Batas Militar

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

ANG PILIPINAS SA

ILALIM NG BATAS
MILITAR
BATAS MILITAR
ANG BATAS
MARSYAL AT MGA
DAHILAN NG
PAGKADEKLARA
NITO
Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang 1969 ay may
layuning gawing dakilang muli ang Pilipinas. Ang sabi niya: “This nation can be great
again!” Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang
pinasimulan. Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa
reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin
ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan tayo sa iba’t ibang bansa.
SUBALIT… nang muli siyang mahalal noong taong 1969, nagbago ang sistema ng
kanyang pamamalakad. Maraming Pilipino ang nagalit dahil sa pambansang kahirapang
ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang Marcos sa ikalawang
termino nito.
Mga Suliraning Pangkabuhayan

Sa pangalawang termino ni Pangulong Marcos, patuloy na lumaki ang panlabas


na utang ng pamahalaan. Ang mga proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang
niya sa mayayamang bansa.
Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke. Patuloy na
umangkat ang Pamahalaang Marcos, kayat tumaas din ang halaga ng mga bilihin.
Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit
nilapastanganan naman ng mga ito ang ating likas na yaman. Patuloy na yumaman
ang mga kapitalista at patuloy namang naghirap ang mga mahihirap.
Mga Suliraning Panlipunan

Bunga ng mga suliraning pangkabuhayan, nagsimula ang maraming suliranin sa lipunan.


Ang mga mayayaman at mga puilitiko ay nagtatag ng kanikanilang private army. Madali ang
pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang bansa. Habang nangyayari
ito, tumaas ang antas ng krimen sa bansa, marahil dahil sa malayang bilihan ng armas at
lumalagong mga private army.
Samantala, dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa,
nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral. Ang
mga manggagawa at mag-aaral ay halos arawaraw na laman ng lansangan upang mag-rally
o magdemonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang parliaments of the
streets.
Mga Suliraning Pampulitika

Dahilan sa mga nagaganap sa lipunan, dumami ang nawalan ng tiwala sa


pamahalaan at sa mapayapang reporma. Iba’t ibang samahan na may iba’t
ibang simulain ang natatag. Ilan sa mga ito ay ang CPP (Communist Party of
the Philippines), NDF (National Democratic Front), at NPA (New People’s
Army). Mga intelektuwal, mga manggagawa, at mga mag-aaral ang kasapi sa
mga samahang iyon. Ang iba’y namundok at nagplano ng pag-aalsa. Sa
Mindanao, lumala naman ang hidwaang Kristiyano at Muslim at naitatag ang
MNLF (Moro National Liberation Front).
Ang mga rally at demonstrasyon ay naging
magulo. Nagkaroon ng mga paglalaban ng
militante ng demonstrador at militar. Noong Agosto
21, 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog
sa Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na
madalas pagdausan ng mga demonstrasyon.
Dahil sa mga kaguluhan, nilagdaan ni Pangulong
Marcos ang Proklamasyon 889 o pagsuspindi sa
Writ of Habeas Corpus at pagkaputol ng
karapatang dinggin sa hukuman ang mga kaso ng
mga inaaresto ng pamahalaan.
Ang Deklarasyon ng Batas Militar
Dahil sa nabanggit na mga pangyayari, isang
tahasang kasagutan sa nabubuong panganib ang
naging aksyon ng Pangulong Marcos. Noong
Setyembre 21,1972, narinig ang sirena ng pulis sa buong
Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang
magka-kuryente, nawala naman ang mga programa sa
radyo at telebisyon. Nang bumalik ang kuryente, tumambad
sa telebisyon ang larawan ni Pangulong Marcos sa lahat ng
istasyon.
“I signed proclamation No. 1081…” Ito ang mga
katagang kanyang binitiwan. Maraming nag-alala at
natakot sa panig ng mga bumabatikos kay Pangulong
Marcos. Sa isang banda, may mga natuwa rin sapagkat
inaakala nilang mababawasan ang kaguluhan sa
lipunan.
Ang Saligang Batas ng Pilipinas 1935 ang naging batayan ni
Pangulong Marcos sa pagdedeklara ng Batas Marsyal. Sa Artikulo VII,
Seksyon 10 ng Saligang-Batas, nasasaad na: “Ang Pangulo ang
kumandante ng lahat ng sandatahang lakas ng Pilipinas; kailanman at
kakailanganin, maaari niyang tawagan ang sandatahang lakas para
magapi ang mga taong gumagawa ng karahasang labag sa batas
gaya ng pananakop, paghihimagsik o rebelyon. Maaari niyang
suspindihin ang writ of habeas corpus o ilagay ang bansa o alinmang
bahagi nito sa ilalim ng Batas-Militar!”
Sa Pilipinas, malawak ang naging
kapangyarihan ni Pangulong
Marcos. Nagpatuloy siya bilang
Pangulo at kumandante ng lahat
ng militar, at nagpatupad ng
maraming pagbabago.
PANGKATANG GAWAIN
• Pangkat 1: Tugma
• Pangkat 2: Islogan
• Pangkat 3: Isulat ang mga
dahilan sa pagdedeklara
ng Batas Militar
• Pangkat 4: Poster
•Sang – ayon ba kayo sa isang
makatarungan at makatwirang
Batas Militar kung kinakailangan
ito ng bansa? Bigyan ng
katwiran ang iyong kasagutan.
Tandaan:
Ang mga dahilan sa pagkadeklara ng Batas-Marsyal ay
gumugulong sistemang pangkabuhayan, pampulitika at
panlipunan.
Sa ilalim ng Batas-Marsyal o Batas-Militar, may kapangyarihan ang
pangulo bilang kumandante ng lahat ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas upang magapi ang anumang uri ng rebelyon, karahasan o
kaguluhan. Ang Saligang-Batas 1935 ang pinagbatayan ng Martial
Law ni Pangulong Marcos.
Kakaiba ang Batas-Militar na ito dahil tanging ang pangulo at
sundalo ang makapangyarihan. Naging malawak lalo ang
kapangyarihan ng pangulo
Panuto Isulat ang S, kung sang-ayon ka, at HS kung hindi ka sang-
ayon sa pahayag.

_____1. Agosto 23, 1972 ng ipahayag ng Pangulo ang Batas – Militar.


_____2. Makapangyarihan ang mga sundalo at pulis sa panahon ng
Batas-Militar.
_____3. Maraming Pilipino ang sumaya ng ideklara ang Batas-Militar.

_____4. May legal na batayan ang pagpapahayag ng Batas-Militar ng


Pangulong Marcos.
_____5. Lahat halos ng Pangulo ng Pilipinas ay nagdeklara ng Batas-
Militar.
1. HS

2. S
3. HS
4. S
5. HS
Takdang Aralin:
• Magsaliksaik ng ilang mga
larawan kaugnay ng
pagdedeklara ng batas militar sa
Pilipinas. Idikit ito sa typewriting
at bigyan ng paliwanag. Humanda
sa pagbabahagi bukas.

You might also like