Munting Tinig

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

REGION IV-A CALABARZON


DIVISION OF RIZAL
DISTRICT OF PILILLA
Pililla, Rizal
Pililla National High School
M. A Roxas St. Bagumbayan, PIlilla, Rizal

PANUNURING PAMPELIKULA

Alliyah Nicole C. Lopez


Pinasa ni

Prime 8 Ampere
Baitang & Seksiyon

Maricar B. Garcia
Pinasa kay
MUNTING TINIG

I.PAMAGAT

Ang pamagat na “Munting Tinig” ay nangunguhulugang ang boses ng mga walang


kaya sa buhay o mahihirap ay hindi napapakingan o dahil ito’y mahina ngunit, huwag
itong gawing hadlang para hindi maabot ang mga pangarap. Kahit mahirap hindi
masamang mangarap ang masama ay ikaw ay nangangarap ng walang ginagawa
upang ito’y matupad. Ang pagsisikap makaahon sa buhay ay maipapakita dito.

II. BUOD

Nagsimula ang munting tinig sa isang guro na nagngangalang Melinda Santiago siya
ay papalit sa guro na pupunta ng ibang bansa upang magkaron ng mas balanseng
buhay. Sa barangay na ito ang mga tao ay mahihirap lamang at ang mga bata ay
napipilitang magtrabaho dahil dito ang iba sakanila ay hindi nakakapagaral. Ang
paaralan dito ay may malaking kakulangan sa mga bagay na kailangan sa
eskwelahan, Dahil dito ang mga guro ay nagbebenta ng “ice candy” para mapabago
ang eskwelahan. Ang mga bata ay naniniwala sa kanilang magulang na mayayaman
lang ang pwedeng mangarap ito’y itinama ni Melinda na lahat ng tao ay libreng
mangarap. Nang may bumisita sa kanilang paaralan para mag inspekta sila ay
sinabihan na sumali sa kontest para mabago ang kondisyon ng paaralan. Naisip ni
Melinda kung sila ay sumali matutulungan niya ang mga batang magaral. Tinruan niya
ang mga ito kahit di sumasangayong ang ibang guro at magulang pero sa dulo
napaniwala niya na kaya nilang manalo. Sa dami ng pagsubok na pinagdaanan ni
Melinda para makasali sa kontest naisip rin niyang sumuko ngunit pinili nya paring
ipaglaban ang mga ito at sa dulo nanalo sila at natulungan niya ang paaralan at mga
bata.

II. TAUHAN

 Melinda Santiago
Isang gurong grumaduate sa University of the philippines at tumulong sa mga
bata na mag aral at nag pamulat sakanila na libreng mangarap.

 Mrs. Pantalan
Punong guro ng paaralan

 Mr. Singh
Kasama sa mga gurong hurado ng contest

 Mga Magulang ng mga bata


Napamulat sakanilang anak na sila ay mahirap lamang, sila ay dapat
magtrabaho, at sila ay bawal mangarap.

 Mga bata
Mga mag-aaral sa paaralang pinagtra-trabahuhan ni Melinda.

 Popoy
Isa sa mga studyante ni Imelda. Siya ay mamamatay dahil sa barilan, at ang
kapatid ni Obet
 Obet
Kapatid ni Popoy na namatay. Siya ay napilitang lumipat sa ibang lugar
ngunit sa dulo siya ay sumali sa contest.

 Geli
Hindi pinayagan ng magulang dahil sa hindi pag tupad ng tinakdang oras
para bantayan ang mga kapatid nito, Ngunit siya pinayagan sa huli.

 Charyong
May-ari ng bahay ng unuupahan ni Melinda. Ina ni Pillar

 Nanay ni Melinda
Pinipuwersa si melinda na mag trabaho sa ibang bansa.

 Pillar
Dating guro ng paaralan subalit tumungong Singapore upang doon
mamasukan ngunit nalinlang ng ahensyang kanyang pinasukan.

IV. DIREKSIYON/DIREKTOR

Masasabi ko na ang pelikula ay mahahalintulad natin sa realidad.Ang daloy ng kwento


sa pelikula ay maayos, maipapakita ang nais iparating ng pelikula sa mga manonood,
at ang kwento ay mahahlintulad sa totoong buhay o ito ay nag-papakita na ito ay
nang-yayari sa totoong buhay, ang “Munting Tinig” ay puno ng aral., ang pelikula ay
puwedeng magsilbing gabay para tayo ay hindi sumuko.

V. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL

A. SINEMATOGRAPIYA - Ang nais iparating ng pelikula ay naipakita ng maayos.


Ang kasuotan ay masasabi kong angkop sa totoong buhay. Mga lugar kung saan
nangyari ang kwento ay nasa publiko na magpapakita ng realidad. Ang pagka-
edit ng pelikula ay maayos. Dahil sa mga ito maipapakita na ito ay totoong
nangyayari sa totoong buhay.

B. MUSIKA - Sa Musika, Ang Munting tinig na kinanta ng mga bata ay nag sasabi
na kahit sila'y bata lang sila ay dapat pinapakingan. Para sa mga music effects
ito ay angkop sa damdaming nararamdaman ng actor na ipinapakita sa pelikula.

VI. ISYUNG MAHIHINUHA SA PELIKULA NA MAY KAUGNAYAN SA


KASALUKUYAN.

Ang isyu na mahihinuha natin sa pelikula ay ang kahirapan o poverty. Maraming tao
dito sa pilipinas at sa ibang bahagi ng mundo ang nakakaranas ng kahirapan. Marami
sakanila ay ang trabaho ay mababa ang sweldo katulad ng magsasaka at
mangingisda. Ang iba ay walang permanenteng tirahan o naninirahan lang sa kalye,
walang trabaho, namamalimos, at naghahanap ng pagkain sa mga basurahan.

Maraming mahihirap ang naniniwala na mga mayayaman o may kaya lang sa buhay
ang puwedeng mangarap kaya, walang pagbabago sa kanilang buhay. Gusto nga
nilang maka-ahon ngunit wala naman silang ginagawa. Marami ring kahit may kaya sa
buhay ang mga pangarap nila ay pangarap lamang hindi sila kumikilos para ito’y
matupad. Sa pelikula maipapakita na napilitang mag trabaho ang mga bata kaysa
mag-aral dahil sa kahirapan. Pati na rin ang eskwelahan ay nangangailangan ng
tulong para ma-repair ang mga sira at magkaron ng bagong kagamitan. Hindi lang
kahirapan ang naipapakita ng pelikula napapakita rin na ang mga pangarap ng mga
bata ay hindi natutupad dahil sa kahirapan at pagmamaliit nila sakanilang sarili.

Sinasabi nito na maswerte tayo sa ganitong buhay, hindi tulad ng mga mahihirap na
pamilya na hindi makuha ang kanilang pangangailangan.

You might also like