Impeng Negro Pagsusuri NG Maikling Kwentopangalan 055259

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANGALAN: BERNABE, KENNETH WENDELL M.


ORAS/ARAW NG KLASE: M/W/F 9-10AM

BALANGKAS SA PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

I. PANIMULA
a. Pamagat ng Akda - “Impeng Negro”
Nang mabasa ko ang pamagat ng akda ay pumasok sa aking isipan ang mga panahon na ako ay nasa high school sapagkat ito ay
binasa na naming noon. Ang unang pumasok sa isip ko nang marinig ko ang “Impeng Negro” ay siguradong maitim ang
pangunahing tauhan sa kwento. Marahil ito ay may katutubong lahi o isa itong dayuhan mula sa ibang bansa at ang pangalan nito
ay Impeng.

b. Pagkilala sa May-akda - “Rogelio Sikat”


Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay tanyag dahil sa "Impeng Negro", ang kanyang
maikling kuwento na nagwagi ng gantimpalang Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang
unang lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog. Ang nangyaring pagpapahalaga
kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang
artikulo sa Pen & Ink III.
II. MGA TAUHAN SA AKDA
1. Pangunahing Tauhan
a. Impen
Anak ng isang nanay na nakatira sa barung-barong, mahirap ang kanilang buhay. Maitim, mahaba ang mga biyas,
sarat ang ilong at kulot ang buhok. Masipag na bata at mulat sa reyalidad ng buhay. Isang tauhang bilog sapagkat sa simula
ay pinapayuhan siya ng kaniyang nanay na huwag lumaban at hayaan na lamang ang pangungutya sa kaniya ni Ogor, ngunit
sa masidhing damdamin ni Impen na ipaglaban ang sarili ay natalo niya si Ogor at napatunayan niya sa sarili at sa mga tao
sa paligid na kaya niya ipagtanggol ang sarili niya at nararapat na bigyan ng respeto.

b. Ogor
Si Ogor ay ang kontrabida sa maikling kwento. Matipuno, siga, malakas at mahilig mangutya kay Impen. Tauhan na
nagbigay dahilan kay Impen upang matutuhang lumaban at huwag hayaan ang sarili na magpaapi. Sumisimbolo o
nirerepresenta niya ang mga masasamang at mapang-aping tao sa lipunan.

c. Nanay ni Impen
Babae na maraming anak na mula sa iba’t ibang lalaki. Naglalabada at laging nagpapaalala kay Impen na maging
pasensyoso at umiwas sa gulo. Gaya ni Impen, sila ay biktima ng mapanghusgang komunidad na humahadlang sa tao upang
makapamuhay ng normal.
2. Katuwang na Tauhan
a. Kano
Sumunod na kapatid ni Impen. Mula sa ibang tatay at pitong taong gulang pa lamang. Marungis ngunit maputi ang
kutis ng balat. Siya ang ginawang representasyon ng mga kapatid ni Impen na mula sa ibang tatay.
b. Taba
Tauhan na dapat siyang bibilhan ni Impen ng gatas para sa kapatid ni Impen. Makikita rito ang diskriminasyon sa
pagbibigay ng bansag sa tao base sa kaniyang pisikal na hitsura.
III. TAGPUAN “Dalawa o higit pang tagpuan ang maaaring ilagay depende sa nabanggit sa akda.”
a. Bahay nila Impen
Inilalarawan ang bahay nila Impen bilang isang barung-barong. Umiingit ang sahig kapag naglalakad at ang bangko nila ay
halos dumapa na sa kalumaan. Karaniwang
b. Sa gripo/igiban
Dito kumukuha ng tubig si Impen na siyang pinagkukunan niya ng pera upang makatulong sa kanilang pamilya. Dito nagaganap
ang pangungutya ni Ogor at ditto niya rin tinalo si Ogor.
IV. BUOD “Iwasan ang napakahaba o napakaikling buod. Siguraduhing sakop nito ang mahahalagang pangyayari. Sampung pangungusap
ang pinakamababang bilang sa pagbubuod.”
Ang "Impeng Negro" ni Rogelio R. Sikat ay tungkol kay Impen, isang batang lalaki na tinatawag na "Negro" dahil sa
kanyang maitim na balat. Mahirap lang ang buhay ng pamilya ni Impen, ang kaniyang nanay ay naglalabada lamang. Sina
Impen ay apat na magkakapatid, mula sa magkakaibang tatay. Dahil dito ay naging hamak sila sa paningin ng mga tao.
Madalas siyang inaapi at kinukutya ng mga bata, matatanda, at lalong-lalo na ni Ogor. Kung kaya’t nagkaroon si Impen ng
pagnanais ng paghihiganti sa mga tao na umaalipusta sa kaniya. Upang makatulong sa pamilya at may maibili ng pagkain,
si Impen ay nag-aagwador o nagiigib ng tubig. Isang araw nang pumunta si Impen upang umigib ng tubig at nang
V. PAGSUSURI
a. Uri ng Panitikan - “Maikling Kwento”
Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitilan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Mula sa aking akdang nabasa, ito maari ay isang gawa mula sa imahinasyon ngunit ito ay totoong nangyayari sa ating lipunan at
nais nitong imulat ang mata ng tao sa suliraning ito.

