Pagsusuri Sa Nobela

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PAGSUSURI

ISTRUKTURA
Sunud-sunod ang paglalahad ng pangyayari sa nobelang daluyong. Madaling mahuli
ng mga mambabasa ang magiging wakes ng kuwento. Nagiging mabilis ang daloy ng mga
pangyayari sapagkat hindi masyadong masalimuot ang paglalahad. Ang bawat tauhan ay
nakapagpaliwanag ng kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng kanilang mga binanggit na
pahayag sa nobela. Nailarawan din ang mahahalagang tagpo o eksena sa tamang lokasyon o
tagpuan.
TEORYA
REALISMO
pinakita ang pagiging makatotohanang paglalahad at pahlalarawan ng mga bagay, tao at
lipunan. Halimbawa ay ang paninilbihan sa mga mayayaman ng isang mahirap na tao.
KLASISMO
sa nobela, mas ginamit ni Lino ang kanyang isipan kaysa sa damdamin ng kanyang pinasyang
iwasan si Ms. Sachez dahil sa naisip niyang alangan siya dito.
SIMBOLISMO

Gumamit ang may akda ng mga simbolismo tulad ng daluyong o malaking alon para
magbigay katanungan sa mambabasa kung paano magkakaugnay ang isang daluyong na
ginamit bilang pamagat ng nobela sa kwento ng nobela

Pinapakita ng isang daluyong ang isang patuloy na pag agos ng alon sa buhay ng
isang tao. Hindi kailanman humihinto o tumitigil ang pag alon nito, minsay mapanganib
minsay hindi, minsay mahina at minsay napakalakas
MGA BISA

BISA SA ISIP:
Maraming bagay ang naging bago sa aking isipan o mga nalalaman ko na ngunit hindi ko pa
maintindihan. Sa ating lipunan ngayon ay talamak na ang paninilbihan ng mga mahihirap
sa mga mayayaman, ito ay dahil lamang sa labis na kahirapan. At ito naman ay
sinasamantala ng mga ganid na tao. Sa nobela ay ipinakita ang mga kapalaluang ginawa ng
mga asyendero sa mga magsasaka na kung ating iisipin ay hindi nila dapat gawin sa mga
taong tumutulong upang maging maunlad ang kanilang asyenda. Bagkus, dapat pa nilang
turuan at tulungan ang mga ito Hindi tamang sabihin o gawin na para makabayad ng utang
na loob ay kailangan mong magsakripisyo ng iyong sarili o damdamin. Sa kalagayan ni Lino,
kanyang isinasantabi ang kanyang naramdaman para lamang pagbigyan si Koronel Roda.

BISA SA DAMDAMIN
ang naiwang bisa sa damdamin ko bilang isang mambabasa ay halu-halong damdamin mula sa
umpisa ng kwento hanggang sa wakas nito, at mula sa mga tauhang nagsiganap sa nobelang
ito. Paghanga kay Padre Amando sa kanyang pinakitang kabaitang loob na pagtulong sa
mga magsasaka, pagkainis kay Lino sa kanyang pagpili ng kanyang isipan kaysa sa kanyang
nadaramang pagmamahal kay Ms. Sachez, pagkagalit kay Don Tito dahil sa pagkagahaman
nito at kasamaang loob nito at malungkot sa nangyaring pagmamahal ni Ms. Sachez kay
Lino.

BISA SA KAASALAN
tunay ngang ang nobelang ito ay may magandang maituturo sa lahat ng tao. Dahil pagnabasa
at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na nais ipahatid ng aklat at ang
tunay na nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Dahil dito malalaman natin ang
samotsaring mga problema na nagsisilbing halimbawa para sa ating lahