0% found this document useful (0 votes)
242 views20 pages

ARGUMENTATIB

Ang dokumento ay tungkol sa uri ng tekstong argumentatibo at mga elemento nito. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga ebidensya at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa isang argumentatibong teksto. Binigyang halimbawa ang isang teksto tungkol sa neo-kolonyalismo sa Asya.

Uploaded by

bry uy
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
242 views20 pages

ARGUMENTATIB

Ang dokumento ay tungkol sa uri ng tekstong argumentatibo at mga elemento nito. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng mga ebidensya at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa isang argumentatibong teksto. Binigyang halimbawa ang isang teksto tungkol sa neo-kolonyalismo sa Asya.

Uploaded by

bry uy
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 20

TEKSTONG

ARGUMENTATIB
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO LAYUNIN
• Natutukoy at naiisa-isa sa pasalita o pasulat na paraan ang
katangian at kalikasan ng tekstong Argumentatibo.
• Nakasusulat ng isang tekstong Argumentatibo batay sa
mga kaisipang tinalakay at pagsusuring ginawa sa mga
halimbawang teksto
• Natutukoy at naipapaliwanag sa pasalita o pasulat na
paraan ang mahahalagang kaisipang nais ipabatid ng
tekstong Argumentatibo na sinusuri batay sa mga
pamatnubay na tanong na ibinigay ng guro.
Mga Uri ng Teksto: aRGUMENTATIBO

Pagpapakahulugan sa Tekstong Argumentatib

Isang teksto kung saan


nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang
paksa o usapin
Mga Uri ng Teksto: aRGUMENTATIBO

Pagpapakahulugan sa Tekstong Argumentatib

Nangangailangan ng mga ebidensya mula


sa personal na karanasan, kaugnay na mga
literatura at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan at resulta ng empirical na
pananaliksik.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

KATANGIAN NG MAHUSAY NA
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
- Mahalaga at napapanahong paksa
- Maikli ngunit malaman at malinaw
- Malinaw at lohikal na transisyon
- Maayos na pagkasunod - sunod ng mga talata
- Matibay na ebidensya para sa argumento
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

MGA ELEMENTO NG
PANGANGATUWIRAN
PROPOSISYON
- Pahayag na inilalaan upang pagtuunan
- Tumutukoy sa paksa ng pagtatalo na maaaring
magpahayag nang pagsalungat o kaya’y
pagsang- ayon
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

MGA ELEMENTO NG
PANGANGATUWIRAN
ARGUMENTO
- ebidensya or dahilan
- paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang
maging makatwiran ang isang panig.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

BAHAGI NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Paksa/Panimula/Simula
- ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at
binabasa ang isang teksto.
- Layon ng panimula o pambungad na ihanda ang
mga mambabasa.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

BAHAGI NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Gitna o katawan
- Kinakailangang maayos na maihanay at
maipaliwanag ang mga argumento at katwiran.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

BAHAGI NG TEKSTONG
ARGUMENTATIBO
Wakas
- Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na
magpapabagsak sa kalaban
- Kailangang maging tuwiran, payak, mariin,
malinaw at mabisa
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

URI NG PANGANGATUWIRAN
Inductive o Pabuod
- nagsisimula sa katuwiran tungo sa
pangkalahatang katuwiran
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO

URI NG PANGANGATUWIRAN
Deductive o Pasaklaw
- nagsisimula sa pangkalahatan tungo sa detalye
o maliliit na katuwiran
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya
Ang neo – kolonyalismo ay ang terminong ginagamit upang ilarawan
ang operasyong ginagawa ng mga imperyalista matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Sinasabing ito ang ekstensyon ng kanilang
paghahari sa mga mahihinang bansa upang mabigyan ang kolonya ng
ilusyong sila nga ay malalaya na sa kamay ng mga mananakop. Sa
katotohanan, ang neo – kolonyalismo ay isang panibagong anyo ng
imperyalismo. Sa halip na gumamit ng direktang pulitikal at militar na
pananakop, minabuti nilang gumamit ng iba – iba at hindi gaanong
halatang istratehiya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng kapangyarihan
at impluwensyang pang – ekonomiko, pinansyal at mga polisiya sa
kalakalan.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya
Ayon sa teorya ni Karl Marx, ang mga maliliit na bansa ay
nananatiling satellite ng mga mauunlad na nasyon sapagkat ang
istraktura ng kanilang ekonomiya ay idinisenyo upang magsilbi lamang
sa internasyunal na kapitalismo. Samakatwid, ito ang dahilan kung bakit
may eksployteysyon ng mga likas na yaman sa mga maliliit at
mahihinang bansa.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Sinasabi ng mga tagapagtanggol ng kolonyalismo na kahit ano pa ang


