Maikling kuwento reference

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang maikling kuwent0 ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay

napapalaman sa isang buo, mahigpit, at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang


mabilis ang galaw. Ang kahulugang ito ay pinasimple ni Genoveva Edroza-

Matute na nagsabing "ang maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay
ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari, at may isang kakintalan."

Narito ang mga elemento ng maikling kuwento:

1. Banghay-Ang maayos at wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

2. Paningin- Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat maglahad
ng mga pangyayaring

makikita at maririnig niya

3. Suliranin (Problem)- Ang problemang kinakaharap ng pangunahing tauhan at ang kalutasan nito sa
katapusan ng akda

4. Paksang-diwa (Theme)-Ito ang pang-isiping iniikutan ng mga pangyayari sa akda. Noong una, ang diwa
ay nangangahulugan ng moral lesson subalit ngayon iyon ay walang ibig sabihin kundi ang mahalagang
pang-isipin ng akda (significant idea).

5. Himig (Mood)-- Ito ay tumutukoy sa kulay ng damdamin. Ang himig ay maaaring mapanudyo,
mapagpatawa, at iba pang

magpapahiwatig ng kulay ng kalikasang damdamin.

6. Salitaan (Dialogue)- Ang usapan ng mga tauhan. Kailangang ang

diyalogo ay magawang natural at hindi artipisyal

7. Pagtutunggali (Conflict)- Ito ang paglalaban ng pangurńahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na
maaaring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.

8. Kakalasan (Disentangle)- Ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

9. Kasukdulan (Climax)- Ito ang pinakamataas na uri ng pananabik. Sa bahaging ito ng akda humigit-
kumulang malalaman na kung nagtatagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa
kanyang suliranin.

10 Galaw (Action)-Tumutukoy ito sa paglakad o pag-unlad ng kuwento mula sa pagkakalahad ng


suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

You might also like