AP9 Q3 Week1 V1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Araling Panlipunan- Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan: Makroekonomiks
Aralin 1: Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Unang Edisyon 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ng pahintulot
ng ahensya o ng tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ang nasabing
ahensya o tanggapan ay pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark , palabas sa telebisyon,
pelikula at iba pa) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang- ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahino
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education: National Capital Region
Office Address
Telefax
E-mail Address

1
2
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay kapupulutan ng mga kaalaman tungkol sa
takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito ay naglalayong ilarawan at
ipaunawa sa mga mambabasa ang mahahalagang gampanin ng bawat
sektor ng ating ekonomiya, magkaroon ng pag-unlad sa kalagayan at
pamumuhay ng bawat mamamayan.
Ang pag-aaral sa ekonomiya ng isang bansa ay napakahalaga
upang matukoy at mapag-aralan ang mga pamamaraan tungo sa
kaunlaran. Kung ang Maykroekonomiks ay tumutukoy sa mga tiyak na
yunit na pang-ekonomiya, ang Makroekonomiks naman ay nakatuon sa
pag-aaral sa takbo o gawi ng kabuuang pagsusuri ng ekonomiya ng
bansa. Sinusuri ang pangkabuhayang aspeto at ang mga sektor na
gumaganap at nagpapatakbo rito tulad ng bahay-kalakal, pamilihan at
paglilingkod, sambahayan ,pamahalaan, pamilihang pinansiyal at ang
pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
Mahalaga rin ang gampanin ng panlabas na sektor sapagkat
maaaring maging daan ito upang mapaunlad at mapalawak ang
ekonomiya ng bansa. Sa kasalukuyang panahon kung saan ang
makabagong teknolohiya ay maituturing na nating “basic necessities” o
pangunahing pangangailangan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong
mundo.
Halina’t alamin at tuklasin natin ang mga pangunahing
tagapaganap o aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya. Paano
nagkakaugnay-ugnay ang bawat sektor? Anu-ano ang mahahalagang
gampanin ng bawat isa sa paikot na daloy ng ekonomiya at kung paano
ito nakaaapekto sa pagkamit ng pambansang kaunlaran?

3
YUNIT III: MAKROEKONOMIKS
ARALIN 1: ANG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Alamin

ANTAS 1: INAASAHANG RESULTA / BUNGA NG PAGKATUTO


Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi Naipamamalas ng mag-aaral ang
ng mga pamamaraan kung paanong ang pag-unawa sa mga pangunahing
pangunahing kaalaman tungkol sa kaalaman tungkol sa pambansang
pambansang ekonomiya ay ekonomiya bilang kabahagi sa
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran. pambansang kaunlaran.
Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong
Mahalaga ang bahaging gina-gampanan Paano nakaaapekto ang
ng pambansang ekonomiya sa pambansang ekonomiya sa
pamumuhay at kabuhayan ng bawat pamumuhay at kabuhayan ng bawat
mamamayang Pilipino. mamamayang Pilipino?

Most Essential Learning Competencies (MELCs)


● Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya.

SUB-COMPETENCIES
● Nailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya.
● Natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
● Napapahalagahan ang ugnayan ng mga pangunahing tagapagganap o
sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya tungo sa pagkamit ng
pambansang kaunlaran.

Handa ka na bang tuklasin kung paano nabubuo at gumagalaw ang


ekonomiya ng bansa at magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa
paikot na daloy ng ating ekonomiya? Kung gayon, magpatuloy na tayo!

2
Subukin

Paunang Pagtataya

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng


pinaka-angkop na sagot mula sa mga pagpipilian. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Nahahati sa dalawang dibisyon ang ekonomiks. Isa na dito ay ang
pag-aaral sa malaking yunit ng ekonomiya. Ano ito?
A. Makroekonomiks B. Mikroekonomiks C. GNP D. GDP
2. Alin sa mga sumusunod ang saklaw ng makroekonomiks?
A. Paggalaw ng presyo C. Pagbabago ng suplay
B. Kabuuang ekonomiya D. Sektor ng industriya
3. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
4. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paano nagkakaugnay-ugnay ang
sambahayan at bahay-kalakal?
A. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na
sumasailalim ng pagproproseso ng bahay-kalakal.
B. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa
mga bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal.
5. Ang bahay-kalakal ay nagpoprodyus ng kalakal at paglilingkod. Samantala
ang sambahayan ang nagkakaloob ng renta, sahod at tubo.
A. TAMA ang unang pahayag, MALI ang ikalawa
B. MALI ang unang pahayag, TAMA ang ikalawa
C. Parehong TAMA ang dalawang pahayag
D. Parehong MALI ang dalawang pahayag

