Ap10 m1 Benjiegagahina

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

lOMoARcPSD|32546948

AP10 M1 benjiegagahina

Accounting (Araullo University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)
lOMoARcPSD|32546948

10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Mga Isyung Pang-Ekonomiya

AIRs - LM

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Mga Isyung Pang-Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Benjie C. Gagahina


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, Ed.D, EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Mga Isyung Pang-Ekonomiya

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Sapulin

Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng


konsepto, dimensisyon, perpesktibo at pananaw ng globalisasyon kaakibat ang
implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral ng mga
aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang
mga hamon at tugon sa mga isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng kalidad
ng pamumuhay.

Makatutulong ang pag-unawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay


ng isang indibiduwal.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa Aralin 1: Mga Isyung Pang-ekonomiya na


nahahati sa mga sumusunod na paksa:
• Paksa 1: Konsepto ng Globalisasyon
• Paksa 2: Dimensyon ng Globalisasyon
• Paksa 3 : Perspektibo at Pananaw ng globalisasyon

Pinakamahalagang Kasanayang Pagkatuto

• Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon. (MELC 1)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito: ikaw ay inaasahang:

• Naipapaliwanag ang konsepto at dimensiyon ng globalisasyon


• Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang
isyung panlipunan
• Nabibigyang halaga ang globalisasyon bilang kaakibat sa pamumuhay ng mga
Pilipino

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Simulan

Bilang panimula, sagutin mo ang mga tanong sa ibaba upang


mataya ang iyong kahandaan sa pag-aaral sa paksa. Ito ay makatutulong
upang magkaroon ka ng idea tungkol sa kung ano ang nilalaman ng
modyul na ito.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?


A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig
B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo
C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema
ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo
D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan?
A. Ekonomiya
B. Migrasyon
C. Globalisasyon
D. Paggawa

3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang?
A. Ekonomikal
B. Sikolohikal
C. Sosyo-kultural
D. Teknolohikal

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na nagging dahilan


sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon sa
pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na transnational Corporation,
transportasyon at komunikasyon, makabagong teknolohiya, ideya at
foreign direct investments.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na
negosyo at pagbaba ng sahod ng mga manggagawa.
C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng
impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng
mga materyales na ginagamit dito.
D. Sinikap ng mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo at kalidad ng
serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang
kompanya o mga multinasyunal.

5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong nagtatatag ng


pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang serbisyong ipinagbibili ay batay sa
pangangailangan ng lokal.
A. Del Monte Corporation
B. Multinational Companies
C. Rebisco Corporation
D. Transnational Corporation

6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa


pagising, pagpasok sa paaralan at maging sa hapag kainan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Pagkamamamayan

7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa


buhay, ari-arian at institusyong panlipunan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo

8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial institusyon?


A. Tindahan, opisina, tanggulan
B. Limbagan, paggawaan, koreo
C. Pamilya, simbahan, paaralan
D. Sandatahan, kagawaran, musuleo

9. Ayon sa may akda ng ‘The World is Flat’ na si Thomas Friedman, ang globalisasyon
sa kasalukuyan ay ________?
A. Mahirap at masalimoot
B. Mabilis, malawak, mura at malalim

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

C. Katulad sa mga nagdaang panahon


D. Maraming lumalabag at may kumpetisyon

10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan ito?
A. Cuevas (2005)
B. Nayan Chanda (200)
C. Ritzer (2011)
D. Therbon (2005)

11. Ano ang tinutukoy bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan
ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo

12. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang Pang-


ekonomiya ang umiiral na nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang
internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo
B. Monopolyo
C. Monopsonyo
D. Oligopolyo

13. Sino-sinong tao ang tinutukoy na nakatutulong o demand sa kasalukuyang


globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled workers

14. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon sa


iba’t ibang prosesong pandaigdig. Alin sa mga ito ang may isang hamong
pandaigdig na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at
institusyong panlipunan?
A. Epidemya
B. Katiwalian
C. Pangingibang bansa
D. Terorismo

15. Ayon kay Therborn (2005) ilang wave o panahon ang kanyang pinaniniwalan sa
globalisasyon?
A. 3 C. 5
B. 4 D. 6

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Lakbayin

Isyung Pang-Ekonomiya
Mahalagang maunawaan na hindi lamang ang kapaligiran ang patuloy na
nagbabago kundi maging ang takbo ng lipunan na kinabibilangan ng bawat isa. At
isa sa mga pagbabagong ito ay tinatawag na globalisasyon.

