Lesson 12 Filipino 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

2st Quarter Filipino 8


Aralin 12: Komentaryong Panradyo
Wika at Gramatika: Ekspresyon sa Paghahayag ng Konseptong Pananaw

Panimulang Nilalaman

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Ang mag-aaral ay nakasusulat ng isang komposisyon na ayon sa kanyang sariling


pananaw na tumatalakay sa mga dapat at di-dapat taglayin ng kabataang Asyano

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakasusulat ng isang komposisyon na ayon sa kanyang


sariling pananaw na tumatalakay sa mga dapat at di-dapat taglayin ng kabataang
Asyano

C. Kasanayang Pampagkatuto

 Nasusuri ang sanaysay batay sa pagkakaiba at pagkakaparehas nito sa iba pang akdang
pampanitikan
 Nasusuri ang akda batay sa istruktura ng baghay nito
 Nagagamit ang Pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw

II. Nilalaman:

Komentaryong Panradyo
Wika at Gramatika: Ekspresyon sa Paghahayag ng Konseptong Pananaw
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at Unawain ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel


ang titik ng tamang sagot.

_______1. NAgpapaliwanag at nililinaw nito ang mga bagay na may


kaugnayan sa isyu upang matulungan ang mga tagapakinig na
magkaroon ng buo at sapat na kaalaman.

a. Nagpapabatid b. Nanghihikayat c.Nagpapakahulugan

_______2. Nananawagan ito sa mga tagapakinig na suportahan ang


isang programa.

a. Namumuna b. Nanghihikayat c.Nagpapakahulugan

_______3. Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng balita at kaugnayan


nito sa iba pang pangyayari.

a. Namumuna b. Namumuna c.Nagpapakahulugan

_______4. Nagbibigay ito ng mga puna at mungkahi tungkol sa isang


isyu.

a. Namumuna b. Namumuna c. Nagpapahalaga

_______5. Binibigyang-puri nito ang isang tao at kalagayan ng isang


institusyon o Gawain.

a. Namumuna b. Namumuna c. Nagpapahalaga


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Konsepto ng aralin

Komentaryong Panradyo

Kung may editoryal ang mga pahayagan at magasin, mayroon din ang
radyo. Naglalahad ang editoryal ng mga kuro-kuro ng editor o
patnugot na bunga ng pag- aaral tungkol sa isang mahalagang
pangyayari sa bayan, pamahalaan, at lipunan. Naglalaman ito ng
paninindigan ng pahayagan o magasin sa isang isyung may malaking
kahalagahan sa bayan. Maaaring tungkol ito sa politika, relihiyon,
sining, edukasyon, isports, kultura, at iba.

Ganito rin halos ang ginagawa sa radyo. Ang pagkakaiba, sa halip na


basahin ay pinakikinggan ito. Karaniwang mas maikli lamang dahil sa
limitasyon sa oras. Bukod pa rito, piling-pili ang nilalaman nito. Tanging
ang mahahalagang impormasyon lamang ang binabanggit. Tiyak at
tuwiran ang paglalahad. Kailangang lagi itong nakabatay sa
katotohanan at pananaliksik.

Ang komentaryong panradyo ay maaaring maglaman ng paninindigan


ng estasyon o pansariling pananaw lamang ng komentarista. Nililinaw
ito sa simula pa lamang ng programa.

A. Mga dapat tandaan sa pagsulat ng komentaryo

1. Pumili ng napapanahon at mainit na isyung may kahalagahan sa


lipunan.

2. Magsagawa muna ng pag-aaral at pananaliksik tungkol sa isyung


pinag-uusapan.

3. Magbigay ng impormasyong batay sa katotohanan at hindi pala-


palagay lamang.

4. Hindi dapat gumamit ng mga tuwirang pahayag sa


pagkokomentaryo. Tandaang walang nakikitang kahit na ano ang mga
tagapakinig. Isalin ito sa hindi tuwirang pahayag.

5. Isang paksa lamang ang talakayin. Maging maikli at malinaw sa


paglalahad.

6. Gumamit ng mga salitang magaan at madaling maintindihan.


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
7.Gawing makatwiran ang mga kaisipan, pananaw, at kuro-kuro.

8. Dapat na lohikal at sistematiko ang paglalahad mula simula hanggang


wakas.

9. Hikayatin ang mga tagapakinig sa lubusang pakikinig.

10. Hayaang bumuo ng sariling pagpapasiya ang mga tagapakinig.

B. Mga bahagi ng komentaryo

1. Simula - Binabanggit sa bahaging ito ang isyung tatalakayin. Karaniwang


napapanahon at mainit na isyu ito ng lipunan.

