Pumunta sa nilalaman

Munisipal na mga pagsasanib at pagbubuwag sa Hapon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang munisipal na mga pagsasanib at pagbubuwag na isinasagawa sa Hapon (市町村合併, shichōson gappei) ay maaring maganap sa loob ng isang munisipalidad o sa pagitan ng maraming mga munisipalidad at kinakailangang nakabatay sa nagkakaisang pahintulot o konsenso.

Patakaran ng pagsasanib

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nakasaad na mithiin ng pamahalaan ay bawasan sa 1,000 ang kabuoang bilang ng mga munisipalidad ng bansa. Hindi nagbigay ng tiyak na palatakdaan ang pamahalaan.

May humigit-kumulang 1,822 mga munisipalidad ang Hapon sa pasimula ng 2007, na mas-mababa sa 2,190 noong Abril 1, 2005, at isang pagbaba na 40 porsyento mula sa bilang noong 1999. Ang 1,822 mga munisipalidad ay binubuo ng 198 nayon, 777 lungsod at 847 bayan.

Binago ang batas ng pagtataguyod ng pagsasanib ng mga munisipalidad upang pawiin ang pabigat sa mga lokal na pamahalaang lugmok sa pagkakautang, at upang makatatag ng mas-malaking mga munisipalidad para mas-maraming kapangyarihang pampangasiwaan ang maililipat sa lokal na antas. Dumaan ang huling araw na itnakda para sa batas noong Marso 31, 2006.

Mga tala ng mga pagsasanib

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Prepektura Talaan Websayt
Aichi Talaan
Akita Talaan
Aomori Talaan
Chiba Talaan
Ehime Talaan
Fukui Talaan
Fukuoka Talaan Websayt
Fukushima Talaan Websayt
Gifu Talaan Websayt
Gunma Talaan Websayt
Hiroshima Talaan
Hokkaido Talaan Websayt
Hyōgo Talaan Websayt
Ibaraki Talaan Websayt
Ishikawa Talaan Websayt
Iwate Talaan Websayt
Kagawa Talaan Websayt Naka-arkibo 2019-01-06 sa Wayback Machine.
Kagoshima Talaan Websayt
Kanagawa Talaan Websayt
Kōchi Talaan Websayt
Kumamoto Talaan Websayt
Kyōto Talaan Websayt
Mie Talaan Websayt
Miyagi Talaan
Miyazaki Talaan Websayt
Nagano Talaan Websayt
Nagasaki Talaan Websayt
Nara Talaan Websayt
Niigata Talaan Websayt
Ōita Talaan Websayt
Okayama Talaan Websayt
Okinawa Talaan Websayt
Ōsaka Talaan Websayt Naka-arkibo 2013-10-22 sa Wayback Machine.
Saga Talaan
Saitama Talaan
Shiga Talaan
Shimane Talaan Websayt
Shizuoka Talaan Websayt
Tochigi Talaan Websayt
Tokushima Talaan Websayt Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
Tokyo Metropolis Talaan
Tottori Talaan Websayt
Toyama Talaan Websayt
Wakayama Talaan
Yamagata Talaan
Yamaguchi Talaan
Yamanashi Talaan

Mga dahilan sa pagsasanib

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Magmula noong Enero 2006, maraming mga munisipalidad sa Hapon ay tinitirhan ng kakaunti sa 200 katao. Kinakailangan ng mga munisipalidad ng bihasang mga manggagawa. 40% ng GDP ng Hapon ay binubuo ng mga pagkakautang mula sa mga lokal na pamahalaan. Sinasanib ng Hapon ang mga pamahalaang lokal upang palawakin ang pook residensiyal para sa bawat pamahalaang munisipal, upang makalikha ng ibang mga hangganan ng pagdalo sa paaralan para sa mga mag-aaral sa mababang paaralan at paaralang panggitna students, at upang maging malawak ang paggamit ng pampublikong mga pasilidad.[1]

Kontekstong sosyo-politikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karamihan sa rural na mga munisipalidad ng Hapon ay malakihang umaasa sa mga tulong na pondo mula sa pamahalaang sentral. Kalimitang pinupuna sila sa kanilang paggastos ng pondo para sa aksayadong mga negosyong pampubliko upang mapanatili ang mga trabaho. Ang pamahalaang sentral na mismong nakararanas ng mga kakulangang halaga sa badyet ay may patakarang magpapahikayat sa gayong mga pagsasanib upang maging mas-matalab ang sistemang munisipal ng bansa.

Bagamat ipinapakita ng pamahalaan ang kanilang pagrespeto sa kalayaang makapagpasya ang mga munisipalidad, itinuturing ng ilan na sapilitan ang patakaran. Bilang bunga ng mga pagsasanib, ang ilang mga lungsod tulad ng Daisen, Akita ay pansamantalang may malaking mga kapulungang panlungsod.

Ipinalalagay ng ilang mamamayan ang patakaran bilang isnag uri ng pederalismo. Ipinalalagay nila na ang pangwakas na layunin ay baguhin ang Hapon para maging isang unyong binubuo ng mas-nagsasariling mga estado. Hanggang sa ngayon nakatuon ang mga pagsasanib sa lokal na antas. Binabalak na rin ang pagsasanib ng mga prepektura sa ilang mga rehiyon ng Hapon.

