Kabanata 3&4

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

TALASALITAAN

Madla – sambayanan
Sundang – maikling
patalim na may tulis ang
dulo
Marikit – maganda,
marilag
KABANATA III

Si Adolfo
Ang apoy ng paghihiganti ay unti-unting
tumutupok sa mainggiting puso ni Adolfo.
Kung baga sa sugat ay malubha na ang
pagnanaknak ng loob.
Ang kadahilanan ng mga iyan ay ang
pagkaguho ng kaniyang matayog na
hangaring siya’y tanghalin at panganinuhan
sa buong Atenas.
Ang kanyang katanyagan ay biglang pinawi
ng isang talang higit na maningning at
makapangyarihan ang liwanag.
PAGHIHIGANTI!
-Ang salitang malimit na bigkasin ni
Adolfo.Binibigkas niya sa sarili na may
pagtatangis ng ngipin.
Ang lintik lamang ang hindi
mapaghihigantian.”Isa sa amin ni
Florante ay dapat na salubunging
bangkay sa Albanya.”
Ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng
kasayahan.Sa araw na yaon ay magdaraos
sila ng iba’t ibang kasiyahan.
Tulong-tulong ang lahat.Hati-hati sa hirap at
baha-bahagi sa kaligayahan. Ilang araw rin
ang naging kaabalahan ng madla.Sina
Florante, Menandro at Adolfo ang mga
tauhang gaganap sa marikit na dula.

GABI.
Sa kinabukasan ay siyang pagdating ng araw
na kanilang inaasam-asam. Ang araw na
pagbubuhusan ng kasayahan.
 Habang nananabik ang mga nagsisipag-aral sa
araw ng pagdiriwang, si Adolfo nama’y
ginigiyapis ng matinding pagkabalisa.
 Nakahanda ang isang maningning na pagkakataon
sa kaniyang kaeskuwela , kay Adolfo naman ay
nakalaan ang maitim na talukbong ng kataksilan.
 Hatinggabi na ay hindi pa siya natutulog. Hawak
niya ang isang matulis at matalim na
sundang.Naroon ang kaniyang kasiyahan. Aalisin
na niya ang balat-kayo na matagal niyang
pinagtiyagaang taglayin sa loob ng maraming
araw.
UMAGA
 Naunapa siyang nagbangon sa mga silahis
na humahalik sa likod ng mga bundok na
nagdapa. Anong ganda ng umagang
yaon!

 Datapuwa’tpara sa isang taong natitigib ng


marungis na hangarin, ang gayong kariktan
ay walang bisa at kabuluhan.
 Ang umagang yaon ay simula ng isang mapait na
katotohanan sa kaniyang buhay. Magdiriwang sa
maghapong yaon ang kanilang paaralan.
 Sumapit si Adolfo sa paaralan. Nagkakatipon na
ang lahat. Ang kaniyang mga kamag-aral ay
nagtatanghal ng iba’t ibang palaro.
 Naroon na rin sina Florante at Menandro. Isang
matalim na tingin ang ipinukol ni Florante kay
Menandro.
 Ang awitan at sayawan ay higit pang kinagiliwan
at ang pagtatanghal ng dula ay pinasimulan. Ito’y
isang dulang hinango sa buhay ni Reyna Yokasta.
Si Florante ang tumungkol sa papel ni
Etyokies at si Adolfo naman ang kay
Polinise. Si Menandro ang siyang nag-Reyna
Yokasta at isang kamag-aral ang nag-
Adrasto.
Pag-akyat ng mga tauhan ay umugong ang
palakpakan. Ang pangalan ni Florante ay
inihayag ng buong paaralan.
Ang mga palakpak na yaon ay tila piraso ng
tinggang naglagos sa nag-aapoy na dibdib ni
Adolfo.
 Unang batalya. Sina Florante at Adolfo ang
magsasagupa sa dula. Nagningas ang mga mata ni
Adolfo.Hinugot niya ang sundang sa sadyang
pamatay.
 Sa halip na sabihin ang orihinal na linya na “ Ikaw’y
kumilala’t kapatid mo ako kay Edipong bunga.”
ang sinabi’y “Ikaw na umagaw ng kapurihan ka’y
dapat kang mamatay.”
 Kasabay ng mga katagang iyon ay hinandulong niya
si Florante ng maririing taga. Nagulat si Florante
kaya’t wala siyang nagawa kundi ang umilag upang
maiwasan ang pagsalakay sa kaniya.
Sa kaiiwas ni Florante siya ay napatiya
at hindi naman sinayang ni Adolfo ang
pagkakataon, isang ubos-tigang ang
kaniyang ibinigay.
Subalit ito’y maliksing sinalag ni
Menandro at ang kalis ng buhong ay
napahagis.
Dahil sa nangyari ay natakot ang
madla, ang poot nila ay ganoon na
lamang.
“Bakit? Bakit mo tinangkang
patayin ang inyong kababayan?
Wala kang bait! “ang tanong ni
Antenor kay Adolfo.

“Kailangan kong maghiganti


sapagka’t..”

“A, duwag! Walang puso walang


kaluluwa” sumbat ni Florante.
Dahilsa kahihiyan ay maputlang-
maputlang at ang kanyang buong
katawan ay nanginginig. Humiyaw ang
kanyang mga kasama.

