Q3_LE_GMRC 4_Lesson 5_Week 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

4

Modelong Banghay- Kuwarter 3


Aralin

Aralin sa GMRC 5

IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM


Modelong Banghay Aralin sa GMRC 4
Kuwarter 3: Aralin 5 (Linggo 6)
TP 2024-2025

Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa implementasyon ng MATATAG K to
10 Curriculum sa taong panuruang 2024-2025. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at
mga kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o
paggamit ng materyal na ito labas sa itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na
mga mga legal na hakbang at kaparusahan.

Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-
aring iyon.

Mga Tagabuo

Manunulat:
 Ethel Ronquillo-Burgos (Silliman University)
Tagasuri:
 Liza T. Bacierra (Leyte Normal University)

Mga Tagapamahala

Philippine Normal University


Research Institute for Teacher
Quality SiMMER National
Research Centre

Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o
puna, maaari pong sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng
pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa blr.od.@deped.gov.ph.
GMRC / KUWARTER 3 / BAITANG 4
I. NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN

A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran
katuwang ang kapuwa upang makaiwas sa mga sakit.

B. Mga Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan katuwang ang
kapuwa upang makaiwas sa mga sakit bilang tanda ng pagiging malinis.

C. Mga Kasanayan at Layuning Naipakikita ang pagiging malinis sa pamamagitan ng pagtupad sa mga nakatakdang
Pampagkatuto gawain ng paglilinis sa sariling tahanan at paaralan.
1. Natutukoy ang mga situwasyon at paraan ng pagpapanatili ng kalinisan sa
kapaligiran katuwang ang kapuwa.
2. Napatutunayan na ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran katuwang ang
kapuwa upang makaiwas sa mga sakit ay bahagi ng tungkuling pangalagaan ang
sarili, ibang tao, at kapaligiran tungo sa malusog na katawan at isip.
3. Nailalapat ang mga paraan ng pagpapanatili ng kalinisan katuwang ang kapuwa
upang makaiwas sa mga sakit.

D. Nilalaman Pagpapanatili ng Kalinisan sa Kapaligiran Katuwang ang Kapuwa upang Makaiwas sa


mga Sakit.
1. Mga Sanhi o mga Bagay na Nag-Uudyok sa Pagpapanatili ng Kalinisan ng Kapaligiran
2. Kahalagahan ng Pagpapanatili ng Kalinisan ng Kapaligiran

E. Integrasyon Environment: Kalinisan ng kapaligiran


Science: Mga Pamamaraan ng Pag-iwas ng sakit at pagpapanatili ng kalinisan

II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO

Del Castillo, F. A. (2013). Teaching Values Using Creative Strategies. Quezon City: Great Books Publishing
Department of Education (n.d.). MATATAG Curriculum: Good Manners and Right Conduct (GMRC) (Baitang 1-6) Values Education (VE)
(Baitang 7-10)
Edwin Quismundo - Kuwentong Aray 1990. (n.d.). SoundCloud. https://soundcloud.com/edwin_quismundo/edwin-quismundo-kuwentong-
aray-alpha-1990

1
Ponchaisang, S. (n.d.). Cute asian child girl throwing plastic glass in recycling trash. Dreamstime. https://www.dreamstime.com/cute-asian-
child-girl-throwing-plastic-glass-recycling-trash-bin-public-park-image127258215
Two kids sweeping leaves Park Illustration Stock Vector (Royalty Free) 657878998 | Shutterstock. (n.d.). Shutterstock.
https://www.shutterstock.com/image-vector/two-kids-sweeping-leaves-park-illustration-657878998
The 5 R’s: Refuse, reduce, reuse, Repurpose, recycle. (n.d.). https://www.roadrunnerwm.com/blog/the-5-rs-of-waste-recycling
Villanueva, V. M. (2018). #ABKD (AKO BIBOKASE DAPAT). Makati City: VMV11483 Book Publishing House
What motivates people to protect nature? | 5 Answers from Research papers. (n.d.). SciSpace - Question. https://typeset.io/questions/what-
motivates-people-to-protect-nature-3hznzfwxh4

