NCR Final Filipino8 Q3 M11

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF ICE

8
MARIK IN A CIT Y

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 11:
Pagtukoy sa Tamang mga Salita
sa Pagbuo ng Puzzle

May-akda: Bryan D. Aurelio


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo laman ng isang aralin.

 Aralin 1 – Pagtukoy sa Tamang mga Salita sa Pagbuo ng Puzzle

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:

A. nakikilala ang puzzle;

B. naiisa-isa ang mga teknik sa pagbuo ng isang puzzle; at

C. natutukoy ang tamang mga salita sa pagbuo ng isang puzzle na may

kaugnayan sa paksa

Subukin
Bago ka magpatuloy sa ating aralin, subukang buoin ang puzzle sa ibaba
kaugnay sa paksang: Mga Kilalang Programang Pantelebisyon. Gawing batayan ang
bilang at paglalarawang nakatala sa ibaba. Isulat ang mga titik ng salita na angkop
na kahon.

Pababa

1. Programang napapanood tuwing tanghali na pinagbibidahan ni Vice Ganda


at iba pang artista.

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Isang dokumentaryong programa mula sa GMA na nagtatampok ng mga
makatotohanan at napapanahong usapin sa ating lipunan.

3. Isang kilalang “pinoy superheroes” mula sa pamosong komiks ni Mars


Ravelo.

4. Isang programang pambalita na napapanood tuwing hatinggabi na


pinangungunahan ni Arnold Clavio.

Pahalang

1. Tinaguriang “pambansang teleserye” na pinangungunahan ni Coco Martin


na gumaganap bilang si Cardo, ang pulis na kilalang tagapagtanggol.

2. Isang investigative program ng ABS-CBN na nagtatampok sa paglutas ng


mga misteryosong kaso at krimen.

3. Isang pantaseryeng programa na pinagbibidahan ng magkakapatid na may


taglay na kapangyarihan mula sa mga brilyante.

4. Isang reality talent show mula sa TV 5 na nagtatampok sa kakaiba at


kahanga-hangang talento ng mga pinoy.

Pagtukoy sa Tamang mga Salita


Aralin
sa Pagbuo ng Puzzle

Sa araling ito ay matutuhan ang pagtukoy at paggamit sa tamang mga salita


sa pagbuo mo ng isang puzzle kaugnay sa isang paksa. Malilinang ito kung
magagawa mo nang matapat ang mga gawain.

Balikan
Bago magpatuloy sa bagong aralin, balikan mo muna ang nakaraang aralin
sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nakalahad sa ibaba.

Mahalagang matukoy ang paksa ng akdang nabasa dahil …


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Matutukoy ang layon at tono ng akdang nabasa sa pamamagitan ng …


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Tuklasin
A. Panimula
Sa pagsisimula ng aralin, subukin mong suriin ang mga larawan sa ibaba at
isa-isahin mong alamin kung pamilyar ka ba sa mga larawang ito. Pagkara’y
sagutin nang pasalita ang mga tanong.

Gabay na Tanong:

1. Pamilyar ka ba sa nasa larawan?


2. Ano ang alam mong katawagan sa mga larawang ipinakita sa itaas?
3. Ano ang naaalala mo kapag nakakakita ka nito sa mga diyaryo, aklat,
komiks at magasin?
4. Paano nabubuo ang mga gawaing panlibangang ito?

B. Pagbasa
Upang lubos mong maunawaan ang mga naunang gawain kaugnay sa paksa,
basahin at unawain mo ang tekstong nakalahad sa ibaba at sagutin nang pasalita
ang mga tanong.
Ang Puzzle Bilang Klasikong Libangang Pinoy
ni Bryan D. Aurelio
Naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino bata
man o matanda ang pagsagot ng mga palaisipan o tinatawag sa Ingles na puzzle.
Ito ay itinuturing bilang isang uri ng libangan na makikita sa mga diyaryo, komiks
at magasin. Para sa ilang mambabasa nagsisilbi itong libangan o pampalipas oras
na nakatutulong upang lubos pang mahasa ang talas ng isip pagdating sa mga
salita o ‘di kaya’y sa mga matematikal o lohistikal na problema.
Ilan sa mga nakasanayang puzzle na pinaglilibangan at kinagigiliwan ng
mga mambabasa ay ang crossword puzzle, word hunt o hanap salita kung nais
mong mahasa ang talas ng iyong isipan sa pagbuo at paghahanap ayon sa

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
itinakdang paksa. Samantala, kung nais mo naman malinang pa ang iyong husay
sa mga numero o matematika, nariyan ang Sudoku na isinasagawa sa
pamamagitan ng paglalagay ng bilang mula 1 hanggang 9 mula sa siyam na kahon
nang hindi nauulit ang bawat bilang at kung nais mo namang mapagana ang iyong
isipan habang pinagagana ang pisikal na gawain, nariyan ang rubics cube na
nangangailangan ng sapat na haba ng pasensiya upang mabuo ang mga
magkakakulay na bahagi ng cube.

