prince Sobekemsaf (future Sobekemsaf II), Sobekemheb
Si Sekhemre Wadjkhaw Sobekemsaf I ang paraon ng Ikalabingpitong Dinastiya ng Ehipto. Siya ay pinapatunayan ng sunod sunod na mga inskripsiyon na nagbabanggit ng isang ekspedisyong pagmimina sa mga kanterang bato sa Wadi Hammamat sa Silangang Disyerto sa kanyang paghahari. Ang isang inkrispsiyon ay hayagang nagpetsa sa kanyang Taong 7.[1] Malawakan rin niyang ibinalik at pinalamutian ang Templo ni Monthu sa Medamud kung saan ang isang relief na naghahandog sa mga diyos ay nakaligtas.[2] Ang kanyang anak na may parehong pangalan ay pinatutunayan sa Estatwang Cairo CG 386 mula sa Abydos na naglalarawan ng isang batang prinsipe na nakatayo sa pagitan ng mga hita ng kanyang ama na nagmumungkahi na siya ang napiling kahalili sa trono ng kanyang ama.[3] Ang pangunahing asawa ni Sobekemsaf ay si Reyna Nubemhat. Siya at ang kanyang anak na babaeng siSobekemheb ay alam mula sa isang stela ng asawa ni Sobekemheb na prinsipeng Ameni na maaaring anak ni Sekhemre-Heruhirmaat Intef o posibleng Senakhtenre Ahmose.[4]
↑Kim S.B. Ryholt, The Political Situation in Egypt during the Second Intermediate Period c.1800-1550 BC, Carsten Niebuhr Institute Publications," vol.20. (Copenhagen: Museum Tusculanum Press, 1997) ISBN 87-7289-421-0, p.174