Filipino 9 LESSON 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Asignatura: Filipino 9
LESSON: 8
Paksa:
Panitikan: Pabula
Wika: Mga Pahayag na ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang
Tradisyonal ng Silangang Asya.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging Asyano

C. Kasanayang Pampagkatuto
 Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong
napakinggan

 Nabibigyang puna ang kabisaan ng paggamit ng hayop bilang mga


tauhan na parang taong nagsasalita at kumikilos

 Nagagamit ang iba’t-ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


 Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay
sa napakinggan

 Naiaantas ang sarili batay sa tindi ng emosyon o damdamin

II. Nilalaman:
Panitikan: Pabula “ Ang Piging Pangkapayapaan ng mga Hayop”
Wika: Mga Pahayag na ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin
DAY 1
Activity 1: Paunang Pagtataya

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at Unawain ang bawat katanungan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot
______1. Gumaganap sa kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan?
a. Maikling kwento b. Kwentong bayan c. Parabula d. Pabula

_____2. Anong damdamin ay ipinapahayag sa pangungusap, “Wow! Ang ganda naman ng


sapatos mo!
a. Paghanga b. Pagkagulat c. pag-asa d. Inis/galit

_____3. Anong damdamin ay ipinapahayag sa pangungusap, Totoo ba? Naghiwalay na sila?


a. Pagtataka b. Pagkagulat c. pag-asa d. galit

_____4. Anong damdamin ay ipinapahayag sa pangungusap,” Nakakainis! Bagsak na naman


ako sa pagsusulit!
a. Paghanga b. Pagkagulat c. pag-asa d. Inis/galit

_____5.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang Pabula


a.Ang hatol ng Kuneho b. Niyebeng Itim c. Ang Amad . Tiyo Simon

DISCUSSION
CONCEPT NOTES

Ano ang Kahulugan ng Pabula?


Ang pabula ay isang uri ng panitkan na kung saan ang pangunahing mga tauhan ay
ginagampanan ngmga hayop. Sa akdang ito, ang mga hayop ay kumikilos at nakakapagsalita
tulad ng mga tao. Sa wakas ngkwento, ang mga mambabasa ay inaasahang may mapupulot
na mabutng aral at magandang asal. Karamihan sa mga pabula ay isinulat para sa mga bata.

Ito ay karaniwang binabasa sa mga bata sapagkatmadaling nitong nairuturo ang


pagkakatulad ng ugali ng mga tao sa mga hayop. Halimbawa, ang leon aykaraniwang
nagpapakita ng pagiging malakas at matapang, samantalang ang tupa naman ay
nagpapakitang pagiging mabait at maamo.
Naipapamulat ng akdang ito ang mga mabubutng katangian na dapattaglayin ng mga
bata. Maituturing din ang pabula bilang isa sa mga pinakamatandang uri ng panitkan sa
daigdig. Pinaniniwalaang ito ay nagmula pa noong ikaapat na siglo bago pa man isinilang si
Hesus. Angpinakakilalang manunulat ng pabula ay si Aesop, itnuturing din siya bilang “Ama ng
Pabula”

Katangian ng PabulaAng mga sumusunod ay katangian na dapat taglayin epektbong pabula.


Dapat ito ay nakakahikayat at nakakapukaw ng interes ng mga mambabasa. Dapat may
maayos na daloy ang mga pangyayari. Ito ay mas magiging epektbo sa mga mambabasa
kung ang paksa nito ay napapanahon at maykaugnayan ang kwento sa nagaganap sa
paligid.Ano ang mga Elemento ng Pabula?Ang pabula ay may apat na elemento. Ito ay ang
tauhan, tagpuan, banghay, at aral
Gawain 1: Ang aking Alaga?
Panuto: Isulat ang iyong pangalan sa hugis bilog, iguhit mo sa hugis puso.

AKO ALAGA KATANGIAN

Gawain 2: “Iugnay mo!”


Isulat ang mga kaisipang may kaugnayan sa salitang pabula. Kopyahin ang
pormat sa ibaba.

PABULA

DAY 2
Gawain 3
Pagbasa, Basahing ang pabulang “Ang Piging Pangkapayapaan ng mga Hayop” Pabula
mula sa Tsina

: Katangian, Ilarawan!
Pangalan ng Tauhan Katangian Ginampanan

Gawain 3
Antas ng iyong Pag-unawa”

1. Magbigay ng isang kasabihang maaaring mahalaw sa pabulang nabasa. Ipaliwanag?


2. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan natin
ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao?Bakit?
3. Mahihinuha mo ba sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-Korea?
Patunayan
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

DAY 3

Pagpapahayag ng mga
Emosyon at Saloobin
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa
wikang Fiilpino. Kabilang ang mga sumusunod:
1. Isang paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap
na may natatanging gamit ang pagpapahayag ng matinding
damdamin. Tulad ng mga sumusunod kung saan mapapansin
ang bantas na pandamdam (!) na hudyat ng matinding
damdamin at pananong (?) na ginagamit ding hudyat ng ilang
matitinding damdamin. Tingnan ang mga halimbawa.
Paghanga: Wow! Ang ganda naman ng sapatos mo!
Pagkagulat: Naku! Nahulog ang bata!
Tuwa: Yehey! Darating na bukas si Tatay!
Pag-asa: Sana nga, dumating na siya.
Inis/Galit: Nakakainis! Bagsak na naman ako sa pagsusulit!
Pagtataka: Totoo ba? Naghiwalay na sila?
2. Isa pa ring paraan ang paggamit ng statement na tiyakang
nagpapadama ng damdamin at saloobin ng nagsasalita.
Gayunman, mahihiwatigang hindi masyadong matindi ang
damdaming ipinapahayag sa ganitong paraan. Ginagamitan
ng tuldok (.) ang mga pahayag bagamat maaari ring gamitan
ng pandamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas
matinding damdamin.
Pagtanggi: Ikinalulungkot kong hindi napaunlakan ang iyong paanyaya.
Kasiyahan: Mabuti naman at nakarating kayo.
Pagtataka: Siya pala ang tinutukoy mo.
Pagkainis: Nakakabuwisit ang mabigat na trapiko sa Maynila.

