Panitikan NG Pampanga
Panitikan NG Pampanga
Panitikan NG Pampanga
Pampanga
Bago ang Pananakop
⋄ Wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o “Kapampanan.” Ito ay miyembro ng Wikang Malayo o
Polynesia.
⋄ Noong 1571, napag-alaman ng mga Espanyol na palapantigan ng wikang ito ay maaaring iugat sa wikang
Devanagari. Ito ay may sariling sariling ortograpiya at alpabeto.
⋄ Kapansin-pansin sa alpabeting ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896, nailimbag ang isang aklat tungkol sa
Kampangangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto Pampango’ na isinulat ni Alvaro de Benavante. Isang
vernacular dictionary ito. Ngayon ay pinakamatandang Kampangan dictionary available.
3
4
Fray Alvaro de Benavente Alfabeto Pampanga
5
Hanapbuhay ng mga
Kapampangan
⋄ Pangingisda sa palaisdaan
⋄ Pagsasaka
6
Mt. Arayat
Palaisdaan sa Pampanga
Panitikan ng
Pampanga
9
• “
Tumalya – hele o awiting pampatulog. maituturing na orihinal sa mga Kapampangan.
Halimbawa ay Anak Nga Walay Palad, Ili-ili Tulog Anay, Mendang na Kong Mendang at
Dayunday.
• Alamat – Halimbawa nito ay Alamat ng Sinukwan o Sinukuan.
• Bugtong – tawag dito sa Pampanga ay ”Bugtungan.” Kadalasan ay ibinibigkas sa lamayan
at kasal. Sa lugar ng mabigat ng pagpapasya, sinasambit ito sa kritikal na panahon.
Pagsagot ng bugtong ay posibilidad na may magandang kahihinatnan ng mapagpalang
kapalaran o pangyayari.
Halimbawa:
11
Mahahati ang awiting bayan ng Kapampangan sa maraming uri
ayon kay Alejandro Q. Perez.
12
1. Basulto - kadalasang inaawit ng mga pastol sa bukid. Ito ay pwede awitin at sinasayaw.
Patalutod ang format nito.
2. Pamuri - awit-pag-ibig.
Halimbawa : “Aruy! Katimyas na Nitang Dalaga” (Ay! Kaakit-akit ang Naturang Dalaga) at
Atsing Neneng.
13
3. Pang-obra - isang awit sa pagtatrabaho.
14
5. Karagatan o caragatan – Isang patulang larong ginawa tuwing may
lamay. Sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsasagot gamit ng tula.
15
Ang panitikan ay nakatahi sa pakikipagkapwa, panliligaw,
pagtatrabaho, at lamay.
Ang pangunahing paksa o inspirasyon ay kalikasan. Ito mahahanap sa
sinaunang anyo ng panitikang Kapampangan. Nagkaroon ng papel ang
heograpiya sa paghubog ng Sinaunang Panitikang Kampanganan tulad
ng Bundok Arayat. Marahil ang katotohanan na tanaw ang naturang
bundok sa 22 bayan ng lalawigan.
MGA PANITIKAN
MATAPOS ANG
PANANAKOP NG
MGA ESPANYOL
17
1. Goso – isang uri ng awiting-bayan. Inaawit kasabay ng violin at tamburin
tuwing gabi bago ang araw ng Todos Los Santos (All Saint’s Day.)
19
4. Maikling kwento - Maraming pagsasalin at adaptasyon tulad ng
“Mga Kuwento ni Juan”. Ito ang naging ugat sa pagsisimula ng
maiikling kwento sa Kapampangan.
20
6. Kuriru - nagmula sa corrido at hango sa Kastilang “corrido.” May 12 o
mas mababa sa 12 pantig bawat linya.
Hal. : “Corrido King Bye nang Keralanan ning Prinsipe king Emperio
Francia ila ning Princesa Adriana king Kayaria ning Antioquia” (Corrido
tungkol sa Buhay ni Prinsipe Felix ng Kaharian ng Espanya at ng
Emperatris Valeriana ng Kaharian ng Persia).
21
7. Pasion – Ito ay tinatawag na “pabasa.” Nagmula sa Espanyol. Isinialin ni
Reverend P. Banda ang isang akda ng passion na itinituring kaunahang
gawang naisalin ng Kapampangan.
8. Cenaculo – mas mahalaga ito kaysa sa moro-moro. Itinatanghal ang
makasaysayan at pangheograpiyang katotohanan dahil sa makukulay na
kasuoting ginagamit dito. Ipinapalabas ang kwento ng pagkikita ni Kristo at
ni Inang Maria matapos pagkabuhay ng una.
22
Cenaculo
23
Resources:
ANG MGA KAPAMPANGAN AT ANG KANILANG PANITIKAN WIKA. (n.d). Filipino ito!
