KPWKP

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

MGA KONSEPTONG PANGWIKA

WIKA

Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng


wika sa buhay ng tao?

Ang bawat nilikha ay naghahangad na


magkaroon ng kahusayan sa wika.

Ito ay isang mahalagang kasangkapan


upang maipahayag ng tao ang kanyang
damdamin at kaisipan.

Ang kakayahan sa paggamit nito na nasasalig


sa isipan, damdamin at kilos ng tao ay resulta
ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang
karanasan- kabiguan, tagumpay, pakikipagsapalaran
at maging ng kanyang mga pangarap at mithiin.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuo ang mabuting


relasyon sa kapwa, napapaunlad ng tao ang kanyang
sarili at nakatutulong din siya sa pagpapaunlad ng
kabuhayan ng iba.Dahil sa wika nakatatanggap at
nakikibahagi siya sa kapwa ng bisang dala ng pagbabago
sa kultura at kabihasnan.
Ano nga ba talaga ang wika?

Bakit ito’y totoong napakakomplikado at tunay na may


kapangyarihan?

Ang kahulugan ng wika bilang


representasyon ng karanasan
ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at patuloy na
nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.

Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng


Diyos sa tao ay ang wika.

Ito ang kasangkapan upang maipadama ng tao sa


kanyang kapwa ang kanyang iniisip, nadarama at
nakikita tungkol sa kanyang paligid.

Wika: Kahulugan, Katangian,


Kahalagahan

Iba’t Ibang Pakahulugan sa WIKA

Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan


ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
(Edward Sapir)
Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na
nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito.
Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing,
larawan o anumang hugis na kumakatawan sa konsepto,
ideya o bagay.

Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol


naman nila. Ang kakayahan ng mga tao na kontrolin ang
mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop. (Lachica , 1993)

Si Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay isang


sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.

Ayon kay Todd (1987) ang wika ay isang set o kabuuan ng mga
sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
- hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.

Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko.


Dahil dito, ayon sa kanya, walang dalawang wikang magkapareho
bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.

Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng


mga arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan
nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong


gawaing pantao ayon kay Archibald Hill.
Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas
ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabahagi at kasama sa isang kultura
sa kanilang pakikipagtalastasan.

Kahalagahan ng Wika

Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan.


Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong
ipahiwatig ng ating kapwa.

Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa


pamamagitan ng paggamit ng wika.

Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas


kundi maging sa mga ibang bansa rin.

Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon


ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga
karatig bansa nito.

Ang wika ang sumasagisag sa napakaraming aspekto ng buhay ng tao.

Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan.

Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan.


Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng
damdamin at diwa ng mga mamamayan.

4. Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika

Pambansang Wika

● Hindi naging madali ang pagpili nito

● Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas


bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso
ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas
at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika
para sa iba- ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na may iba’t
ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.

Wikang Opisyal

● isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tangingistatus


sa saligang batas ngmga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo

● wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa


Wikang Panturo

● opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon

● ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga


eskwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

Monolinggwalismo

ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan


o asignatura, (England, Pransya, South Korea, at Japan), iisang wika
sa larangan ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan
sa pang-araw- araw na buhay.

Bilinggwalismo

✔ Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba


ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935)

Bilinggwalismo

✔ Taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang


pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat
sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. (John Macnamara, 1967).
Bilinggwalismo

✔ Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan at wikang


opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksyon sa pamahalaan man o sa
kalakalan. (Artikulo 15, Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973)

Bilinggwalismo

✔ Magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang wikang panturo


mula Grade 1 pataas sa mga tiyak na asignatura. (D.O. No. 25, s. 1974)

Multilinggwalismo

✔ ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit


ng wikang pambansa at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa
pakikipagtalastasan at pagtuturo, bagamat hindi kinakalimutan ang wikang
global bilang isang mahalagang wikang panlahat

Register ng Wika

✔ Mga wika/salitang partikular ang gamit sa isang tiyak na disiplina.

Barayti ng Wika

✔ Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng


pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang larangan o panig sa bansa.
Homogenous

✔ Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat


ng gumagamit ng isang wika (Paz, et al., 2003).

Heterogenous

✔ Heterogenous ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang


gumagamit ng isang wika dulot ng mga salik panlipunan

Linggwistikong Komunidad

✔ binubuo ng grupo o pangkat ng mga taong kabahagi ng tradisyon,


paniniwala at kaugalian at wika.

Linggwistikong Komunidad

✔ Ayon kay Gumperz (1968), ang kabuuang katangian ng taong


kinakatawan ng regular at kadalasang interaksyon sa pamamagitan
ng katawan at berbal na senyales at ang makabuluhang pagkakaiba sa
gamit ng wika.

Unang Wika

✔ Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro


sa isang tao. Kilala din itong katutubong wika, mother tongue, arterial
na wika at kumakatawan sa L1.
Pangalawang Wika

✔ alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang


lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika

✔ Ito ay bunga ng kanyang exposure sa iba pang wika.

Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon
na wika. May mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May
mga ilan ding nakagawiang magsalita nang malakas o di kaya ay mahina.
Mayroon ding mga tao na may isang salitang nakasanayan nang banggitin
nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap.

Halimbawa:
“Siguro nga ammm….dapat tayong magkaisa ok….Ito ay ammm….susi
sa pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon,
ammm…kailan pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?

Dayalekto- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at


katayuan sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang
heyograpikal na komunidad.Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain.

Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag


itong pansamantala dahil nadedevelop ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao.
Halimbawa:
Allergy ( Galis para sa mahihirap)
Gravy ( Sarsa para sa ordinaryong tao)
Slim ( tawag sa mga payat na tao)

Etnolek- barayti ito ng wika na nadedevelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B’laan, T’boli

Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita


sa loob ng bahay.

Halimbawa:
Inihaw/Sugba, Tinola/ Sinabawan/Sinigang

Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura.


Nadedevelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang
pahayag. Kadalasan, napaghahalu-halo ng nagsasalita ang kanyang unang
wika sa wikang sinasalita ng isang komunidad na bagong kinabibilangan niya.

Creole- ito ay produkto ng pidgin na wika, kung saan, nadedevelop naman ang
pormal na estruktura ng wika sa puntong ito.

Halimbawa:
Chavacano ng Zamboanga,
Chamoro ng Guam

You might also like