b. Teorya ng Panitikan
- Teoryang Esistensyalismo
Sa maikling kwento na Impeng Negro nasasaad na ang suliranin ni Impen ay ang diskriminasyon sa kaniyang kulay o pisikal na
hitsura. Kung kaya’t siya ay madalas na kinukutya at napapaaway. Laging pinaalahanan ng Nanay ni Impen na huwag siyang
makikipagbabag kay Ogor ngunit nang siya muli ay lalamangan at mamaliitin na lamang ni Ogor, hindi na nagdalawang isip si
Impen na lumaban at ipagtanggol ang sarili.
-Teoryang Realismo
Ang maikling kwento na Impeng Negro ay sumasalamin sa mga kabataang nakararanas ng diskriminasyon nang dahil
sa kanilang pisikal na histura. Karamihan sa ating mga Pilipino ay mahilig humusga ng hindi inaalam ang pagkatao ng isang tao.
At magpasahanggang ngayon ay umiiral parin ang ganitong suliranin sa ating lipunan lalo na kapag nakasasalamuha tayo ng
ibang lahi.
-Teoryang Sosyolohikal
Sa maikling kwento ipinakita ang suliranin ni Impen gaya ng pangungutya at panghuhusga sa kanila ng mga tao. Tila’y
pinagtutulungan sila ng lahat ng tao upang maging mababa at parang ang higit na nakatataas ay silang mapanghusga. Ikinukulong
ng mga tao ang kanilang isip na si Impen ay isang mababang tao na pwedeng kutyain at alipustahin. Ngunit dahil sa katangian ni
Impen na matapang sa tamang paraan, ipinakita niya na ang gaya niyang inaalipusta ay may kakayahan na lumaban at talunin
ang mga taong mapang-api sa kaniya. At nang matalo niya si Ogor ay doon niya nakuha ang respeto ng mga tao sa paligid niya,
ipinakita niya na ang gaya niya ay kayang lumaban ng patas.
c. Tema o Paksa ng Akda
Ang tema o paksa ng akda ay ang diskriminasyon sa kulay at estado ng buhay ng isang tao. Totoo na ang ganitong uri ng
kwento ay nangyayari sa ating mga komunidad. At sa aking opinyon ang nais na ipaabot ng may-akda para sa mambabasa ng
maikling kwento ay lahat tayo ay pantay-pantay, lahat tayo ay may kakayahan na magbago at umunlad, hindi kahinaan at
kababaan ang pagkakaroon ng kakaibang kulay at estado ng buhay.
d. Bisang taglay ng Akda
- Bisang Pangkaisipan
Sa katagalan at paulit-ulit na pangunugtya ng tao kadalasan ay tinatanggap na lamang ito ng mga biktima lalo na kung ang
buong kumonidad ang gumagawa nito. Dito makararamdam ang biktima na tila’y pinagkakaisahan siya ng lahat. Ngunit
tayong mga tao ay hindi madaling makalimot lalo na kung tayo ay inaalipusta, at kung minsan ito ang nagiging lakas ng loob
natin upang mapagbuti ang ating buhay at patunayan na mali ang ibang tao sa kanilang pag-unawa tungkol sa atin.
- Bisang Pangdamdamin
Matapos na mabasa ang maikling kwento ay nagkaroon ako ng kagustuhan na magkaroon ng lakas ng loob gaya ni Impen.
Sa kabila ng mga suliranin nito sa buhay, nakukuha parin niya makitungo ng ayos at isara ang bibig kung wala ring
magandang sasabihin. Ngunit dito rin papasok ang isang katangian ni Impen na aking hinahangaan at yun na nga ang
katapangan nito na lumaban at ipaglaban ang tama at ang iyong karapatan sa mga sitwasyong ikaw ay inaalipusta.

- Bisang Pangkaasalan
Matapos basahin ang maikling kwento aking natutuhan ang pagpapahalaga sa respeto sa kapwa. Lahat ng tao ay may
pagkakaiba, at wala tayong karapatan upang gamitin ang mga ito upang ipahiya sila o gawin itong katawa-tawa sa harap ng
ibang tao. Bagkus dapat tayo ay tinatanggap natin ang ating mga pagkakaiba sapagkat tayo ay pare-parehong tao lamang.

VI. KALAKASAN at KAHINAAN NG NILALAMAN NG AKDA


Ang kalakasan ng akda ay nagpapakita ito ng realidad ng buhay para sa mga tao na mayroong kakaibang kaanyuan sa
nakararami. Magandang naipakita ng may akda ang mga suliranin ng ating lipunan at kung paano ito tinatanggap ng mga tao.
Makabuluhan ang akdang ito lalo na sa panahon ngayon ng internet na kung saan naglipana ang “bullying” na kung saan marming tao
ang nakararanas at nagbibibgay ito ng kawalan ng tiwala sa sarili at pumipigil sa tao na umunlad.

VII. ARAL/MENSAHE
Ang aral na aking napulot sa maikling kwento na ito ay kahit na anong estado ng buhay ng tao, ay mayroon itong kakayahan at
karapatan gaya ng lahat ng tao, mayaman ka man o mahirap. Lahat tayo ay may pagkakaiba at dapat natin itong inirerespeto at
pinahahalagahan sapagkat dito tayo nagkakaroon ng mayamang kultura. Higit sa lahat dapat ay hindi tayo pumapayag na tayo ay
inaapi, dapat nating ipaglaban ang tama at mayroon tayong karapatan na ipagtanggol ang ating sarili hanggat naayon ito sa sitwasyon.

You might also like