Antas NG Pang-Uri
Antas NG Pang-Uri
Antas NG Pang-Uri
CRISTINA D. DAMASCO
Nakakita na ba kayo ng sisiw,
lawin at uwang?
Anu-anong mga hayop ang nakita mo sa larawan?
Ang Lawin, ang Sisiw, at ang Uwang
Magaganda ang ibon. Higit silang maganda kaysa
sa ibang uri ng mga hayop na lumilipad. Ang
pagmamasid sa kanila ay nakalilibang at
nakapapawi ng mga suliranin. Maraming uri ang
mga ibon. Sari-sari ang kanilang anyo, kulay at
laki. May mga ibong maliit. Mayroon ding malaki.
Ang lawin ang pinakamalaki sa mga pang-
karaniwang ibong nakikita natin sa paligid.
Higit na malaki ang lawin kaysa sa pipit. Ang lawin ay lalong kilala bilang
hari ng mga ibon. Mahilig siyang mandagit ng mga sisiw.
Isang araw, habang naglalaro ang mga inakay ng isang inahing manok,
isa sa kanila ang napahiwalay sa kanyang mga kasamahan. Malakas ang siyap
ng sisiw sa paghanap sa kanyang mga kapatid. Higit na malakas ang siyap ng
inahin sa pagtawag sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, lalong napalayo ang
naligaw na sisiw sa kanyang mga kasamahan. Sa kanyang pag-iyak, narinig
siya ng lawin. Nabighani ito sa kanyang huni at nang mapansin nitong nag-iisa
lamang ang sisiw, dali-dali niya itong tinugis. Nakita naman agad ng sisiw ang
lawin kaya matulin itong nagtago sa isang butas na tinitirhan ng isang maliit na
uwang. Kahit maliit ang uwang, siya ay kasintapang din ng lawin. Nang makita
niya ang balak gawin ng lawin,agad niyang pinakiusapan ito na huwag sanang
saktan ang kaawaawang sisiw.
“Huwag mo sanang saktan ang sisiw. Higit na mahina siya kaysa sa
iyo,” sabi ng uwang. Ngunit nagalit pa sa kanya ang lawin. Ang sabi nito,
“Magagawa kong lahat ang gusto ko sapagkat ako ang hari ng mga ibon. Ako
ang pinakamakapangyarihan sa lahat.”
“Ikaw nga. Ngunit hindi mo ba alam na maaaring magkaroon ka rin ng
katapat sa iyong mga kasamaan?” sagot ng uwang. “May higit na malakas,
matapang, at makapangyarihan kaysa sa iyo.”Nagalit ang lawin sa sinabi ng
uwang. Bigla niya itong tinabig kgasabay ng pagdukot sa takut na takot na
sisiw na nasa taguan. Ginamit ng lawin ang matutulis niyang kuko sa pagsaklot
sa sisiw. Kanya itong inilipad sa kanyang pugad. Sa ginawang ito ng lawin,
nagalit din ang uwang. Sinundan ng uwang ang lawin upang alamin kung saan
ito tumitigil. Nakita naman ng uwang ang pugad ng lawin at sinagip ang takut
na takot na sisiw.
Tanong:
1. Paano pinaghambing ang lawin at ang uwang?
2. Paano naman pinaghambing ang lawin at ang sisiw?
3. Paano naman inihambing ng lawin ang kanyang sarili sa
iba?
4. Paano inihambing ang ibon sa ibang uri ng hayop na
lumilipad?
5. Kung ikaw ang pagpipiliin, alin ang gusto mong maging
katulad, ang lawin o ang uwang? Ipaliwanag.
Narito ang mga pangungusap na hango sa pabulang
iyong binasa.
A. Malakas ang siyap ng sisiw sa paghanap sa kanyang mga
kapatid.
B. 1. Higit na malakas ang siyap ng inahin sa pagtawag sa
anak.
2. Ang uwang ay kasintapang din ng lawin.
C. Ang lawin ang pinakamalaki sa mga pangkaraniwang
ibong makikita natin sa paligid.
- Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
pang-uri
Ano ang pang-uri?
Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan
sa pangngalan o panghalip?
- Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan.
Ang pang-uri ay nasa antas lantay kung iisang tao, bagay,
hayop o pook ang inilalarawan.