2. Katawan - Ipinahahayag sa bahaging ito ang sariling opinyon ng


komentarista o paninindigan ng estasyon ng radyo. Naglalaman ito ng
mahahalagang impormasyong nakabatay sa katotohanan at bunga ng isang
pananaliksik. Bumabanggit din ito ng mga pahayag at pananaw ng awtoridad
sa paksang tinatalakay. Naglalahad ito ng pagpanig o pagsalungat sa isyu at
pagbibigay ng mga halimbawa upang patunayan ang puntong nais bigyang-
diin.

3. Wakas Naglalagom na rito at nagbibigay-diin sa kaisipang tinatalakay.


Ipinahahayag dito ang panghihikayat at pagpapakilos sa mga tagapakinig
tungo sa isang pagwawastong panlipunan.

C. Ilang uri ng komentaryo

1. Nagpapabatid - Nagpapaliwanag at nililinaw nito ang mga bagay na may


kaugnayan sa isyu upang matulungan ang mga tagapakinig na magkaroon
ng buo at sapat na kaalaman.

2. Nanghihikayat - Nananawagan ito sa mga tagapakinig na suportahan ang


isang programa, balak, o pagkilos. Ipinaliliwanag nito ang mga Idahilan kung
bakit dapat panigan ang isang gawain.

3. Nagpapakahulugan - Ipinaliliwanag nito ang kahulugan ng balita at


kaugnayan nito sa iba pang pangyayari. Karaniwang inilalahad ang mga
posibleng epekto nito sa lipunan.

4. Namumuna - Nagbibigay ito ng mga puna at mungkahi tungkol sa isang


isyu.

5. Nagpapahalaga - Binibigyang-papuri nito ang isang tao at kalagayan ng


isang institusyon o gawain. Nagpaparangal din ito sa isang dakilang gawain.
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Gawain 1

Panuto: Pumili ng makakapartner sa mga kaklase at subukan basahin ang


isang halimbawa ng dokumentaryong panradyo mula sa libro ng sidlaw 8
Filipino, pahina 279 hanggang 282.

Pagunawa sa Binasa.

1. Ano ang paksa ng binasang dokumentaryo?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano ang pinaka layunin ng mga nagpapakalat ng fake news?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________
3. Magbigay ng mga patunay na ang isang balita ay totoo at tama.
Ipaliwanag.
a.

b.

c.
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
4. Paano maiingatan ang iyong sarili sa mga kumakalat nf fake news
nagyon sa internet o social media? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__________________________________________

5. Para sayo mas nakakatulong ba ang paggamit ng internet sa


pagpapakalat ng balita o hindi? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________-

Pagsasanay 1.

Panuto: Isulat ang POS sa patlang kung positibo ang pahayag at NEG naman
kung mali.

____________1. Esakto! Akalain mo bang nagkagulo ang mga tao dahil sa feke
news na yan !

____________2. Walang katotohanan at hindi ito nakabatay sa pananaliksik.

____________3. Tama ka dyan, partner. Napakadelikado para sa kalusugan ng


mamamayan.

____________4. Kaya po mga kababayan, huwag po agad-agad naniniwala sa


nababalitaan natin ha.

____________5. Hindi po lahat ng nakikita at napapanood natin at totoo.

Konsepto ng Aralin

Mahalagang gumamit ng iba't ibang ekspresyon sa paglalahad ng sariling


saloobin, pananaw, at konsepto. Pag-aralan natin.

Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Sa pagsulat ng komentaryo, kahingian ang paglalahad ng isang lohikal at
makatwirang pananaw o konsepto. Kaya tinitiyak na may pananaw ito ng
isang awtoridad at/o mga personalidad na kinikilala sa paksang tatalakayin.
Dapat ding nakabatay ito sa isang pag-aaral o pananaliksik bago banggitin ng
komentarista.

Narito ang sumusunod na ekspresyong ginagamit sa pagpapahayag ng


konsepto o pananaw:

1. Paghuhudyat ng iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao.


Ginagamit ang ayon, batay, sang-ayon sa, akala kolni, sa paniniwala
ko/ni, sa tingin ko/ni, sa palagay ko/ni, pinaniniwalaan kolni, iniisip ko, sa
ganang akin, at iba pa.
Halimbawa:
a. Ayon sa opisyal ng National Bureau of Investigation, sinisiyasat na nila
kung saan nagmula ang mga maling balita.
b. Pinaniniwalaan kong mahuhuli rin sila sa tulong mismo ng mga
biktima nila.

2. Pagpapahiwatig ng pag-iiba ng paksa o kaya ay pagbabago ng


pangkalahatang pananaw. Ginagamit ang mga ekspresyong tulad ng sa
isang banda, sa kabilang dako, sa kabilang panig, samantala, habang,
kung tutuusin, at iba pa.
Halimbawa:
a. Mabuti ito sa internet, ngunit sa kabilang banda, mapipinsala nito ang
integridad nating Pilipino.
b. Kung tutuusin, maraming balita sa social media ang dapat munang i-
fact-check!