III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA sa GURO

A. Pagkuha ng UNANG ARAW Ang pagbabalik-tanaw na gawain


Dating ay naglalayong matulungan ang
Kaalaman Pansimulang Gawain mga mag-aaral na maunawaan ang
kahalagahan ng pagiging
#BALIK-TANAW. Pundasyon ang Nakaraan sa Matatag at Matibay na mapagkumbaba. Ang aktibidad na
ito ay nagbibigay ng feedback sa
Patutunguhan
guro upang malaman kung
naintindihan ng mag-aaral ang
Sagutin ang sumusunod na mga tanong: mga aral at mensahe ng nakaraang
aralin.
1. Ikaw ba ay mapagkumbaba? Oo o hindi? Kung oo ang sagot, sagutin ang
pangalawang tanong gamit ang mapa ng kaalaman. Kung hindi, ipaliwanag kung Hikayatin ang mag-aaral na
bakit? sagutin ang mapa ng kaalaman. Sa
gawaing ito masusukat ang
#MAPA NG KAALAMAN. Lokasyon ng Kabatiran, Pook na Dapat Puntahan kaalaman kung taglay ba o kung
tunay na naipatupad o naisabuhay
ng mag-aaral ang mga aral sa
kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
2. Paano mo
maipapakita na ikaw Mga posibleng sagot sa tanong
ay mapagkumbaba?
#2: Paano mo maipapakita na ikaw
ay mapagkumbaba?
1.Kapag nagkakamali, handang
aminin ito at magpakita ng

2
pagsisisi nang walang kahit anong
3. Bakit kailangan nating maging mapagkumbaba sa ating kapuwa? palusot.
2. Iwasan ang pagyayabang at
pagmamataas sa sarili. Ituring ang
lahat ng tao ng pantay-pantay.
3. Makinig ng buong puso sa
opinyon at saloobin ng iba, at
ipakita ang pagpapahalaga sa
kanilang perspektiba.

B. Paglalahad ng Panghikayat na Gawain Gawain: KANTA-SURI


Layunin
KANTA-SURI. Ang Kanta-Suri ay isang
proseso ng masusing pagsusuri
1. Ipakilala ang kantang “Kuwentong Aray” ni Edwin Quismundo sa klase sa o pag-aaral ng iba't ibang
pamamagitan ng isang video o kaya ay awitin ito kasama ang buong klase. aspekto ng isang kanta.
Karaniwang kasama dito ang
Kanta: Kwentong Aray ni Edwin Quismundo pagtukoy sa mga elemento
tulad ng lyrics, melodiya, tono,
Minsang ako'y naglalakad sa may tabing-dagat, ritmo, estruktura, at iba pang
Ako ay may nakitang alimangong umiiyak. bahagi ng musika upang
Itinanong ko kung bakit, ako ay biglang binatukan, maunawaan ang kabuoang
Wika'y, “Nagtatanong ka pa, taong tampalasan!” mensahe o kahulugan ng
“Nilalapastangan ninyo ang dagat,
kanta.
Inaabusong walang sawa't walang puknat!
Sa gawaing ito, susuriin ng
Tinatapunan ninyo ng duming nakalalason,
Dapat kayo ay sipitin ang ilong!”
mag-aaral ang mensahe ng
liriko o mga salita ng kanta.
“Aray! Aray!” ang sabi ko, “Pare kong alimango,
Ako ay walang nalalaman sa sinasabi mo.
Mga posibleng kaalaman na
Sino ang umabuso? Sino ang lumapastangan? mabubuo ng bawat pangkat:
Wala naman akong kasalanan! Aray! Aray!
Pangkat 1: Mga isyu o
Kahapon ng hapon naman ay nasalubong ko, problema ng karagatan o tubig
Baboy-damong matutulis ang pangil at kuko.
Wala na raw siyang matirhang gubat sa kabundukan,
Pangkat 2: Mga isyu o
Wala na rin daw makain, kaya siya nagkandaduling-duling. problema ng kagubatan o lupa

3
“Bakit mga gubat ay inubos ninyo?” Pangkat 3: Mga isyu o
Galit na wika ng baboy-damo. problema ng hangin
Sa takot, ako'y tumakbong ubod-bilis.
Habol ako ng pangil niyang matulis!

