Katangian NG Mito, Alamat at Kuwentong-Bayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Cielito Zamora Junior High School

Molave St. Brgy 177, Caloocan City

BANGHAY ARALIN SA PILIPINO 7


Pebrero 27, 2023
Pamantayang Pagnilalaman : Nauunawaan ng mag-aaral ang aralin tungkol sa
katangian ng mga panitikan.
Pamantayan sa Pagganap : Naiisa-isa ng mag-aaral ang bawat pagkakaiba ng
bawat panitikan.
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Napaghahambing ang katangian ng alamat/mito/kuwentong-bayan
(F7PB-IIId-e-15)

Il. Paksang – Aralin


Pamagat : Katangian ng Mito, Alamat, at Kwentong – Bayan
Panitikan : Pagkilala sa sa Mitolohiya (Mito, Alamat, Kwentong Bayan)
Sanggunian : Pinagyamang Pluma pahina 304- 306
Kagamitan : Tarpapel, Yeso at Pisara

Ill. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsisiyasat sa Kapaligiran
4. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang liban sa araw na ito? Wala po ma’am

B. Balik aral
Lifu-o
Balikan natin ang nakaraang aralin patungkol Napat-a
sa “Ang Matandang Kuba sa Gabi ng Canao”.
Sabsafung
Maari niyo bang ibigay ang mga tauhan.
Magbigay ng isang tauhan. Am-ama
Intugtukon
Matandang Kuba

C. Motibasyon

May ipakikitang na larawan ang guro.


Huhulaan ng bawat mag-aaral ang
tamang terminolohiya para sa larawan.

Sagot: Bathala
Sagot: Diwata

Mahusay ! Ang nasa larawan ay Bathala at


Diwata.

D. Pagtatalakay sa Paksa

Mga Gabay na Tanong para sa Pag-unawa:

1. ANO ANG MGA ELEMENTO NG: Mito,


Alamat at Kuwentong-Bayan ?

2. ANO ANG MGA KATANGIAN BATAY SA


ASPETONG PANG KULTURA NG: Mito,
Alamat at Kuwentong-Bayan ?

PANITIKAN

Bahagi ng mayamang kultura ng mga


Pilipino na nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon.

Ang mga matatandang anyo ng panitikan ay


nasa pasalita o pasalindilang pamamaraan.
Matandang anyo ng panitikan

1.Mito

2. Alamat

3. Kuwentong-Bayan

Tumatalakay sa kalikasan, pamahiin,


relihiyon, paniniwala at kultura ng isang
partikular na pangkat o lugar.

Mito

Karaniwang tumatalakay sa mga


kuwentong may kinalaman sa mga diyos at
diyosa, bathala, diwata at mga kakaibang
nilalang na may kapangyarihan.

Mga Katangian

1. Ang mga tauhan ay mga diyos at diyosa,


bathala o diwata.

2. Nababalutan ng hiwaga o pangyayaring


hindi kapani-paniwala.

3. Naniniwala sa mga ritwal, kultura at


tradisyon.

Halimbawa: Ang Matandang Kuba sa Gabi ng


Cañao.

Alamat

Sa ingles ay "legend" Kuwentong


nagsasaad kung saan nanggaling o nagmula
ang mga bagay-bagay.

Mga katangian

1. Kathang isip lamang.

2 Nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga bagay-


bagay.

Halimbawa: Alamat ng Pinya

Kuwentong-Bayan

Isang maikling kuwento tungkol sa


tauhang naninirahan at nagtataglay ng
katangian, katutubong kulay, o kulutra sa isang
partikular na lugar o pangkat.

Mga katangian

1. Kuwentong nagmula sa bawat pook na


naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar.

2. Masasalamin ang kulutra ng bayang


pinagmulan nito.

Halimbawa: Si Juan Tamad

Elemento ng Mito, Alamat at Kuwentong-


Bayan
Tauhan
Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaring
maging masama o mabuti.
Tagpuan
Ang pook, lugar at panahonvkung saan
nangyari ang kabuoan ng kuwento.
Banghay
Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento.
1. Simula- Pinapakilala ang tauhan at at ang
lugar ng paggaganapan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan- Kung saan magtatagpo-
tagpo ang mga tauhan na masasangkot sa
tunggalian ng kuwento.
3. Tunggalian- Ang suliraning haharapin ng
pangunahing tauhan sa kuwento.
4. Kasukdulan- Pinaka kapana-panabik na
bahagi ng kuwento.
5. Kakalasan- Kunti-kunting nasusulusyunan
ang mga suliranin sa kuwento.
6. Wakas- Ang pagwawakas ng kuwento na
maaring masaya o di kaya ay malungkot.

E. Paglalahat
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Saiyong palagay, bakit kailangang alamin ang


pagkakaiba ng panitikang mito, alamat at
kuwentong bayan?

Paano makakatulong ang pag-aaral ng


panitikan saiyo bialng mag-aaral ?

F. Paglalapat
Bakit mahalagang pag-aralan ang mga
panitikang katulad ng mito, alamat at
kuwentong bayan?
Sa pamamagitan ng pag-
aaral ng panitikan ay
natutuhan ng mga mag-
aaral ang istilong ginamit
ng isang awtor sa paglikha
ng mga akdang ito. At higit
sa lahat ay nauunawan nila
ang pagkakaiba-iba ng mga
akda sa isa't-isa.

Isa sa mga
pinakamalahagang rason sa
pag-aaral ng panitikan ay
ito ay nagiging isang daan
upang makilala natin ang
ating sarili bilang Pilipino,
at matangap natin ang
ating pinagyaman ng isip at
ang angking talino ng at-
ing pinanggalingang lahi.

Mahalagang pag aralan


ang panitikan sapagkat ito
ang nagiging daan upang
maunawaan natin ang ating
kultura. Ang mga mito,
alamat, at kwentong bayan
ay mula sa mga kaugalian
ng ating mga ninuno. Ang
mga ito rin ay madalas na
hango sa kanilang buhay at
mga paniniwala. Sa
madaling salita, ang pag
aaral ng panitikan ay susi sa
pag unawa sa ating
kasaysayan.

IV. Pagtataya
Paghambingin ang katangian ng alamat, mito, at kuwentong- batay sa paksa at
aspektong pangkultura (hal. heograpiya pamumuhay at iba pa na nagpapakilala sa
mga lugar na nito gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Natatanging Katangian ng Alamat

Natatanging Katangian ng Natatanging Katangian ng Mito


Kuwentong- Bayan

Pagkakatulad ng mga Katangian ng Alamat,


Kuwentong- Bayan at Mito.

V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa “Ang Alamat ng Bulkang Mayon”.

Inihanda ni : ABEGAIL B. ALVAREZ Ipinasa kay : JOCELYN T. ACOSTA


Binigyang pansin ni :
MARILOU M. SURIAGA
Head, Filipino Department

You might also like