Favorite films
Don’t forget to select your favorite films!
Don’t forget to select your favorite films!
Kung paano nahahanap ang liwanag sa kalinga ng mga tao na kahati sa kabiguan ng/sa lungsod.
Lagi akong naniniwala sa kapangyarihan ng ating humanidad, gaano man kasalimuot ang kontradiksyon ng ating kabutihan at kasamaan bilang tao. Kaya marahil laging nasa bingit ng pagkawasak ang ating mundo dahil araw-araw tayong nagpapasiya kung paano maaaring balansehin ang komplikasyon ng ating kaakuhan sa maraming tama at mali, sa mabuti at masama, sa kamatayan at pagsilang, sa mga sobra at sapat, sa mga tuwid at baluktot na pagkilala sa ating halaga. Kaya rin marahil maraming lihim na espasyo sa mundo…
Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga bituin sa isang observatory sa Chile. Nakatahi ang kwento sa mga ina na naghahanap naman ng katawan ng kanilang kaanak na naging desaparecidos noong rehimen ni Pinochet.
Ang mga bituin ay binubuo ng calcium katulad ng calcium na bumubuo sa buto ng tao. Ang pagtingala sa langit at paghuhukay sa lupa ay parehong paghahanap sa mga nawawalang kalansay ng daigdig.
Inuuna nating hanapin ang pinakamalalayong gunita ng kalawakan, habang nililimot ang…
Hindi ito nagdidikta ng mensahe kundi naglalatag ng mga kwento bilang mungkahi kung papaano maaaring tignan ang mundo. Iginagalang nito ang pagiging tao, sa kabila ng komplikadong danas at masalimuot na pagpapasiya bilang proseso ng pagkilala sa sarili. Magaan sa puso panoorin kahit walang tiyak na hugis ang lohika ng naratibo.