Tigre Tigre
Tigre Tigre
Tigre Tigre
Report in Filipino
Buod: -Sa nayon nila ay may pitong kalalakihan na nangangalap ng dammar. Sila
lamang ang nakakapasok sa gubat na nayon. Sila ay sina Pak Haji, ang
pinakamatanda, pinagmamalaki niya na hindi pa siya nagkakasakit ni minsan sa
kanyang buhay. Ang sumunod naman ay si Wak Katok, eksperto sa pencak at isang
shaman. Dahil marunong siya ng salamangka ay gusting magpaturo sa kanya ni
Buyung ngunit ayaw pa niya itong turuan dahil sa bata pa siya -Ang sumunod
naman ay si Buyung, estudyante ni Wak Katok. Siya ay magaling humawak ng baril
at mas magaling pa kay Wak Katok. Umiibig siya kay Zaitun ngunit hindi niya alam
ang nararamdaman nito para sa kanya kaya naman gusto niyang magpaturo kay
Wak Katok ng mantra sa panggagayuma. Ang tatlo pa sa kanila ay si Sutan, si Sanip
na may positibong pananaw sa buhay at si Talib na kabaligtaran naman nito. Ang
huli ay si Pak Hitam, na kahit ang ilan sa pitong kalalakihan ay kinatatakutan siya.
-Si Pak Hitam ay may asawa na si Siti Rubiyah na nagugustuhan ng halos lahat sa
mga lalaki ngunit natatakot sa kanya ito. Magin si Buyung man ay nagkagusto sa
kanya. Dumating ang panahon at nagkasakit si Pak Hitam. Ngunit gayunpaman ay
nanatili ang bagsik nito at patuloy pa rin siyang kinatatakutan. Kabuuan: Karamihan
sa atin ay may mga tunguhin sa buhay o mga layunin sa lahat ng ating gagawin.
May mga dahilan o sanhi kung bakit natin ginagawa ang isang bagay at kung bakit
din ito nangyayari. Sa tuwing gumagawa tayo ng isang bagay o nagdidisisyong
gawin ang isang bagay batay sa ating mga kadahilanan ay lagi itong may resulta o
bungang kapalit, maganda man o masama ang kahinatnan ng ating mga ginawa.
Samakatuwid lahat ng ating ginagawa o gagawin ay may sanhi at bunga.
Binibigyang-diin sa akda ang Teoryang Naturalismo kung saan, binibigyang-patunay
na ang buhay ay tila isang marumi, mabangis na lungsod at walang awang
kagubatan. Ipinakikita rin ng manunulat nito ang mga kasuklam-suklam na mga
pangyayari. Ang nobela ay pinamagatang Tigre! Tigre!