Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8
Globalisasyon
Ito ay proseso ng mabilisang pagdaloy o
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. (Ritzer, 2011) Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. •Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim’ • ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang intergrasiyon o pagsasanib ng iba’t ibang prosesong pandaigdig. Ngunit hindi nangyayari ito sa lahat ng pagkakataon sapagkat may mga pangyayaring nakapagpapabagal nito. • Bakit maituturing itong isang isyu? Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na matagal nang naitatag. • Perennial institutions ang pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananatili pa rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito limang perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon • Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay •Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap. •Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon • itinampok ni Therborn na ang globalisasyon ay hindi isang bagong penomenon o pangyayari at hindi rin siklo •Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming pinag-ugatan ang globalisasyon •Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika- 20 siglo