Document 31

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamagat : PADUGO

Pagkilala sa May-akda:

Ang tulang “Padugo” ay isinulat ni Jerry B. Gracio. Si Jerry Bayoca Gracio ay isang premyadong makata at
manunulat sa pelikula at telebisyon. Siya ay ipinanganak sa distrito ng Tondo ng Maynila, ngunit ginugol
ang kanyang pagkabata sa maliit na nayon sa Nenita sa bayan ng Modragon, Hilagang Samar. Pinag-
aralan niya ang Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. Kabilang sa kanyang parangal
at parangal ay ang Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa Panitikan para sa tula, maikling katha,
at iskrinplay, tatlong Screenwriter’s Prize mula sa Film Development Council of the Philippines, at ang
Poet of the Year Award (Makata ng Taon 2005) mula sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Ang kanyang unang libro, Apokripos , iginawad sa 2006 National Book Award ng Manila Critics Circle at
hinirang para sa Madrigal-Gonzales Best First Book Award. Nagwagi rin si Gracio ng Gawad Likhaan: The
University of the Philippines Centennial Literary Prize para sa kanyang koleksyon ng tula na Aves . Siya
ang Pinakahusay na kapwa ng 21 st UP National Writers Workshop. Itinuturing ng mga kritiko si Gracio
bilang isa sa pinaka-natatanging tinig sa napapanahong tulang Filipino. Siya ay kasalukuyang naninirahan
sa Lungsod ng Valenzuela, kung saan pinarangalan siya ng Gawad na si Dr. Pio Valenzuela, ang
pinakamataas na gantimpala na ibinigay ng lungsod sa mga natitirang mamamayan nito.

Estraktura:

1. Sukat, Saknong at Taludtod

Ang tulang pinamagatang “Padugo” ay isang halimbawa ng malayang taludturan. Ito ay walang
sinusunod na sukat at hindi isinasaalang-alang ang tugma sa bawat taludtod.

2. Teoryang Pampanitikan

Ang tulang “Padugo” ay may teoryang sosyolohikal sapagkat kapansin-pansin ang pagtalakay sa
kung ano ang nangyayari sa lipunan sa panahon na naisulat ang akda.

Ang tulang “Padugo” ay may teoryang formalistiko sapagkat makikita na madali itong
maintindihan at hindi na kailangan ng malalimang pagsusuri’t pag-unawa.

3. Paksa o Kaisipang taglay ng May-akda

Ang tula ay tungkol sa mga batang nawawala sa panahon ng pagpapatayo ng tulay. Habang
nagkukumayog ang mga magulang sa paghahanap-buhay ay may mga taong naglilibot upang
makahanap ng mga batang pwedeng kunin at gawing sakripisyo o alay ang dugo sa haligi ng San
Juanico Bridge para ito ay tumibay. Subalit, ito ay hindi makikita sa mga balita sa radyo pero ito
ay maririnig mula sa iba’t-ibang tao.

4. Talinghaga

Ang tula ay may simple at direktang salita na madaling maintindihan ng mambabasa.

5. Imahen o Larawang Diwa

Naipakita ng tulang ito kung ano ang nangyayari sa lipunan nuon. Ipinakita rin dito ang kung
gaano kahirap ang kalagayan ng mga mahihirap nuon at kung gaano kasakit ang nadarama ng
mga magulang na nawalan ng anak habang sila ay naghahanap ipangbubuhay sa kanila. Makikita
rin dito kung sino ba talaga ang tunay na nag sakripisyo para sa bansa

6. Tono

Ang tula ay may tono ng paghihirap sa nasapit ng mga nawalan, sakit na nadarama ng mga
magulang sa pagkawala ng kanilang mga anak at pagkapursigido na makamit ang hustisya.

7. Persona

Ang persona ng tula ay ang mga batang kalyeng nawawala sa panahon ng pagtayo ng tulay kung
saan sinasapit nila ang madugong pag-aalay at e sakripisyo sila para sa tulay upang ito'y maging
matibay.

8. Reaksyon/Komento:

Ang tulang "PADUGO" ay isang tulang nakakakilabot dahil sa pangyayari naisalaysay tungkol sa
pagtayo ng tulay na tinatawag ngayon na San Juanico Bridge, na nauugnay sa Samar at Leyte
kung saan ang dugo mismo ng mga bata ang naging pundasyon upang maging matibay ang
nasabing tulay. Nakakatakot din ito sapagkat may ibang kwento na ang katawan mismo ng bata
ang hinalo sa semento para gawing pundasyon din. Gayunpaman may mga karamihang tao na
naniniwala na kaya naging matibay ang tulay ay dahil hindi kurap ang mga Marcos, bagkus ito ay
naging panira lamang laban sa mga Marcos.

You might also like