Artikulo Hinggil Sa Populasyon
Artikulo Hinggil Sa Populasyon
Artikulo Hinggil Sa Populasyon
https://timescolumns.wordpress.com/2007/11/21/ang-lumolobong-populasyon-ngpilipinas/
EDITORYAL - Paglobo ng populasyon bigyang prayoridad
Updated May 7, 2006 - 12:00am
The PHILIPPINE STAR
imageANG populasyon ng Pilipinas ay tinatayang nasa 87,857,473 na at patuloy pa sa
pagdami. Parang may pabrika ng bata sa Pilipinas. At sa nangyayaring ito, walang
epektibong hakbang na ginagawa ang pamahalaan kung paano mapipigilan ang
pagdami. Tila hindi na nasusunod ang tungkulin ng pamahalaan na i-educate ang
taumbayan tungkol sa mga dapat gawin para maiplano ang pamilya.
Kapag hindi napigil ang paglobo ng populasyon, hindi na makaaahon sa kahirapan ang
bansa. Lalo pa ngayong may oil crisis na ang apektado ay ang mga bansang mahihirap
na kabilang ang Pilipinas. Paano pa kung hindi na matapos ang krisis sa langis at
patuloy pa rin sa pagdami ang mga Pinoys. Saan pupulutin ang bansang ito? Kung
patuloy ang kahirapan, tiyak na uusbong ang krimen. Maraming problema at walang
ibang papasan kundi ang pamahalaan mismo. Balewala ang pagsisikap ng mga
namumuno na mapaunlad ang bansa kung hindi naman nila bibigyang pansin ang
paglobo ng populasyon.
Ang pangamba na hindi na makaaahon sa kahirapan ang Pilipinas ang naging paksa ng
pulong ng mga miyembro ng United Nations Population Fund (UNPF) noong nakaraang
Martes. Sinabi ni Dr. Zahidul Huque, UNPF representative sa Pilipinas, na
hangga’t hindi nagkakaroon ng epektibong pagkontrol sa pagdami ng populasyon
ang Pilipinas, magpapatuloy ang kahirapan. Isang nararapat gawin ng gobyerno para
mapigilan ang pagdami ay maturuan ang mamamayan sa iba pang paraan ng
pagpaplano ng pamilya. Ipinagdiinan ni Huque ang kahalagahan ng reproductive health
issues na isang magandang paraan para matamo ang kaunlaran. Hindi raw basta
kaunlaran ang makakamit dito kundi kaunlarang pagmatagalan.
Lalo pang malulubog sa kahirapan ang bansa kung patuloy ang pagdami. Nararapat na
hindi lamang natural na pamamaraan ang ituro kundi pati na rin ang iba pang
makatutulong para hindi lumobo ang mga Pilipino. Wala namang ibang mahihirapan
kundi ang gobyerno na rin kung hindi malulunasan ang population explosion.
Iprayoridad ang pagkontrol sa pabrika ng mga bata.
http://www.philstar.com/opinyon/335438/editoryal-paglobo-ng-populasyon-bigyangprayoridad
PAGPIGIL SA PAGDAMI NG MGA TAO
Friday, August 24, 2012 by Alex V. Villamayor
Tatlumpung taon na ang nakalilipas nang mabasa ko sa isang maliit na karatula sa
isang tindahan ang mga katagang ito: Saan patutungo ang mundo sa pagdami ng tao?
At sa ibaba nito ay ang larawan ng ibat-ibang kahirapan ng mga Pilipino. Nung mga
panahon na iyon ay bata pa lamang ako ngunit nakadama na ako ng takot na ano nga
ba ang mangyayari kapag napuno na ng mga tao ang mundo. At nag-udyok pa nga sa
akin ang karatulang iyon upang makapagsulat ako ng maikling sanaysay tungkol sa
populasyon. Nakakalungkot isipin na makalipas ang maraming taon ay naruon pa rin
ang kaparehong katanungan. Mula apatnaput walong milyong populasyon nuong
simula ng dekada otsenta ay naduble sa mahigit siyamnapung milyon ang populasyon
ng Pilipinas ngayon. At nuong dekada rin na iyon ay pilit ng nilulutas ang kahirapang
bumabalot sa buong bansa. Ngayon, napakahirap ng sugpuin ang kahirapan dahil na
rin sa hindi nakontrol na pagdami ng tao mula nuong dekada otsenta hanggang
kasalukuyan.