3. Naipapahayag ang gusto at ayaw sa paraang


nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang damdamin o
gustong mangyari.

Pahayag: Ang ganda naman ng sapatos mo. Wala bang kapatid


yan?
Kahulugang ipinapahiwatig: [Bigyan mo rin ako ng ganyang sapatos.]
Pagsasanay 1: Damdamin ko’y bigyang kasagutan!

Panuto: Tukuyin at isulat sa patlang ang emosyon o damdaming ipinapahayag ng bawat


pahayag. Bigkasin din ang pangungusap nang may wastong damdamin.

______1. Naku! Nasusunog ang bahay nila.


______2. Wow! Ang ganda ng tanawin
______3. Sana nga, magkatotoo ang sinabi mong iyan.
______4. Talaga, sasama ka na sa amin
______5. Aray, natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.
______6. Awww! Napakaganda ng kaniyang ginawa
______7. Yehey! Ikaw ang nanalo
______8. Grabe! Nahihilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang pagtatanghal
______9. Ayyy! Nandyan na ang mabangis na ahas!
______10. Lagot! Hindi ka nagpaalan na ika’y aalis

Pagsasanay 2: Kahusayan sa pagbuo !

Panuto: Bumuo ng limang pangungusap na nagpapahayag ng ibat-ibang emosyon o


damdamin mula sa akdang ating tinalakay at tukuyin ang wastong damdamin na ipinahayag.
1.________________________________
2.________________________________
3.________________________________
4.________________________________
5.________________________________

Pagsasanay 3: Buuin mo!

Panuto: Tukuyin ang angkop na damdaming ipinapakita sa larawan at gamitin ito sa isang
makabuluhang pangungusap.

( tuwa, galit) ( tuwa, galit) (gulat, Inis)


Hal.___________________ Hal.__________________ Hal._____________
Hal.___________________ Hal.__________________ Hal._____________

DAY 4
Malikhaing Pagsulat!
Panuto: Bumuo ng sariling Pabula. Pumili ng isang hayop na pangunahing tauhan sa
iyong akda na sisimbolo sa iyong angking taglay na katangian. Dapat isaalang-alang sa
paglika ang mga sumusunod na pamantayan

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI-GAANONG HINDI
MAHUSAY MAHUSAY
Kaalaman sa
paksa
Layunin ng
isyung
kinakatawan
Malinaw na
nailalahad ang
mensahe
Naipamalas
ang husay sa
paglikha
Malinis at
maayos na
natapos ang
gawain

Lingguhang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang mga tauhan sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?


A. amonggo, Ipot-Ipot, Tigre,Baka
B. Puno ng Pino, Tao, kalabaw, Tigre
C. Puno ng Pino, Lalaki/tao, Tigre, kuneho
D. prinsesa tutubi, tubino, puno ng pino, Tigre
2. Kilala bilang “Ama ng pabula”?
A. Ian Poe B. Aesop C. Tagore D. Kurishumi
3. Ano ang tawag sa kuwento na hayop ang kumakatawan?
A. Alamat B. Pabula C. Kwentong-bayan D. Maikling kuwento
4. Saan unang lumaganap ang pabula?
A. Korea B. India C. Gresya D. Roman
5. Ano ang ipinakitang ugali ng tao sa tigre?
A. maawain B. matapang C. masigasig D. maramot
6. Sino ang unang pinuntahan ng tigre at ng lalaki?
A. kuneho B. baka C. puno ng Pino D. kalabaw
7. Bakit nais ng tigre na kainin ang tao kahit iniligtas siya nito?
A. dahil ayaw ng tigre na ang tao ang maghari sa kagubatan.
B. dahil ilang araw na itong hindi pa nakakain
C. dahil sadyang kumakain sila ng tao.
D. dahil wala silang puso sa mga tao.
8. Sino ang pangalawa nilang pinuntahan upang tanungin kung bakit hindi siya pwedeng
kainin ng tigre?
A. kuneho B. baka C. puno ng Pino D. kalabaw
9.Ano ang ginamit ng tao upang makaahon sa malalim na hukay ang tigre?
A. hagdanan B. bato C. troso D. lubid
10.Ano na kaya ang nadarama ng lalaki nang marinig ang hatol ng puno ng Pino at ng baka?
A. Nalungkot B. Natakot c. Saya D. Pangamba

Gawain 10: Read and React !


Panuto: Muling balikan ang tinalakay na aralin. Sa iyong sariling pagkakaunawa
sa Pabulang “Ang Hatol ng Kuneho” at ang kaugnay na Wika: Pagpapahayag
ng emosyon o saloobin, Bigyang reaksyon ang gabay sa ibaba

READ : Pabula: “Ang Piging Pangkapayapaan ng mga Hayop”


Ang mga katangiang taglay ng mga hayop na tauhan sa pabula ay
sumasalamin sa mga katangian ng mga tao sa bansang kanilang pinagmulan

REACT

READ : Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin


Halaga ng Emosyon at saloobin sa pagpapahayag sa isang akdang
Sulatin

REACT

You might also like