Filipino 9 Q1 Week 2
Filipino 9 Q1 Week 2
Filipino 9 Q1 Week 2
Sa araling ito, tatalakayin natin ang katangian ng maikling kuwento gamit ang
halimbawa mula sa Thailand at iba’t ibang gamit ng mga pang-ugnay.
Paunang Pagsubok
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
2
_____A. Hindi magkaanak ang mag-asawa kaya namanata sila sa ibat-ibang santo sa
iba’t – ibang lugar.
_____B. Binuhos nila ang panahon sa pag-aalaga ng mga hayop at ang pinaka
paborito ni Aling Osang ay ang alagang puting pusa.
_____E. Namanata ang mag-asawa na kung sila ay bibigyan ng anak ay hindi nila ito
patatapakin sa lupa.
Balik-tanaw
Sagutan ang mga katanungan batay sa akdang tinalakay. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
_____1. Si Mui Mui ay nasa gitna ng mahabang halinghing at hindi mapatahan ng
dalawang pinakamatand kapatid. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. pag-iyak B. paghiyaw C. pag-awit D. pagbulyaw
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
3
_____2. Ano ang madalas na gawin ng ama sa mga anak at asawa sa tuwing siya ay
nalalasing?
A. naghahanda ng pagkain C. nambubugbog
B. nakikipaglaro D. ag-aayang matulog
_____3. Ito ang ugali ni Mui Mui na madalas ay hindi mapigil ng ina at kapatid.
A. humahalinghing B. tumatangis C. nagsasayaw D. kumakanta
_____4. Nagdesisyon ang ama na magbabago na at hinding hindi na siya _____.
A. magsusugal B. maglalasing C. magtatrabaho D. mangangalakal
_____5. Ang ama sa akda ay nawalan ng trabaho at ______?
A. kaibigan B. salapi C. anak D. kakampi
Pagpapakilala ng Aralin
Paano nga ba magsuri ng isang maikling kuwento? Maari nating gawing batayan
ang mga sumusunod sa pagsusuri ng isang maikling kuwento. Handa ka na ba? Atin
nang basahin at unawain.
Una, ang LITERAL na pagsusuri. Dito ay halos iisa lamang ang sagot at kadalasang
nakapaloob sa akda ang lahat ng kasagutan. Pormularyo: literal = akda.
TAGPUAN – dito naganap ang kuwento (Lugar kung saan nangyari ang kuwento at
panahon kung kailan nangyari ang kuwento)
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
4
“AKO”
Kasali (Unang Panauhan)
Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong
nadapa at napaluha ako sa sakit.
ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalasaysay ang kuwento
Ang ikalawa, ang MALALIM na pagsusuri. Dito ay maaaring higit sa isa ang
tamang sagot bagama’t may maituturing pa ring mali. Ang mga paliwanag o patunay
sa sagot ay nagmula pa rin sa akda. Ito ay kadalasang bunga ng pinagsamang talino
ng may-akda at mambabasa. Pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
5
PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye - mga nais sabihin ng may-akda ngunit
hindi niya direktang sinabi
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
6
hindi man lamang ito tumawag sa kanya. Nakita rin ni Kamjorn si Danu. Masaya
naman ito nang makita ang ama. Matagal na hinawakan ni Danu ang kamay ng ama
bago siya isakay sa stretcher.
Mga Gawain
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
7
Gawain 2 Isalaysay na muli ang binasang akda gamit ang kasunod na dayagram.
ANG OPERASYON
SIMULA
Pangunahing Tauhan _____________________________________________
Tagpuan _____________________________________________
Suliranin _____________________________________________
GITNA
Kasukdulan _____________________________________________
WAKAS
Kakalasan _____________________________________________
Katapusan _____________________________________________
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
8
Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang pagsusuri ng maikling kuwento at iba’t
ibang gamit ng pang-ugnay, narito ang mga dapat mong tandaan.
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
9
Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.
_____3. Sumakay ng tren si Sriprai para maabutan ang operasyon ng anak ngunit sa
kasamaang palad ay nakabilang ito sa mga nasawi sa aksidente.
Pangwakas na Pagsusulit
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
10
Nang gabing iyon pumasok ang mga magulang ni Eli sa kanyang silid. Naupo ang
kanyang ina sa gilid ng kama ni Eli at hinawakan ang kanyang kamay. “Eli, sa
palagay ng doktor ay kailangan mong maoperahan,” wika niya.
“Gusto niyang lagyan ng mga tubo ang mga tainga mo para hindi na kumalat ang
impeksyon,” sabi ni Inay. “Hindi masakit iyon, at isang araw ka lang sa ospital.”
Pinisil ni Inay ang kanyang kamay.
May tiwala si Eli sa kanyang mga magulang. Ngunit takot siya sa ideyang ooperahan
siya. Naisip niya ang kuwentong narinig niya sa Primary tungkol kay Joseph Smith.
Nang si Joseph ay pitong taong gulang, naimpeksyon ang buto niya sa binti. Lumala
ang impeksyon kaya ipinasiya ng doktor na kailangang alisin ang bahagi ng buto o
kung hindi ay mapuputulan ng binti si Joseph o baka mamatay pa siya.
Noong panahon ni Joseph Smith, pinaiinom ng alak ng mga doktor ang mga taong
ooperahan para hindi sila makadama ng sakit, ngunit tinanggihan ni Joseph ang alak
na ipinaiinom sa kanya ng doktor. At ayaw niyang magpatali sa kama. Sinabi niya na
kung hahawakan siya ng kanyang ama, hindi siya gagalaw. Mahigpit na niyakap si
Joseph ng kanyang ama sa buong operasyong iyon na masakit. Tagumpay ang
operasyon, at gumaling si Joseph.
Naisip ni Eli ang tapang at pagtitiwala ni Joseph sa kanyang ama. “Maaari po ba ninyo
akong basbasan, Itay?” tanong niya. Alam ni Eli na makakatulong sa kanya ang basbas
ng priesthood. Noong magsimula ang klase, binasbasan ng kanyang ama si Eli.
Humalukipkip at yumuko ang ina ni Eli. Nadama ni Eli ang mga kamay ng kanyang
ama sa kanyang uluhan. Tiwala ang tinig ng kanyang ama nang basbasan nito si Eli
na hindi siya matakot at lubusang gumaling.
Nang matapos ang pagbabasbas, hindi na takot si Eli. “Puwede na po akong operahan
ngayon,” wika niya.
Subukin mong pagsunud-sunurin ang mga pangyayari gamit ang bilang 1-5.
_____A. Tiwala siya sa tinig ng kaniyang ama nang basbasan si Eli upang hindi na siya
matakot.
_____B. Malaki ang tiwala ni Eli sa kanyang mga magulang ngunit takot siya sa ideya
ng operasyon.
_____C. May impeksyon sa tainga si Eli at kailangan operahan ayon sa kanyang
doktor.
_____D. Hindi naglaon at nawala na ang impeksyon sa tainga at gumaling na si Eli.
_____E. Isang linggo pang lumiban sa klase si Eli dahil sa kanyang karamdaman.
Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikalawang Linggo