Matutunghayan sa araling ito ang paksang globalisasyon. Halina’t suriin at


unawain ang mga kaugnay na konsepto nito. Makatutulong sa iyo ang mga gawain
upang lubusang maunawaan ang mga esensyal na kaisipan patungkol sa
globalisasyon. Halina at simulan ang pagsusuri nito.

Paksa 1: Konsepto ng Globalisasyon

Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood
ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito.
Ngunit, kailan at paano nga ba nagsimula ang pandaigdigang penomenong ito?
Paano nito binago ang ating pamumuhay?

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,


bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo
upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa.

Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng


mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.

Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong


binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at perenbial institusyon na
matagal nang naitatag. Perennial institutions ang mga pamilya, simbahan,
pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong
nananantili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito.

Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga


bansa sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya
at pangkultural. May mga salik at pangyayari na naging dahilan ng pag-usbong ng
globalisasyon sa ating mundo. Ang ilan sa mga ito ay; pagkakaroon ng
pandaigdigang pamilihan,paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi,
pag-unlad ng mga makabagong pandaigdigan transportasyon at

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

komunikasyon,paglawak ng kalakalan ng transnational corporations, pagdami ng


foreign direct investments sa iba’t ibang bansa, at pagpapalaganap ng makabagong
ideya at teknolohiya.

Gamit ang kahulugan ng globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng


karagdagang mga tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito.

 Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o gumagalaw?


Electronic gadgets, makina o produktong agrikultural?
 Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad ng skilled
workers at propesyunal gaya ng guro, engineer, nurse o caregiver?
 Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy? Balita, scientific
findings and breakthroughs, entertainment o opinyon?
 Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang paraan?
 Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na ito? Mula sa
mauunlad na bansa patungong mahihirap na bansa o ang kabaligtaran
nito?
 Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United States, China,
Germany, Japan, Argentina, Kenya o Pilipinas? Isyu nga bang maituturing
ang globalisasyon? Bakit?

Sa mga kaisipang nabanggit, ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang


pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig.
Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga
pangyayaring nakapagpapabagal nito.

Suriin natin ang terorismo na isang hamong pandaigdig bilang halimbawa. Dahil
sa mabilisang ugnayan at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig, ang
terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian
at institusyong panlipunan.

Mabilis na tumugon ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan


ng palitan ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng pagkakabuo
ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa migrasyon na nagpabagal
naman ng integrasyong sosyo-kultural.Nariyan ang iba’t ibang paalala o advisories
na ipinalalabas ng mga bansa sa mga turista nito sa ilang mga bansa tulad ng
Pilipinas.

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Bakit maituturing itong isang isyu? Maituturing na panlipunang isyu ang


globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang
pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag.

Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan


sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa
kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito.

Suriin natin ang mga manipestasyong ito sa iba’t ibang anyo at ang
kaakibat nitong hamon.

Pamprosesong tanong:

1. Ano ang konsepto o ideya ng Globalisasyon?


2. Bakit maituturing na isyung pang-ekonomiya ang Globalisasyon?
3. Paano nakakaaepkto ang globalisayon sa pamumuhay ng mga tao?

Paksa 2: Dimensiyon ng Globalisasyon

Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa


kasalukuyan ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood
ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito.
Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga
tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang.

Kung paano binago ng globalisasyon ang sistema ng komunikasyon,


paglalakbay, ekonomiya, kultura at politika sa ating bansa? Anu-ano ang mga
impluwensiya nito sa pamumuhay ng tao?

Inaasahan sa bahaging ito na iyong mauunawaan ang globalisasyon bilang


isyung panlipunan. Nilalayon din na matapos ang aralin ay iyong maipapaliwanag
kung paano nito binago at binabago ang pamumuhay ng tao sa kasalukuyan. Tulad
nalang sa komunikasyon, lahat ng tao ay gumagamit na ng cellphone, upang
mapadali nito ang transaksyon. Gumagamit ito ng Internet. Sa balita naman
mayroon na tayong telebisyon, radio at iba pa para maparating ang balita. May mga
news network din na naghahatid ng mga balitang pandaigdig tulad ng CNN, BCC at
iba pa. Sila din ang nakatulong sa globalisasyon dahil naiparating at naipalabas nila
ang mga balita sa iba’t ibang dako sa mundo. Sa Larangan ng teknolohiya, dahil sa
globalisasyon, nagkakaroon din ng pagkakataon makagawa ng ilang trabahong
online – based, kaya dumami ang call center agents, maging ang home based online
at ang pinaka uso ngayon ang proseso ng barter ay sa pamamagitan ng Facebook.