Sa kasalukuyan, dala ng pag-usbong ng teknolohiya karamihan sa mga


libangang ito ay makikita na rin sa mundo ng internet na kahit na sino ay maaari
nang bumuo at maglaro nito. Mayroon pa rin naman nito sa mga diyaryo, komiks
at magasin subalit bibihira ka na lamang makakita ng naglalaro nito. Patunay na
unti-unti nang binabago ng modernong panahon ang nakasanayang libangan ng
mga pinoy.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano ang pangunahing paksa ang nais iparating ng pinakinggang teksto?


2. Ano-ano ang mga nabanggit na libangang naging bahagi ng kulturang
pinoy? Isa-isahin.
3. Bakit lubos na tinatangkilik ng mga Pilipino noon ang puzzle bilang
libangan?
4. Paano nagkakaiba-iba ang crossword puzzle, word hunt, sudoku at
rubics cube?
5. Paano binago ng makabagong teknolohiya ang nakagawiang libangan
ng mga Pilipino pagdating sa paglalaro ng puzzle? Ipaliwanag.
6. Sa iyong palagay, paano pa lubos na mahihikayat ang bawat isa
partikular na ang mga kabataang katulad mo na tangkilikin ang puzzle
gayong ito ay nasa anyong online na?

D. Paglinang ng Talasalitaan
HANAP-SALITA!

Panuto: Subukin ang talas ng iyong mata at isipan sa pamamagitan ng


paghahanap ng kasingkahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon sa
susunod na pahina. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang tsart.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
M A Y - E D A D M T N W S D E R N O

S E D F R D E E T L O T S P E D H G

D E T N A A W U T U T A N I K D A

F F H T E L R H H M M T N W S R E B

R L K U E N Y W Q N L A V A I Y P A

W M E C X U U C R R I C E J R U T K

T N W E Q - T U Y E M E A L E T E A

B T R R E G C T U K G N A N I L A M

R E Y B W A V R T T A H E A M T N W

M T N W S P N G X A E T B R E N D O

SALITA KASINGKAHULUGAN PANGUNGUSAP

1. Matanda

2. Mahasa

3. Kinagigiliwan

4. Pag-usbong

5. Moderno

Alam mo ba?

Sa pagbuo ng isang puzzle, mahalagang maisaalang-alang ang mga


sumusunod na teknik sa pagbuo nito. Kung ang layon mo ay makatulong na
malinang ang isipan ng iyong mambabasa at manlalaro habang nalilibang
mainam na isaalang-alang mo ang sumusunod na mga mungkahing teknik.
Tandan na ito ay mungkahi lamang, nakadepende pa rin sa iyo bilang
tagabuo kung paano mo didiskartehan ito para sa ikagaganda pa ng iyong
puzzle.
Mga Mungkahing Teknik sa Pagbuo ng Puzzle
1. Isipin kung anong klaseng puzzle ang iyong bubuoin (crossword o word
hunt).
2. Pumili ng angkop na paksa na napapanahon at talagang angkop sa
interes at panlasa ng iyong target na mambabasa at manlalaro.
3. Maglista ng mga posibleng salita na ilalahok sa iyong puzzle. Tandan
na ang mga salitang ito ay hindi ganoon kahirap at hindi rin madali.
City of Good Character 5
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Ilapat ang tamang mga sagot, mas mainam kung ito ay magkakalayo o
kalat-kalat para hindi agad makita o matuklasan. Kung ito naman ay
crossword puzzle, mas mainam na mag-iwan lamang ng 2-3 letra
bilang gabay.
5. Sikapin na ang mga ibibigay na clue ay madaling maunawaan at
talagang makapagbibigay ng sapat na ideya sa manlalaro upang
makuha ang sagot.

Sa pagpili naman ng mga salitang ilalahok sa binuong puzzle


mahalagang mapili ito batay sa kawastuhan at kaugnayan nito sa paksa.

Halimbawa: Kung ang paksa mo ay may kaugnayan sa mga sikat na


personalidad na iniidolo ng mga kabataan sa kasalukuyan katulad ng BTS
ang mga inaasahang dapat na maging sagot ay ang mga sumusunod: V,
Jungkook, Jimin, Suga, Jin, RM at J-Hope.

Kung ito naman ay gagamitin sa crossword maaaring direktang ilagay


ang mga salitang ito at bawasan lamang ng letra habang kung ito naman ay
sa word hunt puzzle, maaaring maglagay ng mga salita na hindi nakaugnay
sa paksang pinahahanap nang sa gayon ay hindi magdulot ng kalituhan sa
manlalaro.

Sa modyul na ito, mahalagang malaman mo ang mga teknik sa


pagbuo ng puzzle gayundin ang tamang pagpili sa mga salitang gagamitin sa
binuong puzzle. Makatutulong ang mga impormasyong ito upang
magabayan kang makabuo ng tama at epektibong libangan katulad ng
puzzle.

Pagyamanin
Pumili lamang ng isa mula sa mga nakahandang gawain batay sa iyong
interes. Gamitin mong gabay ang rubrik na makikita sa ibaba.

A. Maglista ng sampung (10) salitang may angkop at may kaugnayan sa


nakalahad na paksa at ipaliwanag kung bakit ito ang mga napiling salita.
Sundin lamang ang kasunod na pormat sa ibaba.

