Nakaligo ka na ba sa dagat ng kahirapan?
Malawak ang karagatan, ngunit limitado ang kanilang nalalaman. Hindi nila kailangang ipamukha na mahirap sila, ngunit damang dama mo ang kanilang paghihirap. Wala masyadong iyakan at sampalan, ngunit sasampalan ka ng realidad.
Nanunusok ang mga linya. Nangingising ng damdamin. Sumasalim sa totoong buhay.
Higit pa sa mga salita, mas nagdudulot ng ingay ang kanilang mga aksyon at desisyon. Higit pa sa lamang-dagat, ang pinakamahalagang nasungkit ng pelikulang ito ay ang ating mga puso.
Maligo man sa dagat ng kahirapan.
Magbabanlaw sa taglay na kabutihan.
Hindi tayo malulunod. Lalangoy tayo.
Makakaahon tayo.
Read full movie review here: www.goldwinreviews.com/post/salum