Pagsusuri NG Tula-Activity
Pagsusuri NG Tula-Activity
Pagsusuri NG Tula-Activity
ni Lope K. Santos
Si Lope K. Santos ay isa sa mga pinakatanyag namanunulat sa wikang Tagalog. Siya ay nobelista,makata,
abogado, kritiko, lider obrero, ating tinuturing na “Ama ng Pambansang Wika at Balarila.” Si Santos ay
isinilang sa Pasig, dating sakop ng Rizal, noong 25 Setyembre 1879. Namatay si Santos noong 1 Mayo
1963. Si Santos ay supling nina Ladislao Santos na tubong Pasig at Victoria Canseco na tubong San
Mateo, Rizal. Noong 10 Pebrero 1900, ikinasal si L.K. Santos kay Simeona Salazar na nagbigay sa kaniya
ng limang supling.
Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni
Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog,
katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa
pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang
Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika,
Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang
palayaw na Mang Openg.
Unang saknong:
Ang kahulugan mo'y isang paglilingkod
na walang paupa sa hirap at pagod;
minsang sa anyaya,minsang kusang loob,
pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos
Paliwanag:
Inilarawan niya ang kabayanihan bilang pagtulong sa kapwa ng walang bayad kundi dahil pag-ibig.
Ikalawang saknong:
Natatalastas mong sa iyong pananim
iba ang aani't iba ang kakain
datapwa't sa iyo'y ligaya na't aliw
ang magpakasakit nang sa iba dahil.
Paliwanag :
Maging masaya kahit na ang bunga ng paghihirap ay iba ang pumipitas.
Sapagkat masaya na siyang makikita ang ibang taong masaya kahit na ika'y nahihirapan.
Ikatlong saknong:
Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay....
pinapupuhunan mo at inaalay
kapagka ibig mong sa kaalipinan
ay makatubos ka ng aliping bayan
Paliwanag:
Gagawin ang lahat buhay man ang kapalit matubos lamang pagka-alipin ng sariling bayan.
Ikaapat na saknong:
Sa tulong mo'y naging maalwan ang dukha,
sa turo mo'y naging mulat ang mulala,
tapang mo'y sa duwag naging halimbawa't
ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
Paliwanag:
Naging huwaran ng lahat kaya’t kamatayan ay nabuhay sa patay na bayan.
Ikalimang saknong:
Tikis na nga lamang na ang mga tao'y
mapagwalang-turing sa mga tulong mo:
ang kadalasan pang iganti sa iyo
ay ang pagkalimot, kung di paglililo.
Paliwanag:
Ngunit ng mga sakripisyo ay parang nilista sa tubig, lahat ay walang turing at nakalimot.
Sa tulang ito, nasasalamin ang kabayanihan ng mga Pilipino na makamit ang inaasam na kalayaan.
Kahit sa anong hirap at pagod, kusang loob nila pinaglalaban dahil sa pag-ibig nila sa kapwa at pananalig
sa ating Panginoon. Higit pinahuhugutan ang karapatan ng bawat Pilipino na lumaban sa kamay ng mga
Amerikano. Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo at buhay ang pinagpuhunan at inaalay nila sa kanilang
bayan na inaalipin ng mga dayuhang Amerkano. Ang buhay ng mga Pilipino ay hindi madaling
huhusgahan dahil sa hirap ng kanilang pinaglaban.
Sa tulong ng bawat isa ang dukha ay namulat sa katotohanan, ang kanilang pawis at dugo na
naranasan nila na ipinagkaloob kahit sa kamatayan ay para rin sa kanilang kapwang Pilipino na
naghahangad ng totoong kalayaan. Ang tunay na bayani ay hindi naghahangad ng kapalit kundi kusang
loob nila ito tinanggap kahit sila ay mawawala sa mundong ibabaw. Mahirap gawin ang kanilang ginawa
dahil buhay ang nakasalalalay dito para sa ating minamahal na bayang sinilangan.
Ang kabayanihan nila’y naging magandang halimbawa para sa ibang tao. Ang iba sa kanila’y
naging magandang ehemplo lalong lalo na sa mga dukha ang naging alipin ng kaalipustahan. Ang
kanilang kabayanihan ay nagbigay inspirasyon sa mga tao upang magsalita para sa kanilang karapatang
pangtao. Ipinapakita nila na hindi dapat tayo inaalipin at ipinapasunod lamang sa gusto nang ibang tao.
Ang iba nga’y pagkalimot lang ang iginaganti sa kanila, nililimot ang kanilang kabayanihan,
sakripisyo at kabutihan na inialay sa aliping bayan. Huwag nating kalimutan na kung wala sila ligaya’t
aliw ay hindi natin makakamit. Kung wala ang ating mga bayani ay malamang mga alipin pa rin tayo ng
ibang bansa. Bigyan nating ng galang ang ating mga bayani.
Ang layunin ng may-akda ay maipamalas ang kabutihan, kabayanihan, pagmamahalan ng
bawat isa bilang isang Pilipino. Sa kahit anong pagsubok ang dumaan kapag may pagsasama't
pagtutulungan ay makamit natin ang tunay na tagumpay basta may tiwala sa isa't isa at sa Panginoon.