6. Ipinapakita ng ikatlong modelo ng ekonomiya ang pagkakaroon ng


pamilihang pinansyal. Ano ang layunin nito?
A. Nagbebenta ng kalakal at serbisyo

3
B. Bumibili ng kalakal at paglilingkod
C. Kumukolekta ng buwis
D. Nag-iimpok ang sambahayan at nagpapautang sa bahay-kalakal
7. Ang pamilihan ng dayuhang produkto naman ay nakakaapekto sa ibang
sektor sa paraang napapalawak nito ang _______.
A.Sambahayan B. Kompanya C. Kalakalan D. Pamahalaan
8. Sa paikot na daloy ng kalakal at paglilingkod, kapag ikaw ay nag-impok
bilang kaanib ng sambahayan, ang higit na naaapektuhan ay iyong
___________.
A. Produksyon B. Pamumuhunan C. Pagpapalitan D. Pagkonsumo
9. Malaki ang papel ng pagkakaroon ng pondo sa pambansang ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang hindi ginagamitan ng pondo sa pagpapaunlad
ng ekonomiya?
A. Pambayad sa mga salik ng produksyon
B. Pambili ng karagdagang capital
C. Pampagawa ng mga kalsada at tulay.
D. Pang-abuloy sa mga namatayan
10. Ang institusyong pananalapi na tumatanggap ng mga salaping impok mula
sa sambahayan at bahay-kalakal, nagbibigay ng pautang sa mga
mamamayang nais matagtayo ng negosyo o di kaya dagdag puhunan upang
mapalago ito.
A. Bangko B. Bahay-sanglaan C. Bahay-kalakal D. Stock Market
11. Ang kita na hindi ginagamit sa pagkonsumo ng tao ay tinatawag na _____.
A. Kita B. Impok C. Salapi D. Puhunan
12. Ito ay tumutukoy sa pagluluwas ng mga produkto o serbisyo sa ibang
bansa na kung saan ay nagbibigay ng pagkakataon sa sambahayan at
bahay-kalakal na matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.
A. Pamumuhunan C. Eksportasyon
B. Importasyon D. Kalakalan
13. Ang sektor ng ekonomiya na nagkakaloob ng mga yaring produkto ay ang
_____.
A. Pamahalaan B. Sambahayan C. Pamilihan D. Bahay-kalakal
14.Mahalaga ang mga salik ng produksiyon sa paggawa ng mga kalakal at
serbisyo. Alin sa mga sumusunod na salik ang hindi napapalitang yaman
ng bansa?
A. Kapital B. Lupa C. Entreprenyur D. Lakas-paggawa
15.Ang lifestyle ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay ng isang tao. Saan
nakabatay ang lifestyle?
A. Perang nakatago C. Perang pinambayad sa utang
B. Perang handang gastusin D. Perang pangmatrikula

Balikan

4
Gawain 1: I-MATCH MO!
Panuto: Mula sa kolum A, basahin at unawain ang mga pahayag na
tinutukoy sa kolum B. Isulat ang titik na lamang.
KOLUM A KOLUM B
1. Supply A.Tumutukoy sa pinakamababang presyo na
itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
2. Demand B.Kalagayan kung saan nagkakasundo sa isang
presyo at dami ng produkto o serbisyo ang isang
mamimili at nagtitinda.
3. tas ng demand C.Ito ay batas na nagsasaad na mayroong direktang
relasyon o ugnayan ang presyo sa quantity
demanded.
4. Batas ng supply D.Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang taong bumili ng isang produkto at serbisyo.
5. Ekwilibriyo E. Ito ay ay isang sitwasyon kung saan mas malaki
ang dami ng demand kaysa sa dami ng produkto na
nais i-supply.
6. Pamilihan F.Tumutukoy sa pinakamataas na presyo na
itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.
7. Shortage G.Ito ay batas na nagsasaad na may magkasalungat
na relasyon o ugnayan ang presyo ng produkto at
ang dami na kayang bilhin ng konsyumer o
mamimili.
8. Surplus H.Ito ay isang lugar/mekanismo kung saan ang
konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng
interaksiyon upang magkaroon ng bentahan.
9. Floor Price I. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng
isang bahay-kalakal o prodyuser na magbenta ng
produkto at serbisyo.
10.Ceiling Price J. Ito ay isang sitwasyon kung saan mas malaki ang
dami ng produkto na isinusuplay kaysa sa dami ng
demand.