“Aray! Aray!” ang sabi ko, “Pare kong baboy-damo.


Ako ay walang nalalaman sa sinasabi mo.
Naubos ang gubat? Bakit sa'kin ibibintang?
Wala naman ako'ng kasalanan! Aray! Aray! Aray!

Kaninang tanghali, pagdungaw ko sa bintana,


Ako ay may natanaw na kilyawang namumutla.
Lumipad at dumapo sa balikat ko, bumulong sa'kin:
“Iba na ang simoy ng hangin, hindi mo ba napapansin?”

“Ang singaw ng himpapawid ngayon,


Umiinit at parang amoy karbon.
At ang tubig ulan kong nainom,
May lasang asido, bakit gano'n?”

“Aray! Aray!” Ang tenga ko'y biglang tinuka ng kilyawan!


Wika'y, “Kayo ang sumisira sa sandaigdigan!”
“Aray! Aray!” sabi ko'y, “Wala naman akong kasalanan.”
“Sa asido at karbon, ano'ng aking kinalaman?”
“Aray, aray! Aray, aray! Aray, aray!”

2. Ibigay ang gabay na mga tanong para sa mga grupo:


● Ano ang mga mensahe na nais iparating ng may-akda?
● Anong uri ng mga problema ang ipinakita sa kanta?
● Sa mga problemang binanggit sa kanta, ano anong mga posibleng sakit ang
maaaring maranasan ng mga tao?
3. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Masusing suriin ang iba't-ibang bahagi ng
kantang “Kuwentong Aray” ni Edwin Quismundo upang maunawaan ang mensahe
nito.

Unang Pangkat: liriko 1 hanggang 3


Ikalawang Pangkat: liriko 4 hanggang 6
Ikatlong Pangkat: liriko 7 hanggang 9

4
#SURINAWA. Pagsusuri at Pag-unawa, Marapat Pagtagpuin at Hindi
Paghiwalayin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-anong mga aral ang iyong natutuhan sa kantang “Kuwentong Aray?”
2. Bakit kinakailangang mamulat ang isipan natin sa ganitong mga isyu o
problema?
3. Paano ka makatutulong sa mga isyu o problemang ito?

2. Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin


Ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran katuwang ang kapuwa upang makaiwas
sa mga sakit ay mahalaga sa pangkalahatan na kalusugan ng tao. Ang malinis na
kapaligiran ay nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga mikrobyo at pathogen na
maaaring maging sanhi ng iba't ibang uri ng sakit. Ang kalinisan sa kapaligiran ay
hindi lamang para sa sariling kalusugan kundi pati na rin para sa kalusugan ng iba at
sa pangkalahatang kalusugan ng komunidad. Sa kabuoan, ang pagpapanatili ng
kalinisan sa kapaligiran ay isang pangunahing hakbang sa pagpapabuti ng kalusugan
ng tao at pagpapalaganap ng mas maayos na pamumuhay sa komunidad.

KWL Tsart. Punan o sagutan lamang ang una at ikalawang hanay ng dayagram.

Tema: Pagpapanatili ng Kalinisan sa Kapaligiran Gawain: KWL Tsart


Ang layunin ng KWL tsart ay
Alam ko Nais kong Matutuhan Natutuhan ko
para maihanda ang mag-aaral
(What I Know) (What I Want to Know) (What I Learned)
sa mga impormasyon na alam
na niya, kailangan pa niyang
malaman, at upang maihanda
siya sa panibagong aralin o
paksa.

