Tata Selo Review - Online
Tata Selo Review - Online
Tata Selo Review - Online
Halimbawa
Korapsyon- confidential funds, MARCOS
Diskriminasyon
Transgender graduation- dress code
My father is a policeman
Hindi pagtanggap sa trabaho ng mga matatanda
Kawalang hustisya
Sabungero
Nawawalang inmate
Pang-aagaw ng lupa
Panggagahasa
Vhong to Denice Cornejo
Cianne
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
KYLA
● Ipinanganak si Rogelio “Roger” R. Sicat noong Hunyo 26, 1940 sa San Isidro Nueva
Ecija. Siya ay anak nina Estanislao Sicat, isang makata at Crisanta Rodriguez.
● Isang premyadong nobelista, kuwentista, mandudula, at tagasalin.
● Si Roger Sicat ay naging guro ng panitikan, malikhaing pagsulat, wika at pagsasalin sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, Kolehiyo ng Arte at Literatura,
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
● Kinilala siya bilang University Professor ng Unibersidad ng Pilipinas, ang pinakamataas
na titulong pang-akademiko na iginagawad ng Lupon ng mga Rehente ng UP System.
● Naging dekano siya ng Kolehiyo ng Arte at Literatura sa UP Diliman mula 1991
hanggang 1994.
● Nagtapos siya ng digring batsilyer sa Pamamahayag sa Unibersidad ng Santo Tomas
noong 1964, at nagtapos ng masteral sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.
● Kabilang si Roger Sicat sa mga mahuhusay at kinikilalang manunulat sa Pilipinas na
nagtaguyod ng paggamit sa wikang Filipino sa malikhaing pagsulat at pananaliksik.
● Naging campus writer at literary editor siya ng The Varsitarian, ang opisyal na
pahayagan ng mga mag-aaral ng UST.
● Sa panahong ito nakilala ang kanyang natatanging ambag sa pag-unlad ng panitikan sa
Pilipinas, partikular ang paggamit sa panlipunang realismo bilang estilo sa pagsulat ng
kanyang mga obra. Makatotohanang pangyayari na palaging inaabuso ang mahihirap.
●
MARJ
● Lumabas ang mga maikling kuwento ni Roger Sicat sa antolohiyang Mga Agos sa
Disyerto noong 1965, kasama ang akda ng iba pang mga kasabayang manunulat at
kuwentista tulad nina Edgardo Reyes, Efren Abueg, Dominador Mirasol, at Rogelio
Ordonez. Katulad nila, nakamarka na sa mga pahina ng kasaysayan ng panitikan ng
Pilipinas ang mga likhang akda at hinubog na tauhan ni Roger Sicat.
● Habang nag-aaral sa kolehiyo, naisulat niya ang kanyang unang maikling kuwentong
Impeng Negro (1962) na tungkol sa halaga at tagumpay ng pakikipagtunggali. Nagwagi
ang kuwentong ito sa gawad Palanca para sa pagsulat ng maikling kuwento.
● Sa sumunod na taon, naisulat naman niya ang klasikong akdang Tata Selo (1963) na
tumalakay naman sa usaping agraryo sa bansa. Ilang ulit na ring naisalin ang akdang ito
sa teatro at pelikula bilang impluwensiya ni Roger Sicat sa mga sumunod na henerasyon
ng mga manunulat at artistang Pilipino.
● Samantala, ang mga dulang Mga Kaluluwang Naghahanap (1966), Moses, Moses
(1969), Saan Papunta ang Paruparu? (1970) at Tatalon (1983) ay nagsilbing mga
patunay naman sa husay ni Roger Sicat sa pagsulat ng mga dulang nakalunan sa
domestikong espasyo.
● Patuloy namang itinuturo at pinag-aaralan ang kanyang nobelang Dugo sa
Bukang-Liwayway na tumaliwas noon sa tradisyong romantiko ng mga nobelang
inilalathala sa magasin na Liwayway. Naging lunsaran ng nobela ang El Filibusterismo ni
Jose Rizal upang talakayin ang konsepto ng pagbabalik sa lupang tinubuan upang
hagilapin ang mailap na hustisya. Dito naipamalas ni Roger Sicat ang husay sa
paglikha ng kathang-isip na mundo gamit ang matingkad na sensibilidad at marubdob na
damdamin na nilangkapan ng realismo.