Tuklasin

5
Gawain 2: KROSSALITA!
Hanapin at kulayan ang mga salitang may kaugnayan sa paksang
tatalakayin. Maari itong pababa, pahalang o pabaligtad.
M B P A I K O T N A D A L O Y

O M A K R O E K O N O M I K S

D R P H B D B I P A I S Y E T

E S B I A Y S O T R D A B K N

L T E G N Y E I P L R M O O E

O N X B G O K Y S D E B S N M

I M P O K L T A A H B A I O T

M O O H O A O T L E O H P M S

P W R L B D R Y A A S A D I E

O A T U L A T I P A K Y H Y V

R A L P H E D B I B H A I A N

T H P A M A H A L A A N L D I

Pamprosesong tanong:
1. Anu-ano ang mga salitan iyong nahanap?
2. Bigyan ng sariling kahulugan ang mga salitang nahanap at gamitin ito
sa pangungusap.

Suriin at Unawain

6
Mga modelo ng Pambansang Ekonomiya
Ang daloy ng ekonomiya ay nagbabago batay sa sektor na lumalahok
dito. Upang lubos mong maunawaan kung paano nagaganap ang kalagayan ng
isang ekonomiya, talakayin natin ang iba’t ibang modelo sa daloy ng
ekonomiya na siyang naglalarawan sa kabuuan.
Unang Modelo: Simpleng Ekonomiya
Sa modelong ito inilalarawan ang simpleng uri ng ekonomiya kung saan
ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa lamang, ipinapakita nito na ang
sambahayan ang tumatayong prodyuser at konsyumer sa mga produktong
kanyang nabubuo. Sa maikling salita ang produktong nabuo ng sambahayan
ay sapat lamang upang ipangtustos sa mga pangangailangan o ng komunidad
na kanyang kinabibilangan. Dito maaaring ring magkaroon ng palitan ng
produkto ang sambahayan at bahay-kalakal sa isang partikular na lugar na
tutugon sa kanilang mga pangangailangan subalit walang nagaganap na
pagbebenta o pagbili ng mga produktong ito.
Ikalawang Modelo: Pamilihan
Makikita dito ang pag-iral ng sistema ng pamilihan na
kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal bilang
pangunahing sektor ay magkaiba. Ang pamilihan ay
mayroong dalawang uri: Una, ang Pamilihan ng salik ng
produksiyon o factor markets na kung saan ang kapital,
lupa at lakas paggawa na napakahalaga upang makabuo ng mga produktong
tutugon sa pangangailangan ng tao. Ang sambahayan ay kumikita mula sa
interes, kita ng entreprenyur, renta o upa at pasahod sa paggawa; Pangalawa,
ang Pamilihan ng tapos na produkto o commodity nakilala rin na goods
market o commodity market. Sa ganitong uri ng ekonomiya ang sambahayan ay
bibili ng mga produktong tutugon sa pangangailangan at kagustuhan nito
mula sa produktong nabuo ng bahay-kalakal. Mapapansin natin na pareho
kumikita ang dalawang sektor, una; sa pamamagitan
ng halaga ng gastusin ng sambahayan at
bahay-kalakal at pangalawa ay sa pamamagitan ng
kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal.
Ikatlong Modelo: Pananalapi
Dito papasok ang sektor ng pananalapi o
pamilihang pinansiyal na kung saan ang
sambahayan at bahay-kalakal ay isinaalang-alang
ang pangangailangan sa hinaharap. Bukod sa
paglikha ng mga produkto, ang pag-iimpok o savings
at pamumuhunan o “ investment” ay mahalagang