Paksa: Mga Sumikat na Salita, Gawi, Sayaw at Awitin sa Panahon ng New Normal

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Paliwanag:

B. Bumuo ng isang puzzle (Crossword o Word Hunt) tungkol sa paksang: Mga


Sikat na Grupo o Personalidad na Iniidolo ng mga Kabataan sa
Kasalukuyan na binubuo lamang ng lima (5) hanggang walong (8) salita.
Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.

Narito ang rubrik para gabayan ka sa pagsasagawa ng gawain.

Pamantayan 25 15 10
Ginalingan! Ginagalingan! Gagalingan pa!
Pagsunod Ang lahat ng May 1 mekaniks ang Higit sa 2 ang
sa Mekaniks mekaniks na hindi nasunod mula mekaniks na hindi
inilahad para sa sa nabuong awtput. nasunod mula sa
nabuong awtput ay nabuong awtput.
nasunod.

Orihinalidad Ang nabuong awtput May 1-2 Higit sa 3


ay orihinal at hindi impormasyon mula impormasyon mula
nakitaan ng sa nabuong awtput sa nabuong awtput
magkatulad na ang magkatulad. ang magkatulad.
kasagutan.

Isaisip

Tandan na ang puzzle o kilala rin sa tawag na palaisipan ay naging


bahagi na ng kultura ng mga pinoy bata man ito o matanda. Nakasanayan
na itong sagutin bilang libangan o di kaya’y pampalipas oras. Layunin din
nitong malinang ang natural na talino ng bawat mambabasa habang sila
ay nalilibang.

Ang mga puzzle katulad ng crossword at word hunt ay nakasanayan


nang mabasa at makita sa mga diyaryo, magasin, komiks subalit dala ng
nagbabagong panahon, mas naging inobatibo ito sapagkat nakikita na rin
ito sa internet online.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pumili ng isang gawaing naaayon sa iyong interes at kakayahan. Gamitin
ang rubrik na makikita sa bahaging pagymanin. Ipasa ito sa platform na itatakda
ng iyong guro.

Panuto: Bumuo ng tig-isang puzzle (crossword at wordhunt) kaugnay sa paksang


nakalahad sa ibaba. Gamitin ang rubrik na makikita sa bahaging “Pagymanin.”

Ang opisyal na pahayagan ng inyong paaralan ay naghahanap ng mga


lahok panlibangan na isasama sa susunod na isyu ng inyong diyaryo. Kaya naman
ang bawat mag-aaral ay inanyayahang lumahok sa patimpalak sa Paglikha ng
Puzzle. Ang nasabing lahok ay dapat binubuo ng dalawang uri ng puzzle
(crossword at wordhunt), orihinal at sariling likha at tungkol sa paksang: Mga Sikat
na Personalidad na Iniidolo ng mga Kabataan sa Kasalukuyang Panahon. Isa
lamang ang mapipiling magwawagi at ang maisasama sa pagpapalimbag ng
susunod na isyu ng nasabing pahayagan.

Tayahin
Basahin at unawain ang mga tanong. Lagyan ng markang tsek (/) ang mga
bilang na naglalahad ng tamang paglalarawan at impormasyon tungkol sa puzzle.
Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ang puzzle ay mas kilala rin sa tawag na palaisipan. Ito ay nakatutulong


upang mahasa ang talas ng isip ng bawat manlalaro at mambabasa.

2. Ang mga puzzle katulad ng crossword at word hunt ay nakasanayan


nang mabasa at makita sa mga diyaryo, magasin, komiks at iba pa.

3. Sa pagpili naman ng mga salitang ilalahok sa binuong puzzle


mahalagang mapili ito batay sa kawastuhan at kaugnayan nito sa paksa.

4. Malaking bagay ang pag-usbong ng teknolohiya at internet upang mas


lalong makilala at tangkilikin ng bawat isa ang puzzle.

5. Kahit sino ngayon ay may kakayahan nang bumuo ng sariling bersyon


ng kanilang puzzle basta maalam lamang sa paggamit ng kompyuter.

Sa puntong ito, ikaw ay bibigyan ko ng karagdagang marka kung maisagawa


mo ang gawain sa susunod na pahina. Gamitin ang rubrik na nasa bahaging
“Pagyamanin” para gabayan ka sa gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Bumuo ka ng 3 crossword o wordhunt puzzle gamit ang iyong natutuhan o
naiibigang paksa mula sa alinman sa iyong mga asignatura sa iyong baitang
maliban sa Filipino. Ang iyong awtput ay mamarkahan batay sa rubrik na makikita
sa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito.

Kapuri-puri ang ipinakita mong kahusayan sa pag-aaral, ipagpatuloy. Binabati kita!


Hanggang sa susunod na aralin!

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

https://kprofiles.com/bts-bangtan-boys-members-profile/

https://www.pinterest.ph/pin/294000681897066355/

https://tl.10steps.org/crer-une-grille-de-mots-croiss-7544

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Bryan D. Aurelio ( Guro, JDPNHS)


Mga Editor: Maru U. Panganiban (Guro, JDPNHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMDS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like