Sa paglalakbay milyon-milyong mga tao pumunta sa ibang panig ng mundo,


upang magbakasyon, mag-aral, mamasyal o magtrabaho. Dahil sa higit na malayang

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo, madaling kumalat ang iba’t
ibang sakit tulad ng AIDS, SARS, H1N1 FLU, Ebola at MERS-COV at sa kasalukuyan
ang kinatatakutan ang 2019 N- Corona Virus.

Ang pag-unlad ng telekomunikasyon at information technology tulad ng


kompyuter,Internet at cellular phone ay lalong nagpabilis sa takbo ng kalakalan.Mas
maraming free trade agreements ang naisulat na nagpapaluwag ng kalakalan.Sa
politika mas madaling magpupulong-pulong ang mga pinuno sa mga bansang kasapi
sa organisasyon upang magtulungan para sa kapakanan ng kanilang
pangangailanagan.Sa larangan ng kultura ,ang daming popular na kultura ang
napapansin sa buong daigdig tulad ng pakikinig ng mga musika ng Koreano kahit
hindi maintindihan,marami pa rin ang tumatangkilik.Dahil sa globalisasyon, ang
panonood ng K drama o soap opera ay kinahihiligan na rin ng mga Pilipino at iba
pang bansa.Maging sa estilo ng pananamit halo-halo na rin.Halimbawa ang mga
kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo kadalsan nang nagsuot ng maong na
pantalon o jeans,t-shirt, sapatos na goma,sandals at iba pa. kasama rin dito ang
pagdadala ng mga negosyong nagtitinda ng mga damit. Dahil dito, tumataas ang kita
ng mga negosyo kasama ang pagpapalaganap ng pop culture.

Pamprosesong tanong

1.Paano naaapektuhan ng globalisasyon sa inyong pang-araw araw na


pamumuhay bilang mag- aaral?
2.May kaugnayan ba ang pag-unlad sa globalisasyon?
3.Nakatutulong ba o nakasasama ang globalisasyon sa kalagayan ng mga
ekonomiya ng bansa?

Paksa 3: Perspektibo at Pananaw ng Globalisasyon

Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang kontemporaryong


isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa
pagsusuri nito.

May limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng


globalisasyon.

Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.


Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa
maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan,
magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o
manlalakbay.

Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang


globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte
(2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na
maaaring magtapos sa hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

nagsimula ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang
siklong pinagdaanan nito.

Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay


naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni
Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y
makikita sa talahanayan na nasa kasunod na pahina.

Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng
Century) Islam at Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late Pananakop ng mga Europeo
15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa
hanggang unang bahagi ng ika-19 Europa na nagbigay-daan sa
na siglo( late 18th-early 19th globalisasyon
century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang
puwersang ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.
Post-Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang
pang-ekonomiya. Nagbigay-daan sa
mabilis na pagdaloy ng mga
produkto,serbisyo, ideya, teknolohiya at
iba pa sa pangunguna ng United States.
Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon
(Therborn, 2005)

Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang globalisasyon ay hindi


isang bagong penomenon o pangyayari at hindi rin siklo.

Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng


globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa
katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang
sumusunod:

Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998)


o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo matapos ang pagbagsak ng Imperyong
Roman o Paglaganap ng Islam noong ikapitong siglo o Paglalakbay ng mga Vikings
mula Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America o Kalakalan sa
Mediterranean noong Gitnang Panahon o Pagsisimula ng pagbabangko sa mga
siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo

Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo nang


unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang lumapag ang ‘transatlantic

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

passenger jet’ mula New York hanggang London. Maaari rin namang nagsimula ito
nang lumabas ang unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966.
Mayroon ding nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong taong 2001 nang
pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York. Ang pangyayaring ito ay
gumising sa marami na kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang ‘global’ na
daigdig.

Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay


penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong
naganap sa panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong
ng globalisasyon. Ito ay ang:

Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang


Digmaang Pandaigdig. Ipinakita ng Estados Unidos sa daigdig ang kaniyang lakas-
militar nang talunin ang Japan at Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
naungusan ang France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang
mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong 1960-70).

Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and TNCs)


Bagamat ang mga makapangyarihang korporasyon sa daigdig ay nagsimula
noong ika-18 hanggang ika-19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United
States, marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang bansa
particular sa mga developing nations. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Ford at
General Motors. Dati’y mamimili ng sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang
ito subalit sa kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay
nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. (Tatalakayin ang isyung ito sa
mga susunod na bahagi.)

Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War


Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union noong 1991
ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon. Matapos ang pangyayaring ito’y
mabilis na nabura ang markang naghahati at naghihiwalay sa mga bansang
komunista at kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa mga
bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at Latvia. Nagbukas ang
mga bansang ito sa migrasyon, media, turismo at ugnayang panlabas.

Pamprosesong Tanong:

1.Paano nagsimula at lumaganap ang globalisasyon?


2.Bakit kailangang malaman ang bawat panahon at mga pangyayari nito?

10

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Galugarin

Sa bahaging ito ay susukatin ang iyong kaalaman kung


naintindihan mo ang bawat paksa sa modyul na ito. Handa ka
na ba? Simulan ng sagutan ang mga gawain.

Gawain 2: Kumpletuhin Mo

Punan ang graphic organizer sa ibaba batay sa iyong naunawaan sa binasang


teksto. Isulat sa sagutang papel.

Kahulugan Kahalagahan
Globalisasyon

Gawain 3: Lista Mo, Produkto Ko


Pumunta sa isang sari-sari store o grocery store, canteen at mga kauri nito.
Maglista ng mga produktong kanilang ipinagbibili. Pumili ng lima sa mga produkto
o serbisyong ito na sa iyong palagay ay makikita o ipinagbibili rin sa ibang bansa.
Isulat ang mga ito sa talahanayan sa ibaba.

Produkto o Serbisyo Kompanya Bansang Pinagmulan


1.
2.
3.
4.
5.

Pamproseong Tanong

1. Ano-anong produkto at serbisyo ang iyong natuklasan na ipinagbibili


hindi lamang sa loob ng ating bansa kundi maging sa iba pang bansa?
2. Sa anong mga bansa nagmula ang mga produkto o serbisyong nabanggit?
Paano kumalat ang mga produktong ito sa iba’t ibang panig ng daigdig?
3. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga produktong ito sa atin?
Pangatuwiranan.

11

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Gawain 4: Tukuyin Mo

Panuto: Isulat ang mga bagay na ginagamit upang mapabilis ang mga gawain ng tao
sa kasalukuyan sa larangan ng: komunikasyon, paghatid ng balita, trabaho,
paglalakbay, kultura, ekonomiya at politika.

Larangan Mga Produkto

Komunikasyon
Balita

Trabaho

Paglalakbay

Kultura

Ekonomiya
Politika

Gawain 5: Balangkas Kaalaman


Punan ang graphic organizer batay sa iyong naunawaan sa binasang teksto.
Ilagay sa unang kolum ang pananaw tungkol sa pag-usbong ng globalisasyon at sa
pangalawang kolum naman ang mahahalagang kaisipan kaugnay nito. Ilagay sa
ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na kaisipan sa bawat pananaw.
Isulat sa sagutang papel.

Mahalagang Esensyal na
Perspektibo/Pananaw
kaisipan kaisipan

12

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Palalimin

Gawain 6: Saloobin Ko, Pahayag Mo

Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa


globalisasyon, ano ang inyong saloobin tungkol sa konsepto ng globalisasyon?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain 7: Isipin Mo

1. Bakit sinasabing matagal nang may globalisasyon? Naniniwala ka ba dito?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Sa mga pananaw at perspektibong inihain, alin sa mga ito ang sa iyong palagay
ay katanggap-tanggap? Pangatuwiranan.

3. Nakatutulong ba ng globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas?

Gawain 8: Pagbuo ng Talahanayan

Panuto: Buoin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagtatala ng mga


positibo at negatibong epekto ng globalisasyon

Globalisasyon

Positibong Epekto Negatibong Epekto

_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________

13

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Sukatin

Lubhang nakagagalak na malaman na narating mo na ang bahaging ito ng


modyul. Inaasahan na marami ka nang natutuhan. Mapapatunayan mo ito sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gawain

Gawain 9: Panghuling Pagtataya

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat
bilang.