5
C. Paglinang at IKALAWANG ARAW Kaugnay na Paksa 1
Pagpapalalim Ang layunin ng paksang ito ay
Kaugnay na Paksa 1: Mga Sanhi o mga Bagay na Nag-Uudyok sa Pagpapanatili
ng Kalinisan ng Kapaligiran upang matukoy ng mag-aaral
ang mga sanhi o mga bagay na
1. Pagproseso ng Pag-unawa nag-uudyok sa pagpapanatili
ng kalinisan ng kapaligiran.
Ang mga tao ay nahihikayat na alagaan ang kalikasan sa iba't ibang dahilan. May Maaaring dagdagan pa ang mga
iba't-ibang aspekto ng buhay na nag-uudyok sa mga tao na makiisa sa sanhi ayon sa pagbabahagi ng
pangangalaga ng kalikasan: iba’t-ibang karanasan.
a. Ang pangangalaga sa sariling kalusugan na umiwas sa anumang sakit at
kalusugan ng komunidad ay nag-uudyok sa mga tao na panatilihin ang
kalinisan ng kapaligiran na nagbibigay ng malinis na hangin at tubig.
b. Etikal na responsibilidad sa kalikasan at ang moral na prinsipyo ng paggalang
dito ay maaaring maging motibasyon ng mga tao na alagaan ito.
c. Trahedya at walang tiyak o kasiguraduhan na pagtingin o pananaw sa kalikasan
ay maaaring magdulot ng mas mabuting pag-unawa at mas malalim na
pagpapahalaga, na nagtutulak sa mga indibidwal na alagaan ito. Dahil na rin sa
panganib ng kalamidad, ang pangangalaga sa kalikasan ay nagiging prayoridad
dahil sa pangangailangan na maiwasan ang panganib ng kalamidad tulad ng
pagbaha at pagguho ng lupa.
d. Ang pag-unawa sa sosyal na responsibilidad at papel ng bawat isa sa
pangangalaga sa kalikasan ay nagbibigay inspirasyon sa kolektibong pagkilos.
e. Ang mga programa at kampanya para sa edukasyon sa kalikasan ay naglalagay
diin sa kahalagahan ng kalinisan ng kapaligiran.
f. Ang paggamit ng teknolohiya, tulad ng mga aplikasyon para sa pagre-report ng
environmental issues, ay nagpapadali sa pakikipagtulungan ng komunidad sa
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran.
g. Ang kagandahan at linis ng kapaligiran ay nagbibigay inspirasyon sa mga tao na
panatilihin ito para sa mas magandang tanawin at karanasan.

2. Pinatnubayang Pagsasanay

SURI-SARILI. Suriin ang sarili ayon sa iyong karanasan kung ang mga
SURI-SARILI
sumusunod na situwasyon ay ginagawa mo o hindi at ipaliwanag ang dahilan kung
bakit. Ang gawain na ito ay
naglalayong matukoy at
maintindihan ng mag-aaral ang

6
SITUWASYON OO HIN- DAHILAN kahalagahan ng kalinisan sa
DI pamamagitan ng sariling
1. Gumagamit ba ako ng mga reusable na bag, pagsusuri.
lalagyan, at bote ng tubig upang mabawasan
ang paggamit ng single-use plastics? Paalala: Ang mga sagot ng mag-
2. Pinapatay ko ba ang ilaw, appliances, at aaral sa gawaing ito ay
electronics kapag hindi ginagamit? magkakaiba depende sa
3. Naliligo ba ako ng mas maikli at pinapatay
ang gripo habang nagsisipilyo ng ngipin? karanasan ng bawat isa.
4. Gumagamit ba ako ng pampublikong Kinakailangan bigyan ng
transportasyon, mag-carpool, o mag-bike para paalala ang mag-aaral na
mabawasan ang carbon emissions at para respetuhin ang sagot o opinion
makatipid?
ng bawat isa.
5. Tinatanggihan ko ba ang paggamit ng single-
use plastic bags, straw, at kubyertos?
6. Sumusunod ba ako sa patakaran ng aming
paaralan sa tamang pangangalaga ng kalinisan
tulad ng wastong pagtapon ng basura at pagsali
sa mga gawaing pangkalinisan?
7. May kaalaman ba ako tungkol sa mga isyu sa
kalikasan?
8. Sumasali ba ako na mag-organisa ng mga
lokal na paglilinis upang matulungan ang
komunidad na maging malinis?
9. Nagbibigay ba ako ng mga lumang damit sa
halip na itapon ito?
10. Naglilinis ba ako ng aking tahanan kasama
ang aking pamilya upang umiwas sa anumang
sakit?

3. Paglalapat at Pag-uugnay

#SURINAWA. Pagsusuri at Pag-unawa, Marapat Pagtagpuin at Hindi


Paghiwalayin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Bakit mahalagang matutuhan ang sanhi o mga bagay na nag-uudyok sa
pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran?

