At kung sakali mang isilang akong muli,
nawa’y tanggap ko na—
sa mga palad ng mga berdugo,
ang kababaihan ay isa lamang anino,
walang pangalan, walang tinig.
Ngunit ang mundo ay hindi nananatili.
Ayaw ko nang bumalik,
sapagkat sapat na ang minsang maging abo,
ang minsang masilayan ang unang silakbo ng liwanag.
Ngunit kung ako'y may pagpipilian,
nais ko ring maging instrumento—
isang katawan na, sa kabila ng pagkalugmok,
ay mananatiling tinig sa isang hustisyang
hindi ako ang humubog,
ngunit ako ang magpapanginig.
MABUHAY ANG MGA KABABAIHAN!