7
gawaing pang-ekonomiya upang magkaroon ng maayos at maunlad na
sistema. Ang kita na hindi ginastos ng sambahayan ay tinatawag na “savings”
maaring ilagak sa pamilihang pinansiyal tulad ng bangko, kooperatiba,
insurance company, pawnshop, stock market at marami pang iba, na kumikita
sa pamamagitan ng interest na ibinibigay ng bangko. Sa halip na patulugin ng
bangko ang perang impok ng mamamayan ito ay kanilang inilalagak sa
negosyo, ipinapautang sa mga mamamayan at nagsisilbing panibagong
dagdag sa puhunan.
Ika-apat na Modelo: Pamahalaan
Ang Pamahalaan ang may malaking gampanin
sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito
ang nangangasiwa sa sambahayan at bahay-kalakal
upang magkaroon ng maayos na takbo at
mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa sa
pamamagitan ng mga sebisyong pampubliko na
makakatulong sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
mga mamamayan nito. Ang pamahalaan ay
kumukolekta ng buwis o tax mula sa sambahayan at
bahay-kalak, makapagkaloob ng sebrbisyong
pampubliko tulad ng paaralan, ospital, kalsada mga tulay at iba pa. Upang
masiguro ang pag-unlad ng isang ekonomiya kailangang mapataas ang
produksiyon, maging produktibo sa pamumuhunan at produktibidad ng mga
gawain ng pamahalaan
Ikalimang Modelo: Panlabas na Sektor
Ang modelong ito ay tinatawag din na bukas
na ekonomiya sa kadahilanang may panlabas na
pakikipagkalakan at hindi tulad ng mga naunang
mga modelo na nakatuon lamang ang galaw ng
ekonomiya sa loob ng isang bansa, dito ang
bahay-kalakl ay maaring magluluwas (export) ng
mga produkto at paglilingkod sa labas na sektor
samantalang ang samabahayan ay nag-aangkat
(import) naman upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng bawat isa.
Pinagkunan:hango sa Ekonomiks:Araling Panlipunan para sa
mag-aaral,ph.231-238

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang maaring makaimpluwensya o makaapekto sa ugnayan ng
bawat sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
2. Sa papaanong paraan magkakaroon ng positibong epekto sa
ekonomiya sa ugnayan ng paikot na daloy ng ekonomiya?

8
3. Sa iyong palagay ano ang maaaring maganap sa isang ekonomiya kung
wala sa isa sa mga sektor na bumubuo nito?
4. Sa kalagayang pang ekonomiya ng Pilipinas ngayon, sa iyong palagay
paano nakaapekto ang pandemya (COVID 19) sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
5. Gaano kahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa pagtugon sa mga
nararanasan ng mga mamamayan sa panahon ng pandemya (COVID
19) ?
Gawain 3: TUKUYIN MO!
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin sa kahon ang tamang sagot.
EXPORT MAKROEKONOMIKS BUWIS
PAMAHALAAN SAMBAHAYAN
__________1.Dibisyon ng Ekonomiks na nakatuon sa kabuuang ekonomiya.
__________2.Salaping kinokolekta ng pamahalaan upang makalikom ng pondo.
__________3. Pinagmumulan ng mga salik ng produksiyon.
__________4.Bumubuo ng mga produkto at serbisyong panlipunan.
__________ 5. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
Gawain 4 : FILL IT RIGHT
Ibigay ang bahaging ginampanan ng mga sektor at pamilihan sa
paikot na daloy ng ekonomiya.

Pinagkunan:hango ang gawain sa Ekonomiks:Araling Panlipunan para sa mag-aral,ph.238

Pagyamanin

9
Gawain 5: IKOTIN NATIN!
Suriin at siyasatin ang dayagram sa ibaba. Tukuyin at isulat ang mga
sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya sa patlang na nakalaan dito.Gamiting
batayan sa pagsagot ang pamprosesong tanong sa ibaba.

Pamprosesong tanong:
1. Sino-sino ang mga aktor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
2. Ano ang gampanin ng bawat sektor na ito sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa?
3. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya?
4. Gaano kahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa takbo ng ekonomiya
ng isang bansa?
5. Sa papaanong paraan nakakatulong ang pamilihang pinansiyal sa
takbo ng isang ekonomiya?