“Mamatay si Adolfo! Palayasin


ang sukab! Ulupong!”

Hindi na nga inabot ng kinabukasan si


Adolfo sa Atenas. Nang araw ding yaon
ay pinauwi siya sa Albanya.
WAKAS NG KABANATA III
TALASALITAAN
nanlumo – nalungkot
kalatas – sulat
katoto – kaibigan
natatalos - nalalaman
KABANATA IV

NAUULILA SI FLORANTE
Ang buong Atenas ay nanggigilalas sa
katampalasanan ni Adolfo. Ang mga
nagsisipag-aral ay labis na nanggipuspos
at si Antenor ay nanlumo nang gayon
lamang.

Nalantad sa buong bayan ang


mapait na lihim ni Adolfo at
ipinagpalagay niyang siya ay bigo.
MGA MENSAHE NI
ANTENOR
“ Nariyan ang isang masamang halimbawa
sa inyo. Tumahak si Adolfo sa madilim na
landas ng buhay. Hinangad niyang
pumatay upang pagbigyan ang inggit at
pangimbulo sa kapwa.” wika ni Antenor.
“Ang mabangong halamanan ng ating
paaralan ay namatayan ng isang
masamang hayop kaya’t tayo’y dapat
magpasalamat at hanggang maaga ay
naitakwil natin ang ulupong na bukas
makalawa ay maaari pang magsabog ng
kakila-kilabot na kamandag.”
“ Ngunit ang buti ay hindi natin ganap na
makikilala kung wala ang sama. Ang mga
yaon ay inilagda sa mga nilalang upang
makita ng tao ang kalooban ni Bathala. Si
San Pablo ang nagsabing kung hindi niya
nabasa ang kautusan ay hindi niya
malalamang ang pananakim ay
kasalanan.”
“Ang pagpapakumbaba ni Florante ay
totoong kahanga-hanga. Hindi ang
karunungan at katalasan ng isip ang
mahalaga sa tao.Ang higit na
makabuluhan ay ang kalinisan ng
budhi, ang katapatan ng puso at ang
kadakilaan ng kaluluwa. “

Napayuko na lamang si Florante habang


siyang binibigyan ng papuri ni Antenor.
Sa kabilang dako, isang buhay ang
iniligtas ni Menandro sa tiyak na
kamatayan. Siya ay isang kaibigang
matapat at marangal.
Tumagos sa puso ng mga nagsisipag-aral
ang mga mensahe ni Antenor.
Pagkamunghi kay Adolfo ang kanilang
nararamdaman at ang habag at
pagmamahal kay Florante ang naging
bantayog sa kanilang dibdib na hindi na
mapapawi ng panahon.
Naiwan pa sa Atenas si Florante upang
hintayin ang pasiya at kalooban ng ama.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.
Kung ano ang bigat ng sumpang iniukol ng
mga taga-Atenas kay Adolfo ay siya
namang bigat ng pagmamahal at pagpuri nila
kay Florante.
Minsan ay tinanong ni Florante kay
Menandro kung paano niya ito
magagantihan.
“ Florante, iwaksi mo sa iyong isip ang
bagay na iyan. Hindi ako ang dapat
mong pasalamatan kundi ang Dakilang
Lumikha.Ang lahat ay utang natin sa
Diyos. Ang iyong katoto ay naging
kasangkapan lamang niya upang
mahayag ang kaniyang pag-ibig sa
atin.” wika ni Menandro.
Dahil sa sinabi ni Menandro ay lalo siyang
naging dakila sa mga mata ni Florante.
Sa kanilang pag-uusap ay biglang sumagi sa
kanilang isipan ang paghihiwalay nila
pagdating ng kapasiyahan ni Duke Briseo.
Ilang malulungkot na araw pa ang lumipas
kay Florante. Lagi niyang naaalala ang
nagdaang pamamaalam nila ng kaniyang
ina. Noon siya ay labing-isang taong gulang
pa lamang at ngayon ay isa na siyang ganap
na binata.
Ang kanilang mga luhang ipinatak dulot ng
kalungkutan ay magiging luha ng
kagalakan sa kaniyang pagbabalik.
Ihahandog niya sa kaniyang ina ang
kaniyang tagumpay.

“ Bibihisan ko ng tuwa ang iyong mga


lungkot. Magtiis ka, Inang, at darating
ng ang iyong bunso.” wika ni Florante
Makalipas ang ilang linggo, isang liham
ang dumating sa kaniya mula sa Albanya.
Sa harap ng kaniyang guro at katotong
Menandro ay buong pananabik na binuksan
ang kalatas.

Nayanig ang buong katauhan ni Florante


nang mabasa ang kalatas. Nanggipuspos
ang kanyang kaluluwa. Nasindak ang
kaniyang puso. Kaysakit ng biro ng
kapalaran.
“O, Bathala! Ibalik mo po ang
aking ina! Ama ko, bakit mo
ako sinulatan pa? Hindi mo ba
nalalamang ito’y punyal sa
aking dibdib? Hindi mo ba
natatalos na ito’y lason sa
aking puso.”
1. Magsalaysay ng isang
karanasan ng pangungulila na
hindi niyo makakalimutan.
Kung kayo ang nasa kalagayan
ni Florante, paano niyo
maiibsan ang inyong
pangungulila?

You might also like