Nagdaang mga pagsasanib

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May tatlong mga bugso ng gawaing pagsasanib sa mga munisipalidad ng Hapon, ang pinakamalaki ay noong 2005. Minsang tinatawag na "ang dakilang mga pagsasanib sa Heisei" (平成の大合併, heisei-no-daigappei) ang kamakailang rurok ng gawaing pagsasanib na ito, upang ibukod ito sa naunang dalawa.

Naganap ang unang tugatog ng mga pagsasanib, na kilala bilang "ang dakilang mga pagsasanib sa Meiji" (明治の大合併, meiji-no-daigappei), noong 1889, kung kailang itinatag ang makabagong sistemang munisipal. Bago ang mga pagsasanib, ang umiiral na mga munisipalidad ay ganap na mga kapalit ng mga nayong kusa na tinawag na hanseison (藩政村), o mga nayon sa ilalim ng sistemang han. Sumasalamin pa rin ang huling bakas ng sistemang ito sa sistemang postal para sa mga pook rural bilang mga yunit na postal na tiatawag na ōaza (大字). Malakihang kinaltas ng mga pagsasanib noong panahong Meiji ang kabuoang bilang ng mga muniispalidad sa 15,859 mula sa dating 71,314.

Naganap naman ang ikalawang bugso na binansagang "ang dakilang mga pagsasanib sa Shōwa" (昭和の大合併, shōwa-no-daigappei) noong kalagitnaan ng dekada-1950. Binawas nito ang bilang ng mga munisipalidad nang higit sa kalahati, mula 9,868 munisipalidas sa 3,472 munisipalidad.

Iba ang pamamaraan ng munisipal na mga pagsasanib sa mga pulong prepektura ng Hokkaidō at Okinawa.

Pagpapangalan ng bagong mga munisipalidad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang bagay na kailangang isaalang-alang ang pagbibigay ng pangalan sa bagong munisipalidad na bunga ng pagsasanib. Minsang sumisira sa mga usaping pagsasanib ang hindi pagkakasundo sa pangalan. Kapag mas-malaki ang lungsod kaysa mga bayang sumanib dito, walang alitang magaganap; payak na iiral ang pangalan ng lungsod. Ngunit kapag hindi gaanong nag-iiba ang laki nila, humahantong ito sa mahabang mga sigalot. Maaaring lutasin ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagsunod sa pangalan ng distrito. Isa pang madaling kalutasan ang payak na pagtatambal ng pangalan, ngunit ang paraang ito na malimit sa Europa ay kakaiba sa Hapon. Sa halip, kadalasang dinadaglat ang mga ito. Bilang halimbawa, ang purok ng Ōta (大田) ng Tokyo ay isang portmanteau ng Ōmori (森) at Kamata (蒲). Waring hindi pinili ang pangalang Ōkama dahil sa pagkahawig nito sa 'okama', isang salitang nakapagpababa ng pagkatao para sa homosekswal. Ang dating bayan ng Toyoshina, Nagano ay isang akronim ng apat na pinagnunuang mga nayon: Toba, Yoshino, Shinden, at Nariai. Gayunpaman, sinanib ang mga bayan ng Toyoshina, Akashina at Hotaka pati ang mga nayon ng Horigane at Misato, pawang lahat ay sa Prepektura ng Nagano, noong 2003 upang maitatag ang bagong lungsod ng Azumino.

Isang malimit na paraan ay paghihiram ng pangalan ng isang kalapit na kilala lugar at pagdaragdag ng direksiyon, tulad ng Nishitōkyō ("Kanlurang Tokyo"), Kitakyūshū ("Hilagang Kyūshū"), Higashiōsaka ("Silangang Osaka"), Shikokuchūō ("Gitnang Shikoku") at ng kamakailang Higashiōmi ("Silangang Ōmi"). Minsang gumagamit ng mga pangngalanag may kanais-nais na mga kaisipan ang ilang mga bayan, tulad ng kapayapaan (平和, heiwa), luntian (, midori), o kinabukasan (未来, mirai).

Isang katangian ng mga pagsasanib sa panahong Heisei ay ang mabilis na pagdami ng mga pangalang hiragana. Nakagisnan nang isulat ang mga pangalan ng mga lungsod ng Hapon sa Kanji lamang. Ang unang halimbawa ng "mga munisipalidad na hiragana" ay ang Mutsu (むつ), na binago ang pangalan noong 1960. Dumami sa 45 ang bilang ng mga ito pagsapit ng Abril 2006. Kabilang dito ang Tsukuba (つくば), Kahoku (かほく), Sanuki (さぬき), Tsukubamirai (つくばみらい), at Saitama (さいたま), na pinataas ang katayuan sa itinalagang lungsod noong 2003. Ang pagtatag ng Minami-Alps noong 2003 ay ang unang halimbawa ng isang pangalang panlungsod na nakasulat lamang sa katakana.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]