Isaisip

10
Ating isa-isahin ang mga mahahalagang konsepto nabanggit sa
paksang tinalakay na siyang bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya ng
isang bansa. Basahin at unawain ito.
Makroekonomiks - ay ang pag-aaral ng ekonomiya kung saan nakatuon sa
komposisyon at galaw ng pambansang ekonomiya o ang kabuuang takbo
nito.
Paikot na daloy ng ekonomiya - Ito ay nagpapakita at naglalarawan ng
ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa ekonomiya ng isang
bansa.
Sambahayan - Ang sektor na ekonomiya na nagbibigay ng mga salik ng
produksyon, tulad ng lupa, paggawa, kapital o puhunan, at entreprenyur,
sa kompanya upang makagawa ng produkto at serbisyo.
Bahay-kalakal - Ang sektor ng ekonomiya na bumibili ng mga salik ng
produksyon at gumagawa ng mga produkto at serbisyo na maaaring
ipagbibili sa mga pamilihan.
Pamahalaan - Ang organisasyong gumagawa at nagpapatupad ng mga
batas upang magkaroon ng tahimik, maayos at maunlad na komunidad ang
isang bansa.
Pamilihan ng kalakal at paglilingkod - Ito ay tumutukoy sa pamilihan ng
tapos na produkto o commodity kung saan nagaganap ang interaksiyon o
kalakalan ng mga mamimili at nagtitinda.
Pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets - Ito ay tumutukoy
sa pamilihan para sa kapital na produkto tulad ng kapital, lupa at
paggawa.
Pamilihang Pinansiyal - Ito ay tumutkoy sa mga institusyong
pinagkukunan ng mga negosyante ng salapi o puhunan upang
makapagpatayo o mapalago ang isang negosyo. Halimbawa: Bangko,
Pawnshops, insurance, kooperatiba at marami pang iba.

Gawain 6: DUGTUNGAN MO NGA!


Dugtungan ang talata at sumulat ng isang maikling sanaysay mula dito.
Maaring gamiting gabay ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

1. Natutuhan ko na ang sambahayan at bahay – kalakal ay ____________


__________________________________________________________________.
2. Napagtanto ko na ang pamilihang pinansyal ay_____________________
_________________________________________________________________.
3. Napag-alaman ko na ang panlabas na sektor ay ________________
samantala ang pamahalaan naman ang siyang____________________.

Pamprosesong tanong:

11
1. Ano ang mahalagang gampanin ng bahay-kalakal at sambahayan sa
takbo ng ekonomiya ng isang bansa?
2. Sa paanong paaraan nakakatulong ang mga pamilihang pinansyal sa
takbo ng isang ekonomiya?
3. Bakit mahalaga ang ugnayan ng panlabas na sektor at pamahalaan sa
maayos na takbo ng ekonomiya ng isang bansa?

Isagawa

Gawain 7: I-GUHIT MO!


Ipagpalagay natin na isa ka sa nabigyan ng ayuda ng pamahalaan sa
panahon ng pandemyang (COVID 19) nararanasan natin ngayon sa
pamamagitan ng Social Ameliration Program (SAP). Paano mo ito gagamitin?
Anong pamamaraan ang iyong gagawain upang maging kapaki-pakinabang at
makabuluhan ang perang natanggap mula sa pamahalaan? Iguhit at ilarawan
ito sa isang short bond paper at gumawa ng isang sanaysay o repleksyon ukol
dito. Ipaliwanag ito sa ating susunod na virtual class.( 20 puntos)
Pamprosesong Tanong:
1. Bilang isang mabuting mamamayan, paano mo gagamitin ito? Ilarawan.
2. Paano magiging kapakipakinabang ang iyong gagawin para sa iyong
pamilya at sa pamayanang iyong kinabibilangan?
3. Ano-anong mga hakbangin ang maaari mong maiambag sa pamahalaan
sa kasalukuyang kalagayang panlipunang nararanasan natin ngayon?
4. Sa iyong palagay, ano ang maaring mangyari sa mga mamamayan ,sa
negosyo at sa bansa kung magpapatuloy pa ang pandemyang ito?
5. Sa paanong paraan nakaaapekto ang pandemyang ito sa kalakalang
panlabas ng bansa? Ipaliwanag.

