4TH Summative3
4TH Summative3
4TH Summative3
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
MARIANO PONCE NATIONAL HIGH SCHOOL
BS. Aquino Ave. Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan
Araling Panlipunan 10
Ika-apat na Markahan – Ikatlong Lagumang Pagsusulit
Taung Panuruan 2021-2022
Pangalan:____________________________Taon/Seksyon:_______________Petsa:___________Guro:_______________
I. BAYAN CONCEPT. Isulat ang salitang ipinakikilala ng sumusunod na pahayag. Ang mga sagot ay makukuha sa loob ng
kahon.
1.Ginagamit ito upang ipakilala ang mamamayang bumubuo sa lipunan.
2.Ang pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mamamayan.
3.Isang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang samahan.
4.Tumutukoy sa mga disadvantaged o dehadong sektor ng lipunan sa pormal na sektor at mga migranteng manggagawa
at iba pang mangagawa sa impormal na sektor.
5.Isang uri ng gawaing pansibiko na tumatalakay sa pakikilahok sa eleksyon.
6.Binubuo ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunan ng pagkilos at non-governmental organizations.
7.Naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembrong organisasyon.
8.Naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s organization.
II. BAYAN, I GRUPO MO. Tukuyin kung anong gawain ang ipinakikilala ng sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang letra ng
tamang sagot .
A. Gawaing Pansibiko sa Kabuhayan B. Gawaing Pansibiko sa Politika C. Gawaing Pansibiko sa Lipunan
9. Si Teresa ay sumali sa isang kooperatiba na naglalayong tulungan ang mga maliliit na negosyante.
10. Nagdesisyon si Celyne na magparehistro sa COMELEC para sa darating na eleksyon.
11. Ang lupon ng mag-aaral ng Mariano Ponce National High School ay nagkaroon ng tree-planting project sa kahabaan ng
DRT highway.
12. Nagkaroon ng livelihood program sa Barangay Poblacion, Baliwag bilang tulong sa mga pamilya na magkaroon ng
karagdagang kita.
13. Si Liam ay nagvolunteer sa isang medical mission sa kanilang komunidad.
14. Nagpunta si Ivan sa meeting de avance ng magkabilang partido upang makapili ng kandidatong kanyang iboboto.
15. SI Ruffa May ay nagvolunteer sa isang tv channel upang magbahagi ng relief goods sa mga mamamayan na nasalanta
ng bagyong Yolanda sa Hagonoy.
16. Namahagi ng mga pataba at pesticides ang Kagawaran ng Agrikultura sa mga magsasaka.
17. Nagtiyagang pumila sa init ng araw si Carmi upang makaboto ngayong Eleksyon 2022.
18. Ang mga mag-aaral sa isang unibersidad ay nagkaroon ng kilos-protesta dulot ng sobrang pagtaas ng tuition fee sa
kanilang unibersidad.
19. Ang kilalang – kilalang Good Shepherd sa Baguio ay tumutulong sa mga batang iskolar upang matupad ang kanilang
mga pangarap.
20. Dumalo si Mr and Mrs. Marasigan sa isang pambayang ulat ni Mayor Ferdie Estrella.
21. Si Dr. Mariano ay nagkaroon ng isang dental mission sa bayan ng Bustos.
III. BAYAN FILL UP. Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Ang _______________ ay nakakabuti sa isang demokrasya. Binibigyan ng civil society ang mga ______________ ng
mas __________________ sa pamamahala ng bansa. Sa pamamagitan ng pag-eengganyo sa mga mamamayan sa mga
gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng _____________ sa kanilang
______________.