kahinaan at pagkukulang nito, ang kolonisasyon pa rin ang nagpaliit ng
ekonomik gap ng mga taga – Kanluran at mga taga – Asya . Una, ang
mga Europeo raw ang nagtanim ng binhi ng pag – unlad na materyal at
intelektwal sa Asya. Nagamit raw nila ang malaganap na
kamangmangan. Ikalawa, napigilan daw ng kolonyalismo ang pang –
aalipin at barbarikong uri ng pamumuhay tulad ng pagsamba sa mga
anito. Ikatlo, natulungan daw ng formal na edukasyon at medisina ang
mga katutubo na may limitadong kaalaman sa pagkontrol ng
kapaligirang pisikal.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Sa huli, nagkaroon din daw ng modernong uri ng komunikasyon na


nagpadali sa pag – eksport ng mga produktong agrikultural. Bukod dito,
nagtayo sila ng maliliit na industriya upang maging pundasyon ng pag –
unlad na ekonomik. Sa kabuuan, sinasabi nilang dapat pa ngang
magpasalamat sa mga kolonisador sapagkat sila ang naging tagapaligtas
ng mga Asyano.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Mahigpit na tinutulan ng mga salungat sa kolonyalismo ang


argumento ng mga tagapagtanggol. Ito raw ay racists. Pinanindigan
nilang ang mga kolonya ay iniwan ng mga imperyalista na mas mahirap
pa kaysa noong bago nila masakop. Hindi lamang ang pwersang
paggawa at mga resorses ng bansa ang labis na eksployt, minaliit pa nila
ang kakayahan ng mga Asyanong madevelop ang sarili. Higit pa rito, sa
ilalim ng pamamalakad ng imperyalista, ang ekonomiya ng kolonya ay
idinisenyo nilang maging dependent sa kanila. Ito lamang daw ang
tanging nagawa ng mga kolonisador na hanggang ngayon ay
pinagdurusahan pa rin ng mga mamamayan.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Isang halimbawa nito, hindi tinuruan ng mga kolonisador ang mga


nasasakupan na magproseso ng kanilang mga hilaw na produkto. Sa
halip, iniluluwas pa ito sa kanilang mga bansa upang doon iproseso.
Samakatwid, nanatiling tagasuplay lamang ng kanilang pangangailangan
ang mga mahihinang bansa. Ang mga imperyalista ang tanging
nakinabang nang malaki at yumaman. Ang puhunang pawis at dugo ang
tanging naiwan sa mga kolonya. Dahil dito, hindi sila kumikita nang
sapat upang sumagot sa kanilang sariling ekonomiya. Dito na ngayon
papasok ang pangungutang ng mga nasabing bansa upang masagutan ang
kanilang pangangailangan.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Ang International Monetary Fund at World Bank ay mga


organisasyong nagpapautang upang umasiste sa mahihirap na bansa
subalit sa ilalim ng mga kondisyong sila rin ang nagtatakda. Ang mga
kondisyong ito ang siyang nagpapatindi ng pagiging dependent ng mga
mahihirap na bansa sa mga mayayaman. Kung hindi susundin ang
kanilang mga kondisyon ay hindi sila magbibigay ng tulong at pautang.
Ito ang tinatawag na neo – kolonyalismo, ang pananatili ng paghahari ng
mga imperyalista sa bansang kanilang nasakop sa pamamagitan ng hindi
gaanong halatang paraan.
Mga Uri ng Teksto: ARGUMENTATIBO HALIMBAWA
Ang Neo – kolonyalismo sa Asya

Sa kasong ito, ang ginamit na paraan ay sa pamamagitan ng


pagkontrol sa tulong na pinansyal at isyung pang – ekonomiko. Ganito
ang nangyayari sa mga bansang Asyano. Ngayon, nananatili ang tanong:
Nakabuti ba o Nakasama ang Kolonyalismo sa mga Bansang Asyano?

You might also like