Tayahin
Pangwakas na Pagsusulit

12
I. PANUTO: Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Alin sa sumusunod ang hindi kalahok sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Sambahayan B. Bahay-Kalakal C. Simbahan D. Banko
2. Ang dinepositong Php100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng
paglabas (outflow) ng salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang
nararapat na gawin upang pumasok (inflow) muli ang salapi sa paikot na
daloy?
A. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
B. Ipautang ng bangko ang idineposito upang magamit na panibagong
kapital sa negosyo.
C. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang
paggastos ng tao.
D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng
mga bangko
3. Sa paikot na daloy ng kalakal at paglilingkod,kapag ikaw ay nag-impok
bilang kaanib ng sambahayan,ang higit na naaapektuhan ay iyong
_____________.
A. Produksyon B. Pamumuhunan C. Pagpapalitan D.Pagkonsumo
4. sa sumusunod ang tumutukoy sa kita o perang nagpapalipat-lipat sa
paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Impok sa bangko B. sahod C. Gastusin sa produksyon d. Utang
5. Ang nangongolekta ng buwis mula sa mga mamamayan at negosyante
upang magamit sa pagtulong sa sambahayan at bahay-kalakal?
A. Bahay-kalakal B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Banko
6. Ang modelong ito ay tinatawag din na bukas na ekonomiya sa
kadahilanang nakikipagkalakalan ang isang bansa sa ibang dayuhang
ekonomiya
A. Sambahayan B. Bahay-Kalakal C. Panlabas na Sektor D.
Banko
7. Maaari bang magbago ang daloy ng ekonomiya kung may mapapalitan o
mawawalang sektor na kalahok nito?
A. Hindi po, dahil patuloy ang produksyon ng produkto at serbisyo kahit
pa may magbago sa daloy ng ekonomiya.
B. Hindi po, dahil patuloy na iiral ang ekonomiya kahit pa mawala ang
isang sektor nito.
C. Opo, dahil magkakaugnay ang bawat sektor ng ekonomiya.
D. Opo, dahil magbabago ang kita o perang iikot sa daloy ng ekonomiya.
8. Sektor ng ekonomiya ang nangangalaga at namamahala sa sektor ng
pananalapi sa bansa?
A. Sambahayan B. Bahay-kalakal C. Pamahalaan D. Banko
9. Bakit mahalaga ang paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Dahil ang masiglang paikot na daloy ay nagpapakita na mayaman ang
mga mamamayan.

13
B. Dahil ang paikot na daloy ang ekonomiya ay nagpapakita ng husay at
galing ng pinuno ng bansa.
C. Dahil ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita na
magaganda ang mga produkto at serbisyo sa isang bansa.
D. Dahil ang masiglang paikot na daloy ay nagpapakita ng
maunlad na ekonomiya.
10.Tama ba na nakikilahok ang pamahalaan sa daloy ng ekonomiya sa bansa?
A. Opo, dahil ito ang nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan at
mga negosyo sa bansa.
B. Opo, dahil ang buwis na kinokolekta nito ay nakatutulong upang
magkaroon ng perang gagastusin ang pamahalaan.
C. Hindi po, dahil wala naman itong produkto o serbisyo na ipinagbibili sa
pamilihan.
D. Hindi po, dahil dapat na ituon lamang nito ang atensiyon at gawain sa
pamamahala ng bansa.
II. Panuto: Tukuyin ang mga pinapahayag ng pangungusap. Isulat sa patlang
ang sagot.
____________1.Nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na
bumubuo sa ekonomiya ng isang bansa.
____________2.Nagbibigay ng mga salik ng produksyon, tulad ng lupa,
paggawa, kapital o puhunan, at entreprenyur, sa kompanya upang makagawa
ng produkto at serbisyo.
____________3.Bumibili ng mga salik ng produksyon at gumagawa ng mga
produkto at serbisyo na maipagbibili sa pamilihan.
____________4.Ang organisasyong gumagawa at nagpapatupad ng mga batas
upang magkaroon ng tahimik, maayos at maunlad na komunidad ang isang
bansa.
_____________5.Tumutukoy sa pamilihan ng tapos ng produkto o commodity
kung saan nagaganap ang ang interaksiyon o kalakalan ng mamimili at
nagtitindi

Karagdagang Gawain

Gawain 7: MODELONG MODELO!

14
Panoorin ang paikot na daloy ng ekonomiya gamit ang link na:
The Circular Flow Model of Market https://youtu.be/_PKH2wtDT3E.
Gumawa ng Diorama sa isang ¼ na illustration board ng napiling
modelo sa Paikot na daloy ng ekonomiya.

RUBRIKS PARA SA PAGGAWA NG DIORAMA


Pamantayan Diskripsyon Puntos
Detalye at Wasto ang detalye na inilalahad sa gawain.
pagpapaliwanag Malinaw ang pagpapaliwanag sa ginawang
diorama. Mahusay na naiuugnay ang bawat
sektor ng paikot na daloy ng ekonomiya 15
Pagbuo ng Angkop ang ipinakitang scenario ng diorama
Diorama sa paksa. Akma ang mga kagamitan
pantulong na ginamit. 10
Kabuuang Puntos 25

Susi sa Pagwawasto

15
16
Sanggunian
1. Modyul ng mag-aaral sa Araling Panlipunan 9: Ekonomiks
2. Aklat:Ekonomiks:Mga Konsepto at Aplikasyon Mateo,Ph.D
3. https://youtu.be/_PKH2wtDT3E
4. https://apeconomicscom.wordpress.com/blogs/

17

You might also like