dahil sa aspetong
a.Heograpikal b. Sosyal c. Morpolohikal d. Ponolohikal
30. “Tingnan mo! Napatak ang buko!” Mahihinuhang ang nagsasalita ng naturang pahayag ay taga Batangas. Ito ay sanhi ng anong
pagkakaiba ng wika? a.Heograpikal b. Sosyal c. Morpolohikal d. Ponolohikal
31. Kung ikaw ay naninirahan sa Bacolod at naisipang mag-aral sa Maynila, ano ang dapat isaalang-alang na kaisipan sa pagtukoy ng
wika?
a. Sosyal dahil ibang tao na ang iyong makasasalamuha
b. Heograpikal dahil naiba na ang iyong tirahan
c. Okupasyunal dahil ikaw ay malapit ng magtrabaho
d. Morpolohikal dahil marami ng panlaping madaragdag
32. Si Coco M ay isang probinsyanong lumaki sa bulubundukin ng Ifugao. Lumaki s’yang gamit ang kanilang katutubong wika. Ang
ganitong sitwasyon ng nagpapakita ng anong barayti ng wika?
a.Sosyolek b.Etnolek c. Pidgin d. Register
33. Ang magkaibigan ay parehong galing sa Dumaguete, kaya maaaring magkatulad sila ng:
a.Idyolek b. Dayalekto c. Creole d. Pidgin
34. Tinatawag na punto o paraan ng pagsasalita ng tao ang sosyolek. Ang pahayag ay
a.hindi ko maintindihan b. maaaring tama c. walang katotohanan d. may katotohanan

2 "Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo ‘yan sa sarili mo!”


-- Bob Ong
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahalagahan at paggamit ng wika?
a. pakikipag- usap sa tinder c. pagpapahinga sa dalampasigan kasama ang barkada
b. pagsulat ng liham sa kamag-anak na nasa ibang bansa d. panonood ng pelikula
36. Ang salitang ISYU sa larangan ng pulitika ay may rehistrong
a. paglabas ng pahayagan b. usaping pang-showbiz c. mga tsismisan d. usaping pampulitika
37. Sa larangan ng musika ang salitang komposisyon ay nangangahulugang piyesa o awit samantalang sa lenggwahe, ito ay
nangangahulugang_________
a. pinagsama-samang element b. sulatin c. pangungusap d. talata
38. Pinahiram niya ako ng bat para makasali sa laro. Sa anong larangan ginagamit ang salitang nakasalungguhit?
a. hayop b. isports c. medisina d. paggalaw ng mata
39. Marahang nilapatan ni nurse Ritz ng dressing ang mga sugat ng bata. Sa anong larangan ginagamit ang salitang nakasalungguhit?
a. agrikultura b. fashion c. pagluluto d. medisina
40. Ang salvage ay nangangahulugang “pagpatay” sa English, sa Filipino naman ay __________.
a. iniihaw b. iligtas o isalba c. pagdadala d. pagpapalawak
41. May lihim na sinabi sa iyo ang iyong nakatatandang kapatid na ayaw iparinig sa iba, kaya ano ang rehistro ng wika niya?
a. intimate b. statik c.consultative d.formal
42. Ito ang rehistro ng wika na bihirang mangyari dahil sa piling sitwasyon lamang ang kinabibilangan nito.
a. intimate b.konsultatib c. formal d. statik
43. Saang pangyayari sa ibaba ang maaari mong kasangkutan kung formal na rehistro ang maririnig?
a. Pagtatalumpati mo bilang isang panauhin c. Pag-uusap ninyo ng isang doctor
b. Pamamaalam sa iyo ng kamag-anak na magingibang bansa d. Pagkukuwentuhan ninyong magkakaklase
44. Alin sa mga sumusunod makikita ang statik na rehistro ng wika?
a. Pagpasa ng isang panukalang batas c. Pagtitinda sa pamilihan
b. Pagbati sa kaarawan ng mga kapamilya Pagtatanong sa guro
45. Aling pangyayari sa ibaba ang hindi katatagpuan na konsultatib na rehistro ng wika?
a.Pagtatanong komyuter sa drayber c.Pagbibigay proyekto ng guro sa mga mag-aaral
b.Pagbili ng damit ng isang babae d.Paghingi ng payo ng anak sa magulang
II. Isulat kung anong barayti ng wika ang mga sumusunod na pahayag.
46. Nakain na tayo.
47. Ang mahal naman. Bibilhin ko sana.
48. Kainis talaga my driver; was making tulog at 4am when I wanted to go home na.
49. Ipapasa ninyo ang inyong proyekto sa susunod na linggo. Ang hindi makakapagbibigay sa takdang-araw ay hindi na
tatanggapin.
50. Bagong model ba ito ng Nayki? Ay mam! Limited edition po yan. Bagong labas ng Nayk.
51. Pagkaganda palá ng anák ng mag-asawang aré, ah!
52. Maghain ka na totoy. Tawagin mo na ang iyong itay.
53. Boy Abunda: Usap tayo kaibigan, Now Na!
54. Pagkatagal mo ga.
55. Ryan Bang: I lilly lilly like it!

III. Tukuyin kung kaninong rehistro ang mga sumusunod:


56. Tanggapin si Jesus sa inyong puso sapagkat Siya lamang ang tanging daan para sa inyong kaligtasan.
57. Rolang, bibigyan ko nang antibiotics ang iyong anak, kapag di pa bumaba ang kanyang lagnat pagkalipas ng 2 oras, ay
sabihin mo agad sa akin.
58. Pakibuksan ang inyong aklat sa pahina 63.
59. Your honor, I would like to make a manifestation. As per record of the case, the dependent was actually present on the crime
scene.
60. Kapag ako’y inihalal, titiyakin ko sa lahat na wala ng magugutom.

Inihanda ni:
Bb. Jeryn Ritz Mara A. Heramiz

3 "Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo ‘yan sa sarili mo!”


-- Bob Ong

You might also like