1. Sino ang nagsasabi na ang manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa


maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat
ng pananampalataya, mandigma, manakop at maging adbenturero o
manlalakbay?
A. Agoncillo B. Chanda
C. Scholte D. Therborn

2. Pang-ilang pananaw ang nagsasaad na globalisasyon ay isang mahabang


siklo ng pagbababgo?
A. 4 B. 3
C. 2 D. 1

3. Kaninong pananaw ito na maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga


nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit
na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap?
A. Agoncillo B. Chanda
C. Scholte D. Therborn

4. Sino ang naniniwala na ang globalisasyon ay may anim na ‘wave’ o epoch o


panahon?
A. Agoncillo B. Chanda
C. Scholte D. Therborn

5. Anong siglo na Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at


Kristiyanismo)?
A. Ika-4 na siglo hangang ika-5 siglo
B. Ika-7na siglo hanggang ika-8
C. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
D. Huling bahagi ng ika-15 siglo

14

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

6. Sa Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918 Anong pangyayaring


naganap dito?
A. Pananakop ng mga Europeo
B. Rurok ng Imperyalismong Kanluran
C. Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya
D. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal particular
ang komunismo at kapitalismo

7. Pang –ilang Pananaw o perspektibo na ang simula ng globalisasyon ay mauugat


sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.?
A. 1 B. 2
C.3 D. 4

8. Kailan nagsimula ang pagbabago sa mga siyudad-estado sa Italya?


A. Ika-14 na siglo B. Ika-11 na siglo
C. Ika-12 na siglo D. Ika-16 na siglo

9. Ayon sa Kasaysayan Kailan unang ginamit ang telepono?


A. 1956 B. 1967
C. 1964 D.1945

10. Kailan inilabas ang unang larawan ng digdig gamit ang satelite?
A. 1976 B. 1975
C.1966 D. 1968

11. Anong pangyayari sa taong 2001 na kinagigimbal ng lahat ng tao sa


Amerika?
A. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
B. Pagbagsak ng Twin Towers sa New York
C. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and
TNCs)
D. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

12. Lahat ng mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang sinasabing. May
tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon. Alin sa pangyayaring ito
ang hindi kabilang?
A. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
B. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs and
TNCs)
C. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
D. Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular
ang komunismo at kapitalismo

15

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

13. Anong Bansa ang itinuturing na Iron Curtain?


A. Estados Unidos B. Soviet Union
C. Germany D. Greenland

14. Kailan nangyari ang pananakop ng Europeo?


A. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
B. Huling bahagi ng ika-18 siglo
C. Huling bahagi ng ika-15 siglo
D. Post-World War II

15. Ito ay panahon ng rurok ng Imperyalismong Kanluran?


A. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
B. Huling bahagi ng ika-18 siglo
C.Huling bahagi ng ika-15 siglo
D.Post-World War II

Mahusay! Tapos muna ang modyul na ito.

16

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Karagdagang Gawain

Gawain 10: Iguhit Mo

Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng globalisasyon noon at


ngayon. Ilagay ito sa short bond paper.

Rubriks sa Pagguhit

Pamantayan (4) (3) (2)


Pagkamalikhain Lubusang Naging Hindi naging
nagpamalas malikhain sa malikhain sa
ng pagiging pagguhit ng pagguhit ng
malikahain sa larawan larawan
pagguhit ng
larawan
Kaangkupan sa Lubusang Angkop ang Hindi angkop
paksa napakaangkop ilang ang iginuhit
ng larawan. (kalahati) na larawan
bahagi ng
larawan
Presentasyon Lubusang Naging Hindi naging
malinaw ang malinaw ang malinaw ang
intension o intension o intensyon o
detalyeng detalyeng detalyeng
ipinahahayag ipinahahayag ipinahayag ng
ng larawan ng larawan larawan
Kalinisan at Lubusang Naging Di malinis at
Kaayusan napakalinis at malinis at maayos ang
maayos ang maayos ang pakakaguhit.
pagkakaguhit pagkakahugit.

17

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)
18
Sukatin Simulan
Panghuling Pagtataya Paunang Pagtataya
1. C 1. A
2. C 2. B
3. C 3. B
4. D 4. A
5. A 5. D
6. B 6. A
7. D 7. D
8. C 8. C
9. A 9. B
10. C 10 C
11. B 11. B
12. D 12. A
13. B 13. C
14. C 14. D
15. A 15. D
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|32546948
lOMoARcPSD|32546948

Sanggunian
A. Mga Aklat

 Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson Maria
Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong isyu,
Binagong Edition

 Sarenas Diana Lyn R., Pedrajas Teresita P., Belen Walfredo P., Global Times
Living History, Kontemporaryong Isyu, K to 12 Curriculum Compliant

 Learners Manual, Mga Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10

B. Iba pang Sanggunian

 https://www.slideshare.net/ Aileen Enriquez/ap10-modyul 2-mga isyung


pangekonomiya aralin 1- and 2?from_action=save

 https://www.slideshare.net/nwied/globalisasyon-week-1-alamin

19

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)

You might also like