2. Magbigay ng isang makabuluhang aral na iyong natutuhan sa paksang ito.

7
IKATLONG ARAW
Kaugnay na Paksa 2: Kahalagahan ng Pagpapanatili ng Kalinisan ng Kapaligiran

1. Pagproseso ng Pag-unawa

Ang kalinisan ng ating tahanan ay tunay na konektado sa kaligayahan at kagalingan


ng ating pamilya. Ito ay nakakaapekto sa ating mga relasyon, kalusugan sa isip, at
kabuoang kalidad ng buhay. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng kalinisan bilang
isang halaga o values ng pamilya, pagsasama-sama ng lahat sa mga gawain ng
paglilinis, at paglikha ng isang payapa at maayos na tahanan – maaari nating
gamitin ang positibong epekto ng kalinisan upang palakasin ang mga ugnayan sa
pamilya at itaguyod ang isang mas masaya at mas maayos na buhay pamilya. Ang
kalinisan ay hindi lamang tungkol sa pag-aayos ng mga bagay, ito ay nagpapalakas
sa puso ng kaligayahan ng ating pamilya. Kaugnay na Paksa 2
Ang paksang ito ay naglalayon
1. Ang isang malinis at maayos na tahanan ay nakakapagbaba ng antas ng stress na maunawaan ng mag-aaral
para sa lahat ng miyembro ng pamilya. Ang resulta ay isang mas mapayapang ang kahalagahan ng
atmospera kung saan ang lahat ay maaaring magpahinga at magkaugnay nang pagpapanatili ng kalinisan ng
hindi naaapektuhan ng gulo. kapaligiran. Ang kahalagahang
ito ay hindi lamang pansarili
2. Ang paglilinis at pag-organisa ay maaaring maging isang aktibidad ng pamilya na kundi para sa kapakanan ng
nagtataguyod ng pagkakaisa. Kapag lahat ay nagtutulungan, lumilikha ito ng pangkalahatan.
pakiramdam ng pagsasalo-salo at tagumpay. Ang mga pamilyang naglilinis nang
magkasama ay madalas na nag-uulat ng mas matibay na mga pagsasama at mas
bukas na komunikasyon.

3. Ang pagsasama ng mga bata sa mga gawain ng paglilinis ay nagtuturo sa kanila


ng mahahalagang kakayahan sa buhay o life skills at ng pakiramdam ng
responsibilidad. Natututo silang magpanatili ng isang tahanan, mag-ambag sa
pamilya, at ipagmalaki ang kanilang mga pagsisikap. Ang mga aral na ito ay malayo
ang mararating sa kanilang personal na pag-unlad.

2. Pinatnubayang Pagsasanay

ANO-BAKIT. Suriin ang ipinapakita ng bawat larawan. Alamin kung ano ang
ginagawa at kung bakit ito ginagawa.

8
ANO-BAKIT
Sa gawaing ito, maipapamalas
Ano:
ng mag-aaral ang mga
kadahilanan at sanhi na nag-
Bakit: uudyok na mapanatili ang
kalinisan ng kapaligiran.
Halimbawa:
1. Ano: Pagtapon ng basura sa
tamang lalagyan
Ano: Bakit: Ginagawa ito para hindi
magkalat ang dumi sa paligid
at para na rin ma- recycle ang
mga basurang puwede pang
Bakit: magamit. Ito ay isa sa mga
maaambag natin sa pag-iingat
natin sa kalikasan upang
maiwasan ang polusyon sa
hangin, dagat, at iba pa na
Ano: maaaring magdulot ng
napakaraming sakit.
2. Ano: Pagtatanim ng puno
Bakit: Bakit: Makakatulong itong
magbigay ng sariwang hangin
at pagpigil sa mga landslides at
baha.
3. Ano: Paggamit ng
bisikleta sa pagpunta sa
Ano: paaralan
Bakit: Ito ay isang
alternatibong transportasyon
Bakit: na hindi nagdudulot ng
polusyon sa hangin na
maaaring magdulot ng sakit sa
atin.

