Florante at Laura Aralin 13:kamusmusan Ni Florante

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

FLORANTE AT LAURA

ARALIN 13: Ang


kamusmusan ni
florante
Aralin 13
1
Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
ang may dalang habag at lipos-linggatong,
saka sinalitang luha'y bumabalong,
buong naging buhay hanggang naparool
2
“Sa isang dukado ng Albanyang s'yudad'
doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha'y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo...(ay ama kong liyag!)
3(Ngayon nariyan ka sa payapang bayan,
sa harap ng aking inang minamahal,
Princesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata'y nunukal)

4“Bakit
naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Crotona,
masayang siyudad na lupain ni ina?
disin ang buhay ko'y di lubhang nagdusa.

5“Ang dukeng ama ko'y pribadong tanungan


ng Haring linceo sa anumang bagay;
pangalawang puno ng sangkaharian,
hilagyuang-tungo ng sugo ng bayan.
6“Kung sa kabaita'y uliran ng lahat
at sa katapanga'y pang-ulo sa siyudad;
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat

7“naririnig ko pa halos hanggang ngayon,


malayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako'y batang kinakandong-kandong,
taguring Floranteng bulaklak kong bugtaong.

8“Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,


nagisnan sa ama't inang nag-andukha;
pamagat na ambil sa lumuluha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.
9“Buong kamusmusa'y di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin
kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin
ng isang Buitreng ibong sadyang sakim.

10“Ang sabi ni ina ako'y natutulog


sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amoy abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

11“Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,


nasok ang pinsan kong sa Epiro mula;
ngala'y Menalipo - may taglay na pana
tinudla ang ibo't namatay ng bigla.
12“Isangaraw namangbagong lumalakad,
noo'y naglalaro sa gitna ng salas,
may masok na Arco't biglang sinambilat
Cupidong diamanteng sa dibdib ko'y hiyas.

13“Nang tumuntong ako sa siyam na taon,


palaging gawa ko'y mag-aliw sa burol;
sakbat ang palaso't ang busog ay kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.
“Sa tuwing umagang bagong naglalatag
14

ang anak ng araw ng masayang sinag,


naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga palad.

15“Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan


ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.”
-KABUUANG BUOD-

Isinalaysay ni Florante na ang kanyang ama ay si Duke Briseo,


tagapagpayong opisiyal ng hari ng Albanya. Ang kanyang ina
naman ay si Prinsesa Floresca. Bata pa siya, florante na ang
tawag sa kanya na tinaglay niya hanggang paglaki. Sinabi niya
noong siya ay sanggol pa lamang ay muntikan na siyang madagit
ng isang Buwitre. Ngunit, dumating ang kanyang pinsan na si
Menalipo taga Epiro at tinudla ang ibon at ito ay namatay. Isang
araw naman, nagsisimula pa lamang siyang maglakad,
sinambilat siya ng isang alko ang kupidong diyamante na
nakasabit sa dibdib. Siyam na taon naman siya ay naging
libangan na niya ang magpunta sa burol at tumudla ng hayop at
mamana ng ibon. Tuwing umaga naman, naglalakad siya para
maglibang sa tabi ng gubat hanggang skatanghaliang tapat.
Nakakadama siya ng kaligayahan kapag nasasagad niya ang
handogna kagandahan ng parang.
TALASALITAAN
• Lipos-linggatong - puno ng ligalig
• Naparool - hinahamak
• Liyag - sinta
• Ambil - taguri
• Sasalitain - isasalaysay
• Daragitin - tatangayin
• tinudla - pinana
• Tinitingala - tinitingnan sa itaas
• inaaglahi - napariwara
• pamawi - pang-alis
PAG-UNAWA SA BINASA
PANUTO: Isulat ang titik T kung ang pangungusap ay tama at M kung mali.
___1. Ang ama ni Florante ay ang tagapagpayong opisyal ni Sultan Ali-
Adab.

___2. Si Aladin ay anak ni Duke Briseo.

___3. Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay sa Moro.

___4. Noong musmos pa si Florante, siya ay muntik nang madagit ng


Buwitre, ngunit dumating ang pinsan niyang si Menalipo ay nailigtas siya

___5. Naglalaro si Florante nang biglang sumulpot ang Buwitre.


PANUTO: Buuin ang larawan at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
BUWITRE
SURI-LAWARAN
MGA KATANUNGAN:

1. Ano ang nasa larawan?

2. maari mo bang ilarawan ang katangian nito?

3. Ano ang ginampan nito sa akda ni Francisco Balagtas na Florante at Laura?


Proyekto sa Filipino
Inihanda nina:
Murry Joe Tubigan at Allyson kate Gahol

You might also like