Kabanata Ii

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA II

KAUGNAY NA PANITIKAN AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng pag-aaral at mga artikulo na nakalap


sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at pagresearch sa internet na may kaugnayan sa
napiling paksa na makakatulong upang lalong mas maunawaan ang ginawag pananaliksik.

KAUGNAY NA PANITIKAN LOKAL

Dahil sa lumalalang kahirapan sa bansa, ang mga tao ay patuloy na naghahanap ng


solusyon sa kahirapan, isa sa solusyon ay ang pagkakaroon ng edukasyon na ito kanilang
magiging daan upang makapagtapos ng pag-aara, magkaroon ng maayos na trabaho, at
magkaroon ng sahod.

Bawat mag-aaral ay may ninanais na kunin na kurso, karamihan sa kanilang


kinukuhang kurso ay ang mga in-demand na kurso katulad ng nurse, guro, agriculture and related
fields, engineering, at information technology, ito ang napili nilang mga kurso dahil sa malaki
ang pasahod nito.

Ngunit isa sa mga problema na balakid sa kanilang pag-aaral ay ang kawalan ng


offer o available na kurso sa kani-kanilang mga lugar kaya napipilitan silang lumipat ng paaralan
upang doon makakuha ng kanilang nais na kurso at makapagtapos.

KAUGNAY NA PANITIKAN DAYUHAN

Sa panahon ng globalisasyon, ang internasyunalisasyun ng mas mataas na


edukasyon ay dumarami, dahil dito, mas marami pang mag-aaral ang naghahangad ng mas
mataas na edukasyon sa mga industriyalisadong bansa o maunlad na bansa at maka-access ng
edukasyon dito. Ito ay madalas na paglipat sa lungsod sa lungsod para sap ag-aaral sa kolehiyo.
Ang mga sentro ng lungsod ay madalas na nag-aalok ng mas mahusay na mga pagkakataon sa
pag-aaral kaya ang mga mag-aaral ay lilipat mula sa kanilang mga lugar patungo sa lungsod
upang makapag-aral sa mga mahuhusay at magagandang paaralan o unibersidad.
KAUGNAY NA PAG-AARAL LOKAL

Ang migrasyon sa kulturang Pilipino ay nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga


mamamayang taga baryo patungong lungsod. Ang mga anak ay dumadayo sa lungsod upang
makapag-aral sa mas mataas na paaralan o maging sa mga kolehiyo, hanggang doon na rin
makapagtrabaho. Gayundin ang ilan sa mga magulang na lalaki ay nangingibang bayan upang
makahanap ng trabaho na may mataas na suweldo. Ang ganitong sitwasyon ay magpapatuloy at
magsasalin-lahi. Sa pag-usad ng makabagong panahon, naging mas malawak ang saklaw ng
pagdayo at paglalakbay ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar at bansa. Maging ang kanilang
dahilan sa paglakbay ay lumawig din ang saklaw.

Ang mga aspekto na nagtutulak sa kagustuhang mag-migrasyon sa ibang bansa ng


mga Pilipino ay may iba’t ibang dahilan.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) 1991, ang mga


karaniwang dahilan ay mataas na antas na pamumuhay, kakulangan ng oportunidad na
makapagtrabaho, at kagustuhang makapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Hindi maikakaila ang mga nagiging epekto ng migrasyon sa katatagan at


pangkultural na pananaw natin sa pamilyang Pilipino. At ito ay dulot ng kahirapan, mababang
sweldo, kakulangan ng trabaho, at pagkakaroon ng kakulangan sa materyales, guro, at kurso sa
kanilang lugar na siyang patuloy na dahilan upang mangibang lugar o bansa ang mga Pilipino.

KAUGNAY NA PAG-AARAL DAYUHAN

Maging sa ibang bansa ay isa rin sa kanilang pangunahing problema ay ang


kakulangan sa edukasyon. Kahit sa mga mauunlad na bansa, ay kanila ring pino-problema ang
kawalan ng edukasyon.

Batay sa estadistika, dumarami ang mga Koreans na pumupunta sa Pilipinas upang


mag-aaral ng kolehiyo. Partikular sa mga lugar na kanilang pinupuntahan ang lungsod ng Baguio,
Manila, at Cebu.

Ayon sa Soroptimist International (1994), isang pandaigdigang pibadong


organisasyon, ang nagpahayag na ang pinakapangunahing dahilan ng mga Overseas Contract
Workers (OCWs) ay ang edukasyon ng mga anak (80.7%). Ang mga iba pang kadahilanan ay
may kinalama sa panghanapbuhay na aspekto, mas mataas na sahod (63.3%) makabili ng bahay
at lupa (50.0%), pambayad ng mga utang (31.3%), para sa pangkapital sa negosyo (29.3%),
makabili at makapundar ng mga ari-arian (17.3%) at iba pang pang-ekonomikal na
pangangailangan (22.0%).
Ang mga kadahilanang ito ang patuloy na nagiging matibay na dahilan upang ang
migrasyon ay lumawig at maging isang panlipunang pangyayari o ganapin.

At kung ating titignan, mas malala pa ang problema na kanilang kinakaharap sa


ibang bansa na tumutukoy sa edukasyon kaysa sa ating bansa.

You might also like