Linta
Limatik | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | Hirudinea Lamarck, 1818
|
Mga orden | |
Arhynchobdellida o Rhynchobdellida |
Ang mga limatik[1] o linta[1] (Ingles: leech) ay mga anelida na bumubuo sa subklaseng Hirudinea. Mayroong mga limatik na pantubig-tabang, panlupa, at pandagat. Mayroon ding mga lintang nagmumula sa mga kailugan at latian.[1] Katulad ng kanilang mga kalapit na kamag-anak, ang mga Oligochaeta, mayroon din silang clitellum. Katulad ng mga bulating-lupa, mga hermaprodita din ang mga linta. Ginagamit ang limatik na kasangkapan sa panggagamot - ang Hirudo medicinalis - na katutubo sa Europa, at maging ang mga kasari (o konhenero) nito sa klinikal na pagpapadugo sa loob ng mayroon nang mga libong taon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Limatik, linta, leech". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.