Epiko

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ugnay-Panitikan

Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti mo nang


nakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na Bakit nagpatuloy ang
paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? At
upang maging matibay ang iyong pag-unawa sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng
pansin ang mahahalagang impormasyon .

Alam mo ba na ...
EPIKO
Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas
ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito
tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala.
Mga Anda ng Epiko:
1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani.
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan.
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
8. Pagkamatay ng bayani.
9. Pagkabuhay na muli ng bayani.
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
11. Pag-aasawa ng bayani.
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa sa tema,
ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing
babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng
epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.




Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema
katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
mga supernatural na gawa ng bayani
pag-ibig at romansa
panliligaw pag-aasawa pagbubuntis mga yugto ng buhay
kamatayan at pagkabuhay
pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging
mga ritwal at kaugalian
ugnayan ng magkakapamilya

Ang Lalaking Bayani
Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani.
Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal,
sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na
katangian

Ang Pangunahing Babaeng Karakter
Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng
bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina.
Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa,
naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-
unawa sa aralin. Nais kong suriin mo ang mga pangyayari sa epikong iyong binasa.
Nailarawan ba nang tiyak ang mga pangyayari sa nasabing epiko? Malaki ba ang
ginampanang papel ng pang-abay na pamaraan upang maging tiyak ang mga
pangyayari sa epiko? Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa
gayoy iyong matukoy ang sagot sa mga tanong.



GAWAIN 1.1.3.e : PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA
Ilang Epiko sa Pilipinas
Biag ni Lam-ang- Ilokos
Maragtas- Bisaya
Bantugan- Mindanao
Hudhud - Ifugao
Darangan Muslim

1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ng
pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos?
Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? Isulat ang sagot sa sagutang papel.












Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sa
pamamagitan ng relasyon nito sa kasamang pandiwa. Bukod sa impormasyong
ito, paano mo pa kaya makikilala ang pang-abay na pamaraan. Subukin mong
sagutin ang susunod na mga gawain upang higit na mapagyaman ang iyong
kaalaman sa araling panggramatika .

2. Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.


a. Sila ay _________na sumakay sa b. Silay_______ na nakarating
sinalimba at pumunta sa tahanan ni Batooy.
sa Katuusan, kung saan lupa ito
nang walang kamatayan.

1.Agad-agad na naghanda si
Tuwaang

2.Naghanda nang mabilis si
Tuwaang para sa kaniyang
paglalakbay.

3. Binato nang napakalakas ni
Tuwaang ang binata.

4. Ang binata ay unti-unting
namatay.


Ang kaugnayan ng mga
salitang nakahilig sa
pandiwa ay
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
__________________
____________________
___
____________________
___
____________________
___


c.________ tinanggap ni Gungutan d._______na nakipaglaban si
ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang.

Nakatulong ba ang ang mga larawan upang madali mong makilala at
magamit ang mga pang-abay na pamaraan? Subukin mong sagutin ang susunod na
gawain upang higit pang mataya ang antas ng iyong pag-unawa sa araling ito.

3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang
mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat sa sagutang papel.

Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo
uwian?

Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang
naglalabasan ang aking mga kamag-aral.

Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita
kitang _______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan.

Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.

Jewill: Bakit ?

Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol
sa epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa
Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik
sa kanyang leksiyon.

Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang
klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng
takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.

Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming
salamat. O paano? _________ na kaming aalis. Paalam.








Mula sa isinagawang pagsasanay, naging malinaw na ang kilos ay inila-larawan
o binibigyang-turing ng pang-abay. Kapag ang inilarawan ay ang paraan kung paano
ginawa ang kilos , ito ay pang-abay na pamaraan. Upang lubos mong maunawaan ang
tungkol dito, basahin mo ang susunod na bahagi.

Alam mo ba na ...

ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN

Ang pang-abay na pamaraan ay
naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinapahayag ng
pandiwa.

Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang
nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa:
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit
2. Natulog siya nang patagilid.
3. Bakit siya umalis na umiiyak?
4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata
5. Naluluha siya nang nagpasalamat.

Naging malinaw ba sa iyo na sa tulong ng mga pang-abay na pamaraan ay
naging tiyak ang detalye ng kilos ng bawat tauhan? Sa iyong palagay, nakatulong ba
ang mga ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa akda? Ang
mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito ay makatutulong upang higit
mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling tinalakay.

sabay-sabay isa-isa pagalit dahan-dahan
ganadong-ganadong
Ugnay-Wika
Ang bahaging ito ng aralin ay tutulong upang mataya ang lalim ng iyong pag-
unawa sa mga konseptong natutuhan.Sa bahaging ito ay makakikilala ka ng kaugnay
na teksto na iyong magiging gabay sa ganap na pagkatuto. Mahalagang maiugnay mo
ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Gayundin,
magiging kapaki-pakinabang ang tekstong babasahin kung iyong mailalapat ang mga
natutuhan .

Basahin at unawain.






























VII. Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1)
A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos)
Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman.

Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti.
Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. Mang
Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at kamiy ayaw ninyong bigyan
ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?
Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking
pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa
pagdaralita.Akoy lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang
makapaghanapbuhay.
Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay
walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay
mamamayani, ang paliwanag ni Mang Ibiong.
Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin
kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan
ng hanapbuhay.
Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng
Presidente ng Senado. Siyay isa lamang hamak, ngunit siyay tinanggap na
parang isang mahal na tao.Ang inaalala niyay baka ang pangakong hanapbuhay
ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay
sadyang masarap mangako.
Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na
ng isang tao po . Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-
agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng
Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-
simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. Napamangha si Mang Ibiong. Hindi
niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang Presidente ng Senado.

B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ng
alamat. Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at pamaraan )
sa pagbuo ng dalawang bahagi.Isulat sa papel ang iyong sagot.
(10 puntos)










C. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kabayanihan na dapat ipakita ng isang
Pilipino sa kasalukuyang panahon. (10 puntos)

Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa
lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang
pangalan ni Aging. "Ang halamang iyan ay si Aging," wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging"na di nagtagal
ay naging Saging.

Halaw sa Alamat ng Saging

You might also like