Menes
Menes | ||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Africanus: Mênês Eusebius: Mênês | ||||||||||||||||||||||||
Pharaoh | ||||||||||||||||||||||||
Hinalinhan | - | |||||||||||||||||||||||
Kahalili | Hor-Aha? | |||||||||||||||||||||||
|
Si Menes, Mena, Meni, Min, o Narmer ay isang pinuno ng pang-itaas na bahagi ng Sinaunang Ehipto. Naghari siya sa buong Ehipto sa loob ng 62 mga taon. Asawa niya si Neith-hetep.[5][6]
Ukol sa pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang pansarili o personal na pangalan ang Menes. Bilang pinuno, gumamit si Menes ng ibang pangalan. Kabilang dito ang Narmer, Panginoon ng Dalawang mga Lupain.[5]
Pananakop at paghahari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinakop niya ang delta o patatsulok na bahagi ng Nilo ng Pang-ibabang Ehipto noong mga 2850 BK o 2925 BKE.[5][6] Sa pamumuno niya ng Pang-itaas na Ehipto, nagsuot si Menes ng isang puting koronang kahugis ng koniko o binaligtad na apa ng sorbetes. Bilang paghahambing, kulay pula ang putong na korona sa ulo ng mga namahala ng Pang-ibabang Ehipto. Pagkaraang masakop ni Menes ang Pang-ibabang Ehipto, dalawa ang sinuot niyang korona: nakapaloob ang puting korona sa loob ng kulay pulang korona. Siya ang unang hari sa kasaysayan ng Ehipto na nakapag-isa ng Ehipto.[5]
Mga ginawa bilang hari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang hari ng buong Ehipto, nagtatag siya ng isang kabiserang lungsod para sa kanyang dalawang kaharian. Itinatag niya ito sa Memphis na nasa timog-kanluran ng Cairo. Napapaligiran ang sitadela o pook-tanggulan (kuta o moog) nito ng puting pader.[5]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Namatay siya dahil sa pagkakapaslang sa kanya ng isang hipopotamus. Pagkaraang sumakabilang buhay ni Menes, itinuring siya bilang isang diyos.[5]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Edwards 1971: 13
- ↑ Lloyd 1994: 7
- ↑ Cervelló-Autuori 2003: 174
- ↑ Edwards 1974: 22
- ↑ 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Which King First United Egypt?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 12. - ↑ 6.0 6.1 "Menes, King of Egypt". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica Online. 2008. Nakuha noong 2008-03-27.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)