Nabasa ko sa isang editoryal ang paliwanag kung bakit napakahalaga ang magkaroon
ng pagpigil sa pagdami ng tao. Napakadaling maintindihan kahit ng isang simpleng
mamamayan ang pagpapaliwanag sa artikulong iyon. Ang sabi, kahit hindi gaano
mabilis na lumaki o lumago ang ekonomiya ng Pilipinas ay hindi masasabing naghihirap
ang bansa kung ang mga tao ay tatlong beses kumakain maghapon,
nakakapagpagamot kung maysakit, nakakapasok ang mga bata sa pampublikong
paaralan. Ito ay kung kakaunti ang populasyon na tumatanggap ng serbisyo ng
pamahalaan. Dahil kahit mabagal ang paglaki ng yaman ng bayan ay kaunti lang
naman ang naghahati-hati. Ang sabi pa sa naturang editorial, lumiliit ang sukat ng
lupang taniman ng pagkain dahil sa mabilis na pagdami ng tao. Ang nangyayari ay
palaki ng palaki ang pag-angkat ng bigas, kinukulang na kasi ang ani ng mga
nagtatanim ng palay dahil ang dating palayan ay kabahayanan na ngayon. Nuon ay
ang Pilipinas ang pinakamalaking nagluluwas sa buong mundo ng mga produkto ng
niyog, ang pinakamalaking kalaban ng Brazil sa kalakalan ng asukal sa Amerika, at ang
pinakamalaking tagapagdala ng mga troso sa Japan. Ngayon ay nagmahal ang
mantika dahil lumiit ang ani ng niyog, kulang na ang asukal sa bansa, ang materyales
sa paggawa ng bahay ay bakal at konreto dahil wala na ring kahoy sa bundok ang
mga ito ay dahil wala ng mapagtaniman dahil nagiging kabahayanan ng mga
dumadaming iskwater ang mga lupain.
http://alex-insights.blogspot.com/2012/08/pagpigil-sa-pagdami-ng-mga-tao.html
Populasyon at kahirapan
BAHALA SI BITAG Ni Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 15, 2014 - 12:00am
IBA-IBA ang persepsyon at naging reaksyon ng publiko at mga nakaupo sa pamahalaan hinggil sa usapin ng
lumolobong populasyon. Marami ang nababahala, marami naman ang nagkukunsiderang isa itong hamon at
mala-king oportunidad para umunlad ang bansa.
Sa datus na inilabas ng Commission on Population, tinatayang aabot sa 100 milyon ang populasyon bago
matapos ang 2014. Sa kanilang estatistika, araw-araw, 5,574 ang bilang ng mga ipinapanganak na sanggol o
dalawang milyon ang naidadagdag sa census taon-taon.
Para sa ahensya, hindi na balanse ang populasyon ng Pilipinas dahil mas marami na ang bata kaysa sa mga
matatanda na may kapasidad at kakayahang magtrabaho at sumuporta. Subalit, para sa Malacaang ang
pagkapal ng populasyon, itinuturing hamon at oportunidad.
Tulad sa mga karatig-bansang Japan at Singapore na ginagamit ang lakas-paggawa, sa Pilipinas, itinuturing
rin ng pamahalaan na tao ang pinakamahalagang elemento at parte ng lipunan.
Sa kabila ng pagdami ng populasyon, itutuloy-tuloy din naman umano ng gobyerno ang mga proyekto para sa
mga mahihirap tulad halimbawa ng Conditional Cash Transfer Program. Nauna ng sinabi ng Commission on
Population na mas madali ang pag-unlad ng isang bansa kung kakaunti lang ang populasyon nito.
Paulit-ulit na inaanunsyo ng kasalukuyang administrasyon na papaangat at papaganda ang lagay ng ekonomiya. Pero ang malaking katanungan, ramdam ba ito ng taumbayan o ang malaking porsyento ng populasyon
ng bansa?