Pagsasanay 2

Panuto: Bilugan ang angkop na ekspresyon upang maipahayag nang


malinaw ang konsepto o pananaw.

1. (Habang, Kung ako ang tatanungin) kailangang kumilos ang lahat upang
mapagtagumpayan ang layunin. Hindi maaaring magkaniya-kaniya!

2. Nag-iisip ang karamihan ng makabubuti sa bayan (samantalang, kung


tutuusin) ang ilan ay para lamang

3. sa sariling kapakinabangan. (Sa palagay ko, Sa isang banda) narito ang


mga mapagmalasakit sa kapuwa, sa kabilang panig, naroon ang mga
makasarili.
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
4. Darating ang panahong magiging maayos ang lahat (ngunit, kung gayon)
kailangang magkaroon muna ng pagbabagong panlipunan.

5. (Sa paniniwala ko, Sa pagkakataong ito) ibig kong ipaalam sa lahat na


panahon na para magkaisa ang lipunang Pilipino.

Gawain 2.

Panuto: Manuod sa TV ng isang makabagong isyu o tumatalakay sa


pangkasalukuyang nangyayari sa atig bansa.

a. Pagkatapos manood ay manasilsik sa onternet patungkol sa napanood.


Ibigay ang pagkakaiba at pagkakapareho ng napanoon at iyong
nasaliksik.
b. Ibigay ang iyong sariling pananaw tungkol sa ginawa mong
pagkukumpara.

Habang abalang nagbuburda ng panyo si Julia sa kanilang


tahanan ay
dumating ang kaniyang kasintahan na si Tenyong. Ayaw niyang ipakita
kay Tenyong
ang kaniyang gawa ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, nasulyapan
nang bahagya
ni Tenyong ang panyo at nakitang ito ay may mga letra ng kaniyang
pangalan (Antonio
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Narciso Flores). Itinanggi ito ni Julia at sinabing ito ay para sa Prayle
(Among Nating
Frayle) dahil dito, nagalit si Tenyong at gustong sunugin ang panyo.
Kaagad namang
binawi ni Julia ang kaniyang sinabi at inaming para nga talaga kay
Tenyong ang panyo
kaya naman, sila ay nagsumpaan na ikakasal sa altar.
Habang abala ang magkasintahan, biglang dumating si Lucas, isa
sa mga
alalay nila Tenyong, na nagsabing dinakip ang ama nito at ilan pang
mga kalalakihan
ng mga Guardia Civil sa pag-aakalang sila ay mga rebelde. Ang
mga pamilya at
kaibigan ng mga inaresto ay naghandang bumisita at magbigay ng
pagkain sa kulungan.
Sumakay sila sa tren papunta ng kapitolyo. Inutusan ng mga Kastilang
Frayle si Kapitan
Luis Marcelo na paluin at saktan pa ang mga nakakulong kahit na
mayroon ng namatay
at nag-aagaw-buhay na si Kapitan Inggo, ang tatay ni Tenyong. Sinabi
ng punong-frayle
na papakawalan na si Kapitan Inggo sa kaniyang asawa. Sinabi rin
niyang pupunta siya
sa Maynila upang sabihin sa Gobernador Heneral na pakawalan na ang
iba pang mga
inaresto, ngunit iba ang planong sabihin ng prayle pagdating doon.
Ipapapatay niya ang
mga mayayaman at edukadong Pilipino. Nakapiling ni Kapitan
Inggo ang kaniyang
pamilya at mga kaibigan bago siya mamayapa/yumao.
Pagkamatay nito, sinumpa ni
Tenyong na maghiganti!
Pinili ni Tenyong na sumali sa mga rebelde kahit na pinigilan at
tinutulan ito ni Julia.
Sa huli, walang nagawa at sumang-ayon na lamang si Julia at ibinigay
kay Tenyong ang
kaniyang medalyon/agimat. Nagsumpaang muli ang magkasintahan na
mamahalin ang
isa’t isa habambuhay.

Si Severino Reyes ay nakilala sa tawag na <Lola Basyang=, ang


sumulat ng dulang
Walang Sugat. Ito ang ikalawang dula na kaniyang naisulat na
talagang nagpatanyag sa
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
kaniya. Bukod pa rito, siya ay kinilala rin bilang <Ama ng sarsuwelang
Tagalog.= Sinasabi na
noong unang beses na itinanghal ang dulang ito ay inumaga sa
lansangan ang mga manonood
dahil naaliw sila sa mga awit at tugtugan na dala ng pagtatanghal. Sa
kasalukuyan, maituturing
na malaki pa rin ang ambag ng sarsuwela sa kultura ng ating bansa
dahil ipinakikita nito ang
mga kaugaliang Pilipino na patuloy pa ring pinahahalagahan hanggang
ngayon.

You might also like