Yunit III 3rd Quarter

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

YUNIT III: Iba’t ibang

Tesktong Popular
Aralin 1: Pinoy-Aliw
Pinagmulan ng
Pahayagan/Peryodiko
Noong 1605- inilathala ang kauna-unahang naimprentang
peryodiko.

Hanggang ngayon, nakikipagsabayan pa rin kahit umusbong na ang


mga bagong teknolohiya tulad ng radio, telibisyon, at internet. Dahil
sa mabilis na pagababagong hatid ng Internet, nagkakaroon ng
pagsubok sa industriya ng mga peryodiko.
Ang Nagpasimula at Nagpalaganap
ng Komiks at Magasin sa Pilipinas
Jorge Pineda – siya ang tinaguriang beteranong kartunista, at
gumuhit ng carton strips.
Fernando Amorsolo – siya ang Pambansang Alagad ng Sining
G. Mario S. Cabling – ayon naman sa kanya ang Liwayway ang
“opisyal” na magasing Pilipino na nagpakilala
ng komiks noong 1929.
MGA POPULAR NA BABASAHIN
PAHAYAGAN
- ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng
balita, impormasyon, at patalastas, na kadalasang
naimprenta sa mababang halaga.
- ito rin ay maaaring pangkalahatan o may espesyal
na interes, at kadalasan itong inilalathala ng araw-
araw o lingguhan.
PAHAYAGAN

Kadalasang mga pangkasalukuyang mga balita ang nakalimbag.


Maaaring ito ay mga pangyayari sa politika, balita sa ibang bansa,
kalakalan, kultura, palakasan, at mga opinyon. Ang mga peryodiko ay
kadalasang gumagamit ng mga larawan upang ipakita ang mga
kwento.
Ang iba pang maaaring ilagay sa
peryodiko/pahayagan ay:
o Ulat Panahon
o Tudling ng pagpapayo
o Mga tala ng mga palabas sa pelikula at teatro, shopping mall, restoran
atbp.
o Mga balitang showbiz
o Mga palaisipan, crossword, suduko, at mga oroskopyo
o Mga balitang pangdayuhan/balitang pandaigdig
Mga halimbawa ng pahayagan:
KOMIKS
-Ito’y inilalarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na
nagbibigay-aliw sa mga mambabasa, nagtuturo ng iba’t ibang
kaalaman, at nagsulong ng kulturang Filipino.

Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na


napakalawak ng imahinasyon. Gumagamit ang komiks ng mga imahe
o di kaya’y teksto at impormasyong biswal sa pagpapahayag ng ideya
at paghahatid ng salaysay o kuwento.
Jose Rizal – sinasabing siya ang kauna-unahang Filipino ng gumawa
ng komiks.
Noong 1884 – inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa
ang komiks istrip niya na “Pagong at Matsing”
Halakhak Komiks – ito ang unang komiks na nailathala matapos
ang World War II.
Bahagi ng Komiks

Kuwadro Pamagat ng Kwento

Kahon ng Salaysay
Larawang guhit ng mga
tauhan
sa pa n
bo ng U
Lo
Halimbawa ng Komiks
Magasin
- Ito ay publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, larawan,
anunsyo at iba pa, na kalimitang pinopondohan ng mga patalastas.
Hindi mawawala ang liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Bunsod ng mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa.
Sa kasalukuyan, naririto ang
nangungunang mga magasin na
tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine)

- Ang magasing ito ay tumatayo bilang


mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrument upang
mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa
nang walang pag-alinlangan.
2. Cosmopolitan

- Magasin pangkababaihan.
Ang mga artikulo rito ay nagsisilbing
gabay upang maliwanagan ang
kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit sa isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura
at aliwan.
3. Good Housekeeping

- Isang magasin para sa


mga abalang ina. Ang
mga artikulong nakasulat
dito ay tumutulong sa
kanila upang gawin ang
kanilang mga
responsibilidad at maging
mabuting may bahay.
4. Yes!

- Ang magasin tungkol sa balitang


showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga
nakaw-atensiyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa
mga pinasikat na artista sa bansa.
5. Metro

- Magasin tungkol sa
fashion, mga
pangyayari, shopping,
at mga isyu hinggil sa
kagandahan.
6. Candy

- Binibigyan ng pansin ang mga


kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
7. Men’s Health

- Magasin na nakatutulong sa
kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-
eehersisyo, pagbabawas ng timbang,
at mga pagsusuri sa pisikal at mental
na kalusugan ang nilalaman nito,
kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3

- Isang magasin para lamang sa mga


gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya
at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol
sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur

- Magasin para sa mga


taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
MGA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON
1. Balbal
- Sinasabing mga “salitang kalye” ang ganitong uri ng mga salita
sapagkat ito ay palasak o popular na ginagamit sa iba’t ibang lugar
tulad ng palengke, beauty parlor, at iba pa. Pabalbal ang gamit ng
bawat salita dahil iniiba o binabago ang anyo nito ngunit madali
ring maintindihan ng nakikinig dahil naroon din naman ang
makahulugang bahagi ng salita na madaling maunawaan.
Hal;
Erap, utol, atik, lonta, erpat at ermat
2. Kolokyal
- Hindi nito binabago ang anyo ng salita ngunit ginagamit din sa
mga impormal at karaniwang pag-uusap. Maaaring ginagamit ang
ganitong salita sa iilan o isang lugar lamang tulad ng probinsya o
iilang bayan lamang. Maaari din itong malawakan.
Hal:
Lelang mong panot, pasaway
3. Banyaga
-Ang mga salitang banyaga ay nagiging napakanatural na bahagi ng
komunikasyon kung ang gumagamit o nagsasalita ay walang pag-
aatubili. Sa pasulat na komunikasyon, maaaring baguhin ang baybay
ng salita o gamitin ang orihinal na baybay.
Hal:
Da best na mother, da orig na luto ng pinakbet

You might also like