Eupemistikong Pahayag Grade 8

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

 

Ang karunungang bayan ay sangay ng


panitikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na
nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Ito ang ginagawang libangan ng ating mga
sinaunang Pilipino. Naging pamana ito ng ating
mga ninuno sa mga sumunod na henerasyon.
 
Ang Eupemismo o Eupemistikong Pahayag ay mga salita o
pahayag na badyang pampalubagloob o pampalumanay
para hindi masakit o masama pakinggan o basahin. Kapalit
ang mga ito sa mga salitang matatalim, masyadong bulgar,
o malaswa. Halimbawa ng eupemismo tungkol
pagkamatay o patay:
Sumakabilang-buhay
Pantay na ang mga paa
Kinuha ng Diyos
Yumao
Pumanaw  
 HALIMBAWA NG  EUPEMISTIKONG PAHAYAG
Mga halimbawa ng eupemistikong pahayag na may pangungusap:  
Hikahos sa Buhay =  Mahirap
Magulang = Maraya
Lumulusog = Tumataba
Balingkinitan = Payat
Tinatawag ng Kalikasan = Nadudumi
Sumakabilang Bahay = Kabit
Kasambahay = Katulong
Mapili = Maarte o Pihikan
Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
May amoy = Mabuhay
Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
Halang ang Bituka = Masamang Tao
Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw
 Salawikain
             Ito ay nakaugalian nang sabihin at
nagsisilbing batas at tuntunin ng
kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Sa
iba, ito ay parang parabulang patalinghaga
at nagbibigay ng aral lalo na sa kabataan.
1. Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa
iyo
2. Kung ano ang puno, siya ang bunga..
3. . Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan
din ang tuloy.
4. . Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
5. Ang buhay ay parang gulong – minsan nasa
ibabaw, minsan rin nasa ilalim.
6.  Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Ang salawikain ay mga kasabihan o kawikaan na
nagbibigay ng magagandang aral at gabay sa
pamumuhay, sa asal, at sa pakikipagkapwa.
Samantalang ang sawikain o idiyoma ay mga
salitang patalinhagang karaniwang ginagamit sa
araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyak na
kahulugan ng salitang isinasaad nito.  
MGA HALIMBAWA NG SAWIKAIN:
1.Anak-dalita - mahirap
2.Bukal sa loob - mabait
3.Usad-pagong - mabagal  
4.Mahigpit na pamamalakad -- malupit
5.Hinahabol ng karayom – may sira ang damit  
6.Parehong kaliwa ang paa – hindi marunong sumayaw
7.Tulain mo na lamang – hindi magaling umawit  
8.Parang suman – masikip ang damit  
9.Basang sisiw – kaawa-awa
10.Batang-isip - walang muwang  
11.Huling baraha – natitirang pag-asa
12.Huling hantungang - libingan
Ang bugtong, pahulaan,
o patuturan ay isang pangungusap o 
tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang 
palaisipan (tinatawag
ding palaisipan ang bugtong)
Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
3. Kung tawagin nila ay “Santo” pero hindi naman ito milagroso
Sagot: Santol
4. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa
Sagot: Kalabasa
5. Maliit na bahay, puno ng mga patay
Sagot: Posporo
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: Zipper
7. Tubig na nagiging bato, batong nagiging tubig
Sagot: Asin
8. Naligo si Kaka, ngunit hindi man lang nabasa
Sagot: Dahon ng Gabi
9. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
Sagot: Sombrero
10. May balbas ngunit walang mukha
Sagot: Mais
11. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan
Sagot: Kamiseta
12. Noong maliit ay Amerikano, noong lumaki ay Negro
Sagot: Duhat
13. Isang hukbo ng sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: Walis
14. Nang ihulog ko ay ay buto, nang hanguin ko ay trumpo
Sagot: Singkamas
15. Nakayuko ang reyna, hindi nalaglag ang korona
Sagot: Bayabas
16. May bintana subalit walang bubungan, may pinto ngunit wala namang
hagdanan.
Sagot: Kumpisalan
17. Baboy ko sa Pulo, balahibo’y pako
Sagot: Langka
18. Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo
Sagot: Buwan
19. Dalawang batong itim, malayo ang mararating
Sagot: Mata
20. Ihagis mo man kahit saan, sadyang babalik at babalik sa pinanggalingan
Sagot: Yoyo

You might also like