● Hanggang sa kasalukuyan, kinikilala si Roger Sicat bilang isa mga muhon ng panitikan
ng Pilipinas. Hindi maitatanggi ang malawak na sakop ng kanyang impluwensiya sa
mga manunulat sa Pilipinas na magsulat sa sariling wika. Kabilang siya sa mga
manunulat na nagsulong at nagpaunlad sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pagsulat
ng mga malikhaing akda, salin at panunuring pampanitikan sa Pilipinas
● Sumakabilang buhay si Roger Sicat noong 1998.
2. PAMAGAT NG TATA SELO (TEMA/PAKSA)
KYLA
3. LAYUNIN
MARJ
Naisulat ni Rogelio Sikat ang Tata Selo sa layuning maipahayag ang damdamin ng mga
mahihirap.
● Naisulat ni Rogelio Sicat ang Tata Selo sa layuning maipahayag ang damdamin ng mga
mahihirap. Makikita natin sa kwento na ang mga mahihirap ay walang kapangyarihan sa
mundo laban sa mga mayayaman.
● Galing sa pamilya ng mga magsasaka si Sir Sikat, at wala siyang bilib sa mga
nagsusubok sumulat nang tungkol sa mga mahihirap nang hindi naman talaga
naiintindihan ang pinagsasabi nila.
● Hindi masama ang subukang sulatin ang mga kuwento at karanasan ng mga
manggagawa, mga magsasaka at mga mahihirap. Pero hindi ito madaling gawin kung
hindi ka galing sa ganoong klaseng buhay
4. TAUHAN
KYLA
1. Tata Selo
Siya ang pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ay isang matandang magsasaka na
ipinaglalaban ang kanyang karapatan laban sa pang-aabuso ng mga makapangyarihan
sa lipunan ngunit ikinulong kalaunan dahil sa kasalanang pagpatay kay Kabesang Tano.
2. Kabesang Tano
Ang kabeza de barangay na nasawi at may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo.
3. Batang Magbubukid
Siya ay isang magbubukid na bumisita sa istaked ni Tata Selo at naatasang magsundo
kay Saling sa bahay ng Presidente upang yayain itong umuwi. Subalit nabigo siyang
makapasok sa tanggapan ng Presidente at makausap man lang si Saling.
4. Binata
Matangkad at maputing anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque na unang
umusisa sa mga pangyayari mula nang dumating si Tata Selo sa istaked.
MARJ
5. Alkalde Mayor
Isang batang opisyal na nakabihis-pangmayaman at may napakakintab na sapatos. Siya
ay may bahid ng kawalang-awa sa pagtrato kay Tata Selo. Makikita sa kaniyang
reaksiyon ang pagiging agresibo nang malaman niya ang nangyari kay Kabesang Tano.
6. Hepe
Siya ay isang malaking lalaki na namumuno sa pulisya ng San Roque. Siya ang
walang-awang nagmalupit kay Tata Selo sapagkat ang nasawing kabeza de barangay
ang nagrekomenda sa kanya sa puwesto.
7. Saling
Ang maglalabimpitong taong gulang na anak ni Tata Selo na namasukan ng tatlong
buwan sa tahanan ng kabesa.
8. Taumbayan
mga nakikiusisa sa may istaked.
9. Mga pulis
ang mga sumasawata sa mga nagkakagulong tao.
5. TAGPUAN
KYLA
a. PINAGGANAPAN
BAHAY=PAMAHALAAN
● "Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng
tumaas ang araw, at kumalat na ang balíatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan."
Istaked
● "Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa'y naghahangad
makalapit sa istaked." "Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa
rehas. May nakaalsang putok sa noo."
● Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok habang sinasaraduhan ng mga rehas na
bakal. Ang tagpuang ito ay kakikitaan ng lugar na kalalagyan ng taong nagkakasala. Sa
istaked namamayani ang labis na pagkalugmok ng pangunahing tauhan sa kasalanang
ginawa.
MARJ
Sakahan
● "Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo. "Doon ba sa may
sangka. Pinaaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw ang magsasaka. Nang
makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod ako, amang. nakikiusap ako sapagkat kung
mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?
Tanggapan ng Alkalde
● "Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang
tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. "Mabibilanggo ka
niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo."
