Tekstong Informativ

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

TEKSTON

G
INFORMA
Tekstong
Ang tekstong Informativ ay isang paglalahad o

Informativ
pagpapaliwanag ng mga makatotohanang impormasyon
tungkol sa maraming bagay na may pinagbabatayan.Isinasaad
ang mga kabatiran nang naaayon sa mga tunay na pangyayari
batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.Layunin nitong
magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na
kaalaman,bagay at pangyayari.
Katangian ng
Pili at tiyak ang mensahe ng
mga salita.
1 Textong
2
Informativ
Tiyak ang mga impormasyon o mga
detalye na nasa lohikal na paghahanay.

Madaling maunawaan nang babasa ang


mga ginamit na mga pangungusap.
3

Maayos ang pagkakahanay ng


4
mga salita.
Uri ng Textong
Informativ
Pagbibigay-
katuturan

Enumerasyon

Kronolohikal

Prosejural

Paghahambing at
Pagkokontrast
Uri ng Textong
Informativ
Problema at Solusyon
Pagsunud-sunod o Sekwensyal
Sanhi at Bunga
Pagbibigay-katuturan
Isang anyo ng paglalahad na ginagamit ng mga manunulat kung gusto nilang
bigyan ng pagpapakahulugan ang isang paksa.

Halimbawa:
Ang depresyon ay isang karamdaman sa utak na nakaaapekto sa pag-iisip,
damdamin, pag-uugali at kalusugan. Neurosis ang ibang tawag dito.
Naniniwala ang mga eksperto na ang depresyon ay sanhi ng di-balanseng
kemikal ng utak.
Enumerasyon
Ito ay tumutukoy sa talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa
pangunahing ideya.Tuwiran ang pag-aayos ng mga detalye na susuporta sa depinisyon,
pagpapahayag o ideya.
Halimbawa:

Ang isang file o programa na may virus ay hindi nakaaapekto o nakasisira ng iba
pang file o buong computer hangga’t ito’y hindi pinatatakbo o nabubuksan.Ngunit
maraming paraan upang ito’y mabuksan.Maaaring kumabit o sumama ang virus sa isang
file o program o maaari rin naming itago sa pamamagitan ng code.
Kronolohikal
Ang mga pangyayari ay laging may kaugnayan sa nauna o sa sumunod na pangyayari. Ito ay
karaniwang ginagamit sa pagkukuwento at sa mga tekstong pangkasaysayan.
Prosejural – Kailangang mag-ingat sa pagpapakita ng bawat hakbang at siguruhin na
walang makaliligtaang hakbang.

Ang halimbawa nito ay karaniwang matatagpuan sa mga teksbuk sa kemistri na kung saan
ay may sinusunod na pamamaraan sa laboratoryo na kailangang sundin nang maingat
upang makakuha ng magandang resulta.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng direksyon.
Paghahambing at Pagkokontrast
Ipinaliliwanag ang pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, tao, lugar,
pangyayari, bagay at iba pa.

Sa pagkokontrast, ipinaliliwanag ang pagkakaiba samantalang sa paghahambing ay


pagkakatulad sa dalawa o higit pang ideya.

Halimbawa:
Pagkakaiba ng mga kababaihan, Noon at Ngayon.
Problema at Solusyon
Nagpapahayag ng isang problema at nagtatala ng isa o mahigit pang solusyon sa problema.
Karaniwan ito ay nagsisimula sa pagbibigay ng suliranin at pagsusuri ng mga kalagayang
lumilikha ng nasabing suliranin

Halimbawa:
Problema sa Pera
Solusyon: Magsumikap at maghanap ng trabaho.
Pagsunud-sunod (Sekwensyal)

Sekwensyal
–Ito ay binubuo ng mga serye ng mga pangyayari na patungo sa konklusyon o ang sekwens
ng mga pangyayari na may kaugnayan sa partikular na pangyayari.

Halimbawa:
Unang Pangyayari
Ikalawang Pangyayari
Pangwakas na Pangyayari
Sanhi at Bunga
Nagtatala ng isa o mahigit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi ay nagsasaad
ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap at ang epekto ng pangyayaring ito ay
tinatawag na resulta.

Halimbawa:
Sanhi: Ilegal na pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Bunga: Baha sa mababang lupain at landslide at pagkamatay ng maraming tao.
Maraming
Salamat

You might also like