Way Back Home

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Way Back Home

Pagsusuri ni Claudette Jayne R. Bendiola

TUNGKOL SA PELIKULA
1. PAMAGAT- Way Back Home
2. DIREKTOR- Jerry Lopez Sineneng
3. MGA ARTISTA- Julia Montes, Kathryn Bernardo, Agot Isidro, Tonton Gutierrez,
Lotlot De Leon, Enrique Gil, at marami pang iba.

I. Tauhan
Isa sa mga bida sa pelikulang ito ay ang isang dalagang nag ngangalang Jessica
Santiago. Siya ay nabubuhay sa isang buhay na puno ng sakit at konsensya dahil
sa pagkawala ng kanyang kapatid na si Joanna 12 taon ang nakakaraan. Si Jessica
ay palaging sinusubukang punan ang kakulangan na naramdaman ng kanyang ina
simula nang nawala ang kanyang kapatid. Isa din sa mga bida ay si Joanna
Bartolome, ang kanilang pinaniniwalaang nawawalang kapatid ni Jessica. Siya
Joanna naninirahan sa tabing dagat kasama ang masaya at mapagmahal niyang
pamilya bilang si Ana Bartolome. Si Amy Santiago naman na ginaganap ni Agot
Isidro ay isang ina na ulila sa kanyang bunsong anak, Simula ng nawala ang
kanyang anak na si Joanna, hindi siya nawalan ng pag-asa na buhay pa ang
kanyang anak.

II. Layon
Ang mga trahedyang hindi inaasahan ay maaring makaapekto saatin at sa ibang
tao. Mahalaga na matuto tayong magpatuloy. Mahalaga na matuto din tayong
umintindi at makinig sa ating mga kapamilya. Tinuturo rin ng pelikulang Way
Back Home sa mga magulang na bigyan ng pantay-pantay na pagmamahal ang
kanilang mga anak at dapat din silang tratuhin at kilalanin nang patas. Tinatalakay
din dito ang kahalagahan ng komunikasyon at pagkakaintindidan sa isang
pamilya.

III. Gamit ng Salita


Sa umpisa ng pelikula ang mga salitang gamit ni Jessica ay mga malalalim at
makabuluhang mga salita dahil siya ay isang matalino at matalas na dalaga. Nang
makilala natin si Ana Bartolome, napansin natin na siya ay gumagamit ng mga
salitang may halong biro at mga pick up lines. Sa kabuuan, ang mga salitang
ginamit ay puno ng iba’t-ibang emosyon na nakakaantig ng damdamin ng mga
manonood, maaring nakakapagpatawa o’ nakakaiyak.

IV. Paksa / Tema


Sa pelikulang Way Back Home, pinakita ang buhay ng isang anak na puno ng
kalungkutan dahil sa pagsisi sa kanya ng kanyang magulang sa isang insidente na
nangyari ng sa kanyang kapatid nang sila ay mga bata pa lamang. Inilalahad ang
damdamin ng isang anak na ulila sa pagmamahal at atensyon ng ina. Naipapakita
din dito ang damdamin ng inang nawalan ng kanyang pinakamamahal na anak. Sa
pelikulang ito, ipapakita ang kaibahan ng pamilyang masaya at kuntento sa
kanilang buhay at isang pamilya na watak-watak at walang pagkakaisa.
Tinatalakay din sa pelikulang Way Back Home kung paano nagbabago ang mga
tao base sa trato ng iba sa kanila.

You might also like