9
4. Ano: Coastal Clean-up
Bakit: Ang pamamaraan na ito
ay nakakatulong sa kalinisan
Ano: ng karagatan at iba pang anyo
ng tubig.
5. Ano: Paglilinis o pagwawalis
Bakit: Bakit: Ito ay makakatulong sa
pag-iwas ng sakit upang
maganda at malinis tingnan
ang paligid.

3. Paglalapat at Pag-uugnay

#SURINAWA. Pagsusuri at Pag-unawa, Marapat Pagtagpuin at Hindi


Paghiwalayin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran?

2. Sa ngayon, ano ang iyong tungkulin sa pamilya na napanatili mong gampanan?

D. Paglalahat IKAAPAT NA ARAW


1. Pabaong Pagkatuto

Kumpletuhin ang Pangungusap.

1. Para sa akin, ang pagpapanatili sa kalinisan ng ating kapaligiran ay

2. Ang pagpapahalaga sa kalinisan ay dapat gampanan ng bawat isa dahil

2. Pagninilay sa Pagkatuto

10
Gawain: #DYORNAL. Ibahagi ang Detalye ng Sarili at Saysay ng Pangyayari
Sumulat ng personal na reaksyon, opinyon, o suhestiyon sa pinag-aralang paksa.
Gawin ang gabay na ito sa pagsusulat ng iyong dyornal:

Unang talata – Maikling buod ng iyong natutuhan mula sa aralin.


Ikalawang talata – Batay sa iyong mga natutuhan, paano ito nakakaapekto sa
iyong pag-iisip, damdamin, o pananaw bilang isang mag-aaral?

IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA sa GURO

A. Pagtataya 1. Pagsusulit Mga tamang sagot:


Tama o Mali: Bilugan ang "T" kung Tama at "M" kung Mali. (1 punto bawat 1. T
tanong). 2. T
1. [T/M] Ang kakulangan ng impormasyon sa tamang pagtapon ng basura ay 3. T
isa sa mga dahilan ng maruming kapaligiran. 4. M
2. [T/M] Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na alagaan ang kalikasan. 5. T
3. [T/M] Ang simpleng pag-aalaga sa ating sarili ay nakakatulong upang
mapangalagaan ang ating kapaligiran.
4. [T/M] Hindi natin kailangan ang isa’t-isa para mapanatili ang kalinisan ng
ating kapaligiran.
5. [T/M] Ang paggawa ng ating mga tungkulin tulad ng paglilinis ay nagtuturo
sa atin ng mahahalagang kakayahan sa buhay o life skills.

Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin

KWL Tsart. Balikan ang gawain sa KWL tsart at sagutan ang ikatlong hanay
“Natutuhan ko.”

Tema: Pagpapanatili ng Kalinisan sa Kapaligiran

Alam ko Nais kong Matutuhan Natutuhan ko


(What I Know) (What I Want to Know) (What I Learned)

11
B. Pagbuo ng Itala ang naobserhan sa
Problemang Naranasan at
Ang bahaging ito ay oportunidad ng
Anotasyon pagtuturo sa alinmang Epektibong Pamamaraan guro na maitala ang mga mahalagang
Iba pang Usapin obserbasyon kaugnay ng naging
sumusunod na bahagi.
pagtuturo. Dito idodokumento ang
Estratehiya naging karanasan mula sa namasdang
ginamit na estratehiya, kagamitang
Kagamitan panturo, pakikisangkot ng mga mag-
aaral, at iba pa. maaaring tala rin ang
bahaging ito sa dapat maisagawa o
Pakikilahok ng mga
maipagpatuloy sa susunod na
Mag-aaral pagtuturo.
At iba pa

C. Pagninilay Gabay sa Pagninilay: Ang bahaging ito ay patnubay sa guro


▪ Prinsipyo sa pagtuturo para sa pagninilay. Ang mga maitatala
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? sa bahaging ito ay input para sa
gawain sa LAC na maaaring maging
Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?
sentro ang pagbabahagi ng mga
▪ Mag-aaral magagandang gawain, pagtalakay sa
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin? mga naging isyu at problema sa
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral? pagtuturo, at ang inaasahang mga
▪ Pagtanaw sa Inaasahan hamon. Ang mga gabay na tanong ay
Ano ang aking nagawang kakaiba? maaring mailagay sa bahaging ito.
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?

12

You might also like