Komentaryong Panradyo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

FILIPINO 8

Basahin at unawain ang teksto.

Panitikan: Komentaryong Panradyo

Gramatika: Konsepto ng Pananaw

Pari, Arestado sa Pagtatago ng Iba’t Ibang Uri ng Bala

Ni R. Briones

2013-May-24, Biyernes, 02:23:00 PM

Arestado ang isang pari dahil sa pag-iingat ng iba’t ibang uri ng mga bala sa Pangasinan
Nakuha sa paring si Fr. Glenon Guimbal ng Ancient Church of the East ang mahigit sa 50
bala ng 9mm at kalibre 45 baril kabilang na ang basyo at magasin ng 9mm ngunit walang baril na
nakuha sa operasyon.
Ngunit depensa ng pari mayroon talaga siyang mga lisensyadong baril ngunit pinabenta
lamang ito ng isang kaibigan.
Layunin ng komentaryo na magbigay ng kuro-kuro, malawakang pagtalakay sa paksa at
sanga-sangang kaisipan upang maging madali sa madla ang pag-unawa kung paano at bakit
nangyayari ang isang usapin o isyu.

Halimbawa ng Komentaryong Panradyo:

Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of Information Bill (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong

pinagkakatiwalaang mamamahayag, sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito
ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga pulitiko na ipasa iyan kahit pa
nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng panukalang batas na ito, eh bibigyan ng
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala iyan! Eh di magdiriwang na ang mga
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman ‘yan!
Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat
naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto
at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas
maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo
Tanada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan
na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Gawain 1: Positibo Ka Ba o Negatibo?

Panuto: Batay sa iyong binasang komentaryo, matutukoy mo ba kung alin ang
positibo at negatibong pahayag? Itala ito sa bawat hanay na kinabibilangan.

POSITIBO NEGATIBO

_________________________ _________________________

Gawain 2: Piliin Mo!

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang sa iyong sagutang papel.
1. Tawag sa mga musika, sining, panitikan, sayaw, pelikula at iba pa na
tinatangkilik ng tao.
A. Panitikang popular C.Mekanismong
Popular
B. Kuturang Popular D. Midyang Popular
2. Pinakamalakas magpalaganap sa aspeto bilang popular, tawag sa radyo at
telebisyon.
A. Social Media C. Broadcast Media
B. Mutual Media D. Channel Station
3. Sa pamamagitan nito, naihahatid sa atin ang mga bagay na napakikinggan sa
radyo.
A. Radio Vibration C. Radio Active
B. Radio Waves D. Radio Pulse
4. Ito ay may kapangyarihan na isulong ang anomang ideya, kawsa at produkto.
A. Komentaryo C. Pelikula
B. Radyo D. Balita
5. Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu ay
tinatawag na _________?
A. Komentaryo C. Konsepto
B. Dokumentaryo D. Pagpapahayag

Gawain 3: Magsulat ka!

Panuto: Ikaw ay isang komentarista at nabanggit sa inyong usapan ang tungkol sa katigasan ng
ulo ng Pilipino. Binigyan ka ng isang (1) oras para paghandaan ang iyong mga sasabihin, paano
mo ito isusulat? Nasa loob ng kahon ang pamantayan kung paano ka mamarkahan.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Mga pamantayan Puntos Nakuhang puntos

Kaayusan ng Mensahe 10
Nakapanghihikayat 5
Paggamit ng Gramatika 5
Kabuuang puntos 20

ANG AKING SARILING KOMENTARYO:

____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

E Pagyamanin Natin

KONSEPTO NG PANANAW
Bigyang-pansin:

1. May mga ekspresyong naghahayag ng konsepto ng pananaw o “point of view”. Kabilang dito
ang ayon, batay, para, sang-ayon, sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw, akala ko/ni/ng ,
at iba pa. inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng isang
tao.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw, tulad
ng sumusunod; sa isang banda, sa kabilang dako, samantala at iba pa. Mapapansing di tulad
ng mga naunang halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang pangalawang halimbawang ito.

Gawain 1: Punuan Mo!

Panuto: Punan ng angkop na konsepto ng pananaw ang bawat bilang. Gawing gabay sa
pagsasagot ang mga ibinigay na kopsepto ng pananaw na nasa loob ng kahon.
1. ________________, pagsubok lamang ito ng Diyos na nararanasan natin.
2. Kung ako ang tatanungin, ________________ totoong pagsubok lamang ito ng Diyos.
3. ________________ ay malalampasan din natin ang pagsubok na ito.
4. Ito’y isang palagay lamang. ________________ ay hindi naman tayo pababayaan ng
Diyos.
5. ________________ lamang ay nakabuti rin kahit paano ang pagsubok na ito upang
magkasama-sama sa loob ng tahanan ang isang mag-anak.

 sa tingin ko...
 sa aking pananaw...
 para sa akin...
 ang paniniwala ko ay...
 sa palagay ko ay...
Gawain 2: Dugtungan Mo!
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na konsepto ng pananaw upang makabuo ng isang kaisipan.
1. Sang-ayon sa _______________________________________________

2. Sa kabilang dako _________________________________________________

3. Batay sa _______________________________________________________

4. Akala ko _______________________________________________________

5. Ayon sa _______________________________________________________

Gawain 3: Sagutan Mo ito!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pananaw?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano naman ang ibig sabihin ng konsepto?

____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw ng isang tao?

____________________________________________________________
____________________________________________________________

4. Kailan ba nagpapahayag ng ekspresyon ng pananaw ang isang tao?

____________________________________________________________
____________________________________________________________

5. Ano ang mga halimbawa ng ekspresyong nagpapahayag ng pananaw? Magbigay ng kahit

limang halimbawa lamang.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
Gawain 4: Magsulat Ka!
Panuto: Maglahad ka ng kahit maikling pananaw batay sa usaping “ang modyul ay dapat
sinasagutan ng mag-aaral at hindi ng magulang”. Tiyaking magagamit mo nang wasto ang mga
konsepto ng pananaw sa iyong paglalahad.
PANANAW:

__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

A Isaisip Natin

.
Paglalapat:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan mula sa inyong natutuhan sa araling tinalakay.

1. Paano mo gagamitin ang konsepto ng pananaw sa isang mabisang pagpapahayag.

Patunayan.
_____________________________________________________________.
2. Paano nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular?
Ipaliwanag.
_____________________________________________________________.
3. Ano sa palagay mo ang mangyayari kapag hindi totoo ang balita? Bakit mahalagang maging
totoo ang mga balita sa radyo?
_____________________________________________________________.

You might also like