● Samantalang ang malinis at makintab na opisina ng alkalde ay nagpapakita ng isang
lugar para sa isang taong hindi nakakaranas ng matinding hirap. Ang tahimik na paligid
sa opisina habang kausap ng alkalde si Tata Selo ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan
ng alkalde sa lugar na yoon.
b. PANAHON
KYLA
Umaga
● "Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan."
● "Nang Selo." magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Hapon- "Mag-likaapat
na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon."
KYLA
Awa at lungkot
SMARJ
Dismaya at Galit
5. BUOD
KYLA
Ang kwentong ito ay nagsimula sa kaguluhan sa istaked dahil sa balitang napatay ni Tata Selo
si Kabesang Tano na sinasabing nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo (SIMULA).
KYLA
Tinaga ni Tata Selo sa bibig ang kabesa na naging sanhi ng kamatayan nito. (SULIRANIN)
MARJ
Ang mga pangyayaring ito ay mariing pinaliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng
pinakamayamang propitaryo, sa akalde at maging sa hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng
istaked na pawang mga kilala ng kabesa.(SAGLIT)
MARJ
Ayon sa kanyang paulit-ulit na salaysay, siya ay pinapalis ni Kabesang Tano sa lupang kanyang
sinasaka na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Sinabi
nya sa kabesa na nais nya itong mabawi muli kung kaya't hindi siya nagbibigay ng kahit isang
pinangko kung anihan. Dagdag pa niya, kung di niya ito mabawi ay masaka man lang at
paulit-ulit niyang pinaliwanag na siya ay malakas pa. Subalit tinungkod daw siya ng kabesa at
pilit pinapaalis sa lupang yaon.(TUNGGALIAN)
KYLA
Dinalaw siya ng kanyang anak na may sakit na si Saling. Dati siyang nakatira at nanilbihan sa
kabesa. Pinatawag si Saling ng alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon kahit na
siya ay pilit nang pinapauwi ni Tata Selo. Nang bumalik ang batang dumalaw sa kanya ay
inutusan niya itong pumunta sa tanggapan ng alkalde upang yayain si Saling na umuwi na
subalit, hindi pinahintulutang pumasok ang bata sa tanggapan ng alkalde. Sa huling bahagi ng
kwento ay sinambit ni Tata Selo na kinuha na lahat sa kanya (KASUKDULAN).
6. PATUNAY
Simula
"Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay na si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay pamahalaan."
Suliranin
"Walang anu-ano ay tinawag ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito, at pilit na
pinapalayas ng kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang sakahan sa iba. Nang makiusap si
Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya
nataga ito ni tata Selo. Pagkatapos, nakulong si Tata Selo sa istaked ng munisipyo."
Saglit na Kasiglahan
"Mag-aalas-onse na nang dumating ang alkalde, kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa
bahay ng kabesa. Abu't-abot ang busina ng dyip na kinsasakyan ng dalawa upang mahawi ang
hanggang noo'y 'di pa nag- aalisang tao. Tumigil ang dyip sa di-kalayuan ng istaked. Itinaas ng
katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang
malaking lalaking hepe." Sa bahaging ito, makikita natin na sa pagdating ng alkalde at ng hepe
ng pulisya ay panandaliang natahimik at nahawid ang mga taong nag kukumpulan sa may
istaked
Tunggalian
"Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamang propirtaryo sa San
Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano, kaya ipinagtanggol ni
Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa kung paano nagsimula ang
insidente.
Huling dumating ang alkalde at ang hepe ng pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang kabesa.
May pagkayamot na tiniyak ng alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kay Tata Selo.
Pinangatwiranan pa rin ni Tata Selo na siya ang unang inagribiyado at ipinagtanggol lamang
niya ang kanyang sarili ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan."
Kasukdulan
"Nang makalawang araw…” Sa bahaging ito ng kwento makikita ang pinakapana-panabik na
pangyayari na kung saan nagkita ang mag-ama.
7. SULIRANIN
Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito. Pilit na pinalalayas ng kabesa si
Tata Selo dahil ipasasaka nito ang kanyang lupa sa iba. Nang makiusap si Tata Selo, sa halip
na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga niya ito.
8. TUNGGALIAN
Makikita ang tunggaliang tao laban sa tao nang walang magawa ang pangunahing tauhan na si
Tata Selo sa lahat ng pang-aabusong ginawa sa kanya ng mga tao. Unang dumating ang
binatang anak ng mayamang propitaryo sa San Roque upang mag-usisa kay Tata Selo tungkol
sa kanyang pagpatay kay Kabesang Tano. Pagdating naman ng alkalde at hepe na kagagaling
lamang sa bahay ni Kabesa, may pagkayamot na siniguro ng alkalde ang hatol na
pagkakakulong kay Tata Selo. Nangatwiran pa rin si Tata Selo sa kanila na siya ang unang
nilapastangan at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili subalit hindi na makikinig pa ang
mga taong may kapangyarian.
Makikita naman ang tunggaliang tao laban sa lipunan nang mapuno ang bakuran ng
bahay-pamahalaan ng kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo dahil gusto nilang
mag-usisa sa balitang kumakalat na tinaga at pinatay si Kabesang Tano. Makikita rito na
hinusgahan kaagad ng taumbayan si Tata Selo dahil sa pagsuway ni Tata Selo sa alituntunin ng
lipunan na bawal pumatay ng kapwa.
a. SIMBOLO
MARJ
Tagak- umikot at nagbigay ng sabik sa istorya ang pagtaga ni Tata Selo kay Kabesang
Tano. Naging simbolo rin ito ng katapangan ni Tata Selo upang maihayag ang kanyang
karapatan.
KYLA
Tata Selo – “Silo o pain”. Ginawang pain ng manunulat ang pangalang Selo upang ilantad sa
mga mambabasa ang karaniwang nangyayari sa mahihirap na magsasaka sa kamay ng
mayayamang propitaryo. Ito’y pain din upang ilantad ang isang uri ng sakit ng lipunan na
kailangang magamot.
MARJ
bata- siya ang kumakatawan sa mga kabataan na pag-asa ng bayan. Larawan siya ng mga
kabataang aktibo, matalino, sensitibo sa nagaganap sa paligid at handang tumulong sa kapwa.
KYLA
hepe
MARJ
KYLA
b. Balangkas
Isinulat ang maikling kwento ng Tata Selo na hindi sinundan ang karaniwang anyo ng balangkas
na Simula, Gitna, at Wakas. Inumpisahan ng awtor ang akda sa anyong Gitna, Simula, at
Wakas. Unang ipinakita sa kwento ang kinalabasan ng paglaban ng magsasaka. Ang pagkapiit
sa bilangguan. Sumunod ang pagbalik sa umpisa kung saan ipinalahad ang dahilan ng
kaganapan sa kabila ng kabatiran ng mga posibleng kalalabasan.
PANANAW- KYLA
Ang kuwentong "Tata Selo" ni Rogelio sikat ay nasa ikatlong panauhan, dahil mapapansin natin
na ang nagsasalaysay ay ang may akda mismo.
Patunay:
"Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas
ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang
bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa'y naghahangad makalapit sa
istaked."
AYON SA LAYUNIN
MARJ
● Ang “Tata Selo ay isang pampanitikang kwento.
● Ginamit ng awtor ang wikang Filipino sa paglalahad ng kwento.
● Natatanging estilo ang paglalahad ng kwento dahil gumamit ng pagsasalaysay sa
simulang bahagi nito. Samantala, ang wakas ng kwento ay iniwang bukas ng manunulat.
Ang "Tata Selo" ay isang pampanitikang kwento sapagkat ginamitan ito ng manunulat ng
kanyang imahinasyon at sining upang likhain at ipahayag ang isang kwento na naglalaman ng
mga napapanahong isyu tulad ng kawalan ng hustisya na naranasan ng pangunahing tauhan
sa kwento. Ginamit ng awtor ang wikang Filipino sa paglalahad upang maunawaan nang mabuti
ng mga mambabasa ang bawat mensahe ng kwento. Natatanging estilo ang paglalahad ng
kwento dahil gumamit ng pagsasalaysay sa simulang bahagi nito sa pamamagitan ng
pagkukwento ng pangunahing tauhan sa pangyayari. Samantala, ang wakas ng kuwento ay
iniwang bukas ng awtor at ang suliranin nito ay hindi nalutas upang malayang makapag-isip ang
mga mambabasa sa maaaring takbo o kahantungan ng mga tauhan.
