Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Ang Babae sa Nam- Xuong ( Lee Huy Hap )
Halaw sa Maikling Kwento ng Vietnam
May mag- asawang nasa kabataang gulang pa na maligayang naninirahan sa isang pook na malapit sa Nam- Xuong. Kapiling nila sa kanilang maliit na tahanan ang isang taong gulang na anak na lalaki. Ang mag-asawa ay kuntento na sa kanilang buhay kahit ano pa man ang kalagayan ng panahon. Sa gabi'y magkapiling silang nauupo sa harap ng liwanag ng kanilang ilawang langis. Tahimik ang babae at ibig niyang pakinggan ang tinig ng asawa. Habang nagkukwento ang lalaki ay nananahi naman ang babae. Mahal na mahal nila ang kanilang anak na lalaki. Saan man sila magtungo ay kasama nila ito at palagi rin nila itong nilalaro sa kanilang maliit na tahanan. Isang araw ay tinawag ng hukbo ang lalaki upang maglingkod na sundalo. Nagpaalam siya sa asawa upang tumupad sa tungkulin at nagsabing lagi niyang babalitaan ang asawa ng kanyang kalagayan. Gayon na lamang ang kalungkutan ng babae nang magpaalam ang asawa. Nagtataka ang batang lalaki kung bakit hindi siya maaaring sumama sa kanyang ama sa pag- alis nito. Labis na nangungulila ang mag- ina sa pag- alis ng lalaki. Lumipas ang mga araw at buwan ngunit walang balita mula sa lumisang lalaki. Tuwing gabi, sa tuwing sisindihan ng babae ang ilawang langis ay nagugunita niya ang asawa at labis siyang nalulumbay. Waring nakikita niya ang kabiyak ng puso na nakaupo sa silyang palagi nitong inuupuan noong kapiling pa nila. Sa maikling panahon ay nakaliutan na ng batang lalaki ang kaanyuan ng ama. Lumipas ang tag- init.Sinundan ng taglagas, hindi pa rin bumabalik ang lalaki. Nang kalagitnaan ng taglamig ay bumaba ang temperatura. Umulan ng yelo at lubhang lumalakas ng hangin. Umuga ang kanilang maliit na tahanan, namatay ang langis at bumukas ang pinto sa lakas ng hangin. "Ina, natatakot ako!" ang sigaw ng batang lalaki. Niyakap ng ina ang anak. Sinindihan niya ang ilawang langis at isinara ang pinto. Ibinalik nang maayos sa higaan ang batang lalaki. Naupo ang ina sa dulo ng kama ng anak at tiningnan ang lokasyon ng liwanag ng ilaw na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Inayos niya ang sarili na nakatalikod siya sa liwanag at sinabi sa anak na tumigin sa dingding sa tabi nito. Tinignan niya ang anino at sinabi sa anak na, "Huwag kang matakot. Tignan mo, narito ang iyong ama upang pangalagaan ka." Nakatulog nang mahimbing ang batang lalaki. Nang sumunod na gabi sa oras ng pagtulog ay nagtanong ang bata, "Darating bang muli si Ama ngayong gabi?" Binalot ng blanket ng ina ang anak at sinabing "Narito na siya, tumingin ka sadingding." Ang natutuwang bata ay tumingin sa dingding, ipinikit nag mga mata at matiwasay na natulog. Nang sumunod na gabi ay sinabi ng bata sa ina na handa na siyang matulog. Binalot niya ng blanket ang sarili at tinanong ang ina, "Darating ba si Ama?" "Narito na siya," ang sagot ng ina. Ang anino ng babae ay nasa dingding na katabi ng bata. Ngumiti ang batang lalaki at natulog na. Ang ina ay nasiyahan na sa mga ganoong pangyayari. Tuwing gabi, mga ilang sandali kapag tulog na ang anak, ay nananatili siya sa tabi ng anak na may anino sa dingding na sinabi niya sa anak na ama nito. Sa mga ganoong pagkakataon ay nadarama niyang kapiling nilang mag- ina ang kanyang asawa. Sa wakas ay umuwi na rin ang ama ng tahanan. "Salamat sa ating mga ninuno sa Nam- Xuong at nakauwi ka na," ang naibilas ng babae. "Kukuha ako ng ating pagkain habang inaayos mo ang altar." Bagama't hindi nakikilala ng bata ang ama, siya'y masaya sa piling na lalaking bagong dating. "Pakibantayan mo ang bata habang wala ako," ang patuloy ng babae. Samantalang inaayos ng lalaki ang altar ay tinawag niya ang anak, "Halika, anak, umupo ka sa tabi ng iyong ama." "Hindi ikaw ang aking ama," ang sagot ng bata. "Bakit mo nasabi iyan?" ang tanong ng lalaki. "Sapagkat hindi ikaw ang lalaking nakikita ko gabi- gabi sa tabi ng aking higaan," ang tugon ng bata. Hindi nalaman ng ama ang isasagot. Naghinala siya na may lalaki ang kanyang asawa na dumadating sa kanilang tahanan gabi- gabi. Inakala niya na mahal siya ng asawa at hinihintay ang kanyang pagbabalik. Iyon pala ay nakatagpo na ito ng ibang lalaki na ipapalit sa kanya. Sinakmal siya ng panigbuho at nanalaytay sa kanyang mga ugat ang matinding poot. Kumulo ang kanyang dugo sa kanyang anak at sa nagpanggap na ama nito. Nagmamadaling umuwi ang babae sa pananabik na makapiling ang asawa, gayon na lamang ang kanyang pasasalamat at ligtas itong nakabalik. Nagtaka siya kung bakit hindi pa natatapos ayusin ng lalaki ang altar at itinanong niya ang dahilan. Sa halip na sagutin ng lalaki ang tanong ng asawa ay nagmamadali siyang lumabas at pabalagbag na sinara ang pinto. Dumaan ang mga araw, hindi na bumalik ang lalaki. Hindi nakayanan ng babae ang pangungulila sa asawa kaya binalot ng babae ang anak at inihabilin sa isa nilang kapitbahay. Pagkatapos ay nagmamadali siyang lumisan bago dumaloy ang mga luha sa kaniyang mga mata. Mabilis siyang tumakbo at nagtungo sa ilog. Lumundag siya sa malamig na tubig at nalunod. Nang nalaman ng lalaki ang ginawa ng asawa ay umuwi siya. Kumakatok sa pinto ng kapitbahay na pinag- iwanan ng babae sa bata at ibinigay sa ama ang bata. Gabi na noon kaya hiniga na ng lalaki ang anak sa kama nito. Umupo siya sa bahagi ng higaan na palaging inuupuan ng babae noong buhay pa ito. "Bumalik na ang aking ama," ang masayang- masayang wika ng bata habang nakatitig sa anino ng dingding. Ang paghininala ng lalaki ay napalitan ng matinding kapighatian. Hindi na siya nag- asawang muli at iniukol na lamang niya ang nalalabing panahin sa kanyang buhay sa pagmamahal anak.