mahal na mahal ko ang pelikulang ito, dahil galing talaga ito sa bubog ko. ilang luha ang ibinuhos ko—hindi ko namalayan na habang sumusulat ako, unti-unti kong nababalikan ang mga panahong hindi ko maintindihan bakit nangyari ang lahat ng ito.
isinulat ko si macoy bilang repleksyon ng mga taong hindi alam kung paano magluksa sa biglaang pagpanaw ng minamahal nilang hindi nila inakalang mawawala agad. naiiwan silang mag-isa sa pag-abot ng mga pangarap at planong para sana sa kanilang dalawa.…