FILIPINO 8 Gawain

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Daniel B.

Peña Memorial College Foundation, Inc


Ziga Avenue,Tabaco City
SY. 2023-2024

ARALIN 8
Ang Alaala ng Kamusmusan

Labis na nagalak ang gererong moro dahil sa panunumbalik ng lakas ni Florante. Sinabi ni Aladin kay Florante
na narinig niyang lahat ang mga panaghoy nito. Ikinuwento naman ni Florante ang kahabag-habag niyang
sinapit bunga ng isang kataksilan. Sinimulan niya ang pagkukuwento sa alaala ng kamusmusan. Siya’y hinirang
na anak ni Duke Briseo mula sa bayan ng Crotona. Si Duke Briseo ay tagapayo at sanggunian ni Haring Linseo
ng Albanya. Sanggol pa lamang siya nang unang manganib ang kanyang buhay sa isang dambuhalang buwitre
habang siya’y natutulog. Nasaksihan ng kanyang ina ang nakaambang panganib at dahil sa malakas nitong tili
ay agad nakasaklolo ang pinsang niyang si Menalipo na noon ay may dalang pana at panudla. Agad nitong
natudla ang buwitre at siya’y nakaligtas. Isang araw naman habang siya’y nasa gitna ng salas, isang alko naman
ang sumila sa kanyang suot na kuwintas na may palawit na kupidong diyamante. At nang sumapit na siya sa
edad na siyam na taon, nakagiliwan naman niyang magpunta ng burol para mamana at manghuli ng hayop. Sa
batis naman ay nawiwili siyang pakinggan ang lagaslas ng tubig na tila may mga nayadas na umaawit.
Nauulinigan niya ang taginting ng lirang katono ng awit. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang
masayang paglaki at kabataan sa piling ng inang kalikasan.

Pag-unawa sa Binasa
1. Ano ang damdamin ni Florante sa bayan ng kanyang ina at sa bayan ng kanyang ama? Ipaliwanag.
2. Anong uri ng Ama si Duke Briseo kay Florante at paano siya pinalaki nito?
3. Ilarawan ang pagkabata ni Florante at ang kanyang mga sinapit.
4. Sa sariling palagay, naging maligaya ba si Florante sa panahon ng kanyang kamusmusan? Patunayan ito.
5. Ayon sa pagpapalaki ng ama ni Florante, ang bata raw ay hindi dapat palakihin sa saya at mamihasa sa
katuwaan. Ano ang masasabi ninyo tungkol dito at bakit? Pangatwiranan.

You might also like