Ang Tata Selo ay mauuri sa “Karaniwang Kuwento” dahil ang dami ng salitang bumubuo rito ay
hindi lalagpas ng 10,000 salita. (2193 words)
Ang kwentong Tata Selo ay nabibilang sa kwentong pangkabataan o young adult sapagkat
makikita sa kwento na mayroong mga pangyayaring tumutukoy sa karahasan at problema sa
ating lipunan na nararapat lamang sa mga antas sekondarya hanggang sa mga unang taon ng
kolehiyo.
AYON SA PAMAMARAAN
KYLA
Kwento ng Tauhan
Ang kwentong tauhan ay nagbibigay diin sa kahalagahan ng paglalarawan sa personalidad at
karanansan ng pangunahing tauhan. Sa ganitong uri ng maikling kwento, ang pinakamahalaga
sa katha ay ang tauhan.
● Makikita natin matinding paniniwala ni Tata Selo na may katwiran ang kanyang ginawa.
Masipag at mapagpahalaga sa kanyang trabaho si Tata Selo ngunit dahil sa pinapaalis
na siya ni Kabesang Tano sa bukid.
● Kasabay ng paulit-ulit na pagtungkod sa kanya ng kabesa, nangibabaw ang galit sa
kanya na naging dahilan ng pagkakataga niya sa kabesa.
● Ang ipinakitang katangian ni Tata Selo ay nagpapahayag ng normal na damdamin ng
isang tao – ang galit na nararamdaman sa oras na maagaw sa kanya ang isang bagay
na labis niyang pinapahalagahan.
● Ngunit ang unti-unting pagsukong katauhan ni Tata Selo sa pagwawakas ng kwento ang
nagpapakita ng kanyang kahinaan at kawalan ng pag-asa.
TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Kultural- KYLA
Ipinapakita ng kwentong “Tata Selo” ang kultura, kaugalian, at paniniwala ng mga Pilipino.
Simula sa kasipagan ni Tata Selo na simbolo ng mga Pilipino sa paghahanapbuhay bilang
magsasaka hanggang sa pagiging mapagmahal at maalalahanin sa pamilya. Tampok din dito
ang mga suliraning kinahaharap ng mga magsasaka patungkol sa agraryo laban sa mga
mayayaman. Ipinakita sa kwento ang pang-aapi sa pangunahing tauhan na si Tata Selo nang
paalisin siya sa kanyang lupaing sinasaka. Makikita rin sa kwento na agad siyang hinusgahan
ng mga tao kahit na hindi pa nila nalalaman nang lubos ang bawat pangyayari na humantong sa
pagkamatay ng kabesa.
-Pagiging Usisero/usisera “Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si
Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggigitgitan ang
mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.”
-Walang magawa ang baguhang mga pulis. “Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin
ang dalawang pulis.”
- Pagiging maalalahanin "Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod."
May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
- “Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.”
- “Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.”
- Ang kanyang malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. (Kahit malabo na ang
pag-asang makamit ang katarungan at kaginhawaan, ay pilit pa ring naniniwala/umaasa si Tata
Selo na balang-araw ay makakamit nila ang katarungan at kaginhawaan sa buhay)
Eksistensyalismo- MARJ
Mapatutunayang angkop ang Teoryang Eksistensyalismo sa kwento manaig ang kalayaan ni
Tata Selo sa pagdedesisyon na tagain at patayin si Kabesang Tano sa kabila ng kanyang
katauhan na mabait at mapagmahal na ama. Naniniwala pa rin siya na may katwiran ang lahat
ng kanyang ginawa kaya’t patuloy pa rin niyang ipinaglalaban ang kanyang karapatan bilang
isang magsasaka
Dekonstruksyon- KYLA
Kung susuriing mabuti ang kwento ng Tata Selo, naging dominante ang teoryang
dekonstruksyon dito sapagkat ang mga tauhan sa kwento na si Silang, Tata Selo at Kabesang
Tano ay nagmula sa nobelang El Filibusterismo sa "Kabanata 4: Si Kabesang Tales". Ang mga
pangyayaring mababasa sa kwento ay hango sa El Filibusterismo kung saan nangingibabaw
din paksang pang-aabuso at kawalan ng hustisya.
Masasabi natin na naging dominante ang teoryang dekonstruksyon sa kwentong "Tata Selo"
dahil ang may-akda na si Rogelio Sicat ay hinango ang mga iilang tampok at tauhan sa El
Filibusterismo para sa akdang ito at binago lang niya ang pangalan ng mga tauhan doon at
idinala ang mga tampok sa nobela sa kasalukuyan.
Bilang patunay sa puntong ito, ang tampok sa pag-aalis ni Kabesang Tano kay Tata Selo sa
lupaing sinakahan na walang dahilan ay nagpapakita ng pang-aabuso sa kapangyarihan
kagaya ng nangibabaw sa nobelang El Filibusterismo. Sa tampok naman na pinaslang ni Tata
Selo sa kabesa ay nagpapakita na siya'y gumanti gamit ang dahas. Sa kabilang dako,
nangibabaw din ang kawalan ng hustisya sa matanda nang siya'y mahuli ng mga otoridad at
nagpapaliwanag sa naging dahilan ng paggawa niya ng krimen subalit hindi siyang
pinakinggan. Lahat ng mga tampok sa kwento hinggil sa pagkait ng karapatang pantao ay
nangyari rin sa El Filibusterismo kaya masasabi natin na teoryang dekonstruksyon ang ginamit
ng may-akda dahil sa pagdadala niya ng mga tauhan at tampok mula sa nobela sa kanyang
kwento at binago lamang ang mga pangalan at mga tampok nito.
Kung ang takbo ng kwento ang ating pag-uusapan, nangibabaw ang teoryang dekonstruksyon
dahil naglilikha ito ng serye na hindi akalain ng mga mambabasa na magagawa ito ng
pangunahing tauhan nito. Bilang patunay, kung balikan natin ang tampok sa insidenteng
patayan sa pagitan ng matanda at kabesa, nabanggit sa kwento na isang mabait na tao si Tata
Selo ngunit nagulat nalang ang mga tao sa Istaked nang mabalitaan nilang nakapatay ang
naturang matanda sa kabesa. Kung sa mga karaniwang kwento ito makikita, ang pangunahing
tauahn ay madalas tahimik, mapagkumbaba, determinado at hindi gumawa ng mga masamang
bagay pero sa kasong ito sa kwentong "Tata Selo", kabaliktaran ang nangyari dahil ang
pangunahing tauhan nitong si Tata Selo ay nagawang pumaslang kay Kabesang Tano dahil sa
lupang sinakahan. Mapapansin natin na isa itong pambihirang tampok na ang pangunahing
tauhan nito ay nakapatay ng kontrabida sa kwento at nauwi sa pagsisisi ang lahat ng ito nang
siya ay mabilanggo dahil sa nagawa niyang krimen.
Galing sa pamilya ng mga magsasaka si Sir Sikat, at wala siyang bilib sa mga nagsusubok
sumulat nang tungkol sa mga mahihirap nang hindi naman talaga naiintindihan ang pinagsasabi
nila.
“May mga dula sa Pilipino na nanalo sa Palanca na kung ako ang hurado ay di dapat nagwagi;
ang katangian lamang ng mga ito, na tumapat sa panlasa ng mga hurado, na rebolusyonaryo
daw, ay pagpapakita ng mga api ng lipunan na nagrerebolusyon. Kay babaw na pamantayan sa
sining!”
“Naalala ko ang mga dula noong 1970 — mga dulang pang manggagawa at pang-magsasaka
na sinulat ng kapos ang kaalaman dito. Nakakasawa. … Huwag kang sumunod sa tradisyon
sapagkat tradisyon. Ipahayag mo ang sarili mo; maging matapat sa sarili.”
Nasira ang reputasyon ni Tata Selo sa kanyang pagpatay kay Kabesa ngunit hindi nya ito
itinanggi. Ipinaliwanag nya nang maayos kung bakit nya nagawa ang bagay na iyon.
Pag-aalala sa Pamilya
Inuna ni Tata Selo ang kalagayan ng kanyang anak na si Saling kaysa sarili nyang kalagayan.
Hindi nya inuna ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagmamahal dito.
FLOW
Pray, Pagbati, Kalat/upuan, Pagganyak, Awtor, Pamagat, Layunin, Tauhan, Tagpuan, Buod w/