Kahit anupang datos ang ilabas ng mga survey firm tungkol sa pag-unlad kung hindi naman ramdam ng
publiko marami pa rin ang mga kumakalam ang sikmura, wala rin itong kabuluhan.
Tulad ng lagi kong sinasabi sa aking programa sa BITAG sa Radyo, taumbayan pa rin ang pinaka-mabisang
sukatan kung talaga nga bang umuunlad ang isang bansa.
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/01/15/1278917/populasyon-kahirapan
POPULASYON NG PILIPINAS
Marami ang nagtatanong ilang milyon na nga ba tayong mga Pilipino? Sapat pa ba ang
kakayahan ng gobyerno upang tugunan ang lumolobong populasyon ng bansa? May
plano ba ang gobyerno para limitahan ang populasyon ng bansa? Ilan lamang yan sa
mga tanong na naglalaro sa isipan ng inyong patnugot.
Ang Pilipinas ay ika-12 bansa sa buong mundo kung sa laki ng populasyong ang pag
uusapan na aabot sa halos 92 na milyon nitong taong kasalukuyan. Habang ang
Maynila naman ay ika 11 lungsod na pinakamalaki ang populasyon sa buong mundo.
Ito na marahil ang maituturing na panakamalaking balakid sa ating pag unlad, ang
paglobo ng populasyon. Maikukumpara sa isang pamilya ang ating bansa. Na kahit na
anong gawing kayod ng mga magulang, wala pa rin itong maidudulot na ginhawa kung
sangkatutak ang kanilang anak. Hindi sapat ang kanilang kinikita upang maitustos sa
kanilang pagkain at pangunahing pangangailangan. Dyan nasasakripisyo ang kanilang
kalusugan at edukasyon. Dahilan sa kapos sa pananalapi hindi na nila kanayang
gumastos para sa kalusugan at sa edukasyon. Ganito rin ang kalagayan ng ating
gobyerno, kahit na anong trabaho pa ang gawin ng gobyerno hindi nito kayang tugunan
ang pangangailan ng bawat Pilipino.
Bakit nga ba hindi maisabatas ang "Reproductive Health" sa ating bansa? May mga
nagtatangkang ipasa ang "Reproductive Health Bill" ngunit ito ay mariing tinututulan ng
simbahan at ilang konserbatibong grupo. Ang sabi nila'y ito raw ay isang paglabag sa
utos ng ating Panginoon, may nagsasabi namang ito raw ay isang imoral, na
magbubunsod sa tinatawag nating "premarital sex" sa mga kabataan.
Ang "Reproductive Health Bill"ay naglalayong hikayating ang taong bayan na sumubok
sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya sa makalumang paraan man o sa
makabagong pamamaraan. Layunin din nito na pangalagaan ang kalusugan ng ina at
kanyang sanggol. At ang pangunahing layunin nito ay ang limitahan ang dami ng ating
populasyon.
Sa aking pananaw ang isyu sa populasyon sa ating bansa ay mahalaga. Oo ngat ang
isang bansang may malaking populasyon ay may malakas na lakas paggawa. Hindi pa
rin natin masasabing ito ay isang lakas,dahil sa pag malaki ang populasyon malaki rin
ang "demand" sa pagkain na halos wala na rin tayong mapagkunan,dahil sa sobrang
siksikan na ang mga tao sa bansa. Ang mga bukirin ay ginagawa na rin nating mga
kabahayan. Kulang na rin ang ating mga likas na yaman para sa lumolobong
populasyon. Kaya panahon na para aksyunan ng gobyerno ang problema sa
populasyon, nang sa gayon ay tuluyan na tayong umasenso. Huwag tayong magpatali
sa mga taong sarado ang isipan tungo sa pag unlad. Asikasuhin natin ang kinabukasan
ng bawat Pilipino. Huwag nating pahirapan ang ating mga sarili dahil sa marami tayong
mga pinapakain at gingastusan. Mag isip tayo ng wasto.
http://jared-akoito.blogspot.com/2009/08/populasyon-ng-pilipinas.html