Retrieved March 4, 2022, from https://crespeabcede.wixsite.com/filipinoito-
blog/panitikan-ng-kapampangan
24
Ikaw
Ni E.Y. Cunanan
Isinalin ni Rolando A. Bernales
25
Ikaw ang pinakamahalagang paksa ng ano mang usapan. Maliban sa iyo, at lahat ng
iyo. Lahat ng iba pa ay kailangang isantabi. Ngunit, sino ka nga ba?
Ikaw, oo, nakakamukha mo ang marami sa maraming bagay, ngunit wala kang katulad.
Ikaw ay nag-iisa sa iyong indibidwalidad. Libo mang superpisyal na gawain ay hindi
makapagpapabago sa iyo, sapagkat saan man, sa ano mang lugar, ang iyong hitsura,
pag-uugali, kilos, ang paraan mo ng paggawa ng mga bagay, ang iyong paraan ng
pagsasalita-lahat ng bagay tungkol sa iyo-hindi mo man namamalayan, ang
kumbinasyon ng lahat ng iyon ay naglalahad ng tunay na ikaw ay hindi mo maitatago
sa iba.
26
Ang iyong indibidwalidad ay may higit na kahulugan kaysa sa iyong akala. Ikaw ang
pinakamatalik na kaibigan o pinakamatinding kaaway ng iyong sarili. Ang ibang tao,
taliwas sa mga lumang paniniwala, ay hindi makatutulong o makasasakit sa iyo, bagama’t
maaaring madalas mo silang sinisisi sa iyong mga kakulangan. Lahat ng mangyayari sa
iyo ay nagsisimula at nagtatapos sa iyo. Ang ibang tao ay mga paraan lamang sa
pagkakamit ng ano mang iyong sinimulan tungkol sa iyong sarili.
27
Ang panlabas na daigdig na nakikita mo sa iyong paligid ay repleksyon
lamang ng daigdig na iyong kaluluwa. Ang daigdig na iyong kaluluwa. Ang
daigdig ay isang salamin. Nakikita mo sa daigdig kung ano ang nasa iyong
puso. Sa kulay ng iyong paniniwala sa buhay at sa iyong mga kababayan,
lahat ng iyong masumpungan sa daigdig ay nasa katulad na kulay. Lahat-
lahat sa iyong buhay ay may kulay ayon sa kung ano ang namamayani mong
isip at damdamin. Ang iyong daigdig ay magbabago ayon sa mga pagbabago
ng iyong mga iniisip at nadarama, iyong mga paniniwala at iyong mga kilos.
28
Ikaw, oo ikaw, hindi mo ganap na pag-aari ang iyong sarili. Ang iyong sarili, lahat ng
tinatawag mong iyo, ay hindi talaga ganap na iyo. Hindi ka maaaring maging
makasarili o hindi mo maaaring pagkaitan ang iba o kaya’y maging mapagmalaki
sapagkat lahat ng iyo ay unti-unting mawawalan ng halaga. Ang tuntunin ng buhay ay
magbibigay at tumulong. Hindi ka maaaring maging makasarili, mapang- angkin,
magagalitin, tiwala o mapagsamantala nang hindi humahantong sa iyong kawalan.
Walang mga benepisyong dumating sa iyo nang walang tamang kabayaran. At ikaw ay
hindi maaaring gumawa ng mabuti nang hindi nakikinabang. Ano mang mabuting
iyong ginagawa ay hindi nababale-wala.
29
Lahat ng ginagawa mo sa iba ay siya na ring ginagawa mo sa iyong sarili. Lahat
ng mabuti o masamang gawain ay magbabalik sa iyo nang may patong-patong na
interes. Hindi ito maiiwasan. Ipinakikita ng mhabang tala ng mga karanasan sa
daigdig ang hindi nagbabagong batas ng buhay na sumasaklaw sa lahat nito,
gaano man kabagal ay hindi nahuhuli, hindi nakalilimot, hindi nabibigo. Ang
layunin ng buhay ay kabutihan at kaunlaran. Mayroon itong kapaki-pakibang na
layunin kahit pa ang mga nakikita ay kaguluhan.
30
Hindi ka maaaring umiwas o tumakas sa tungkulin. Harapin mo ang lahat ng
bagay nang buong karapatan, katatagan, ingat at agap. Hindi mo maaaring
itago ang iyong tunay na ikaw. Hindi tamang itago ang iyon. Kung ang iyong
ikaw ay maaraing kahinaan, mayroon din naman iyong mga potensyal.
Magsikap ka upang magamit ang iyong mga potensyal, maingat na baguhin
ang iyong mga kahinaan at iyong magagawang realidad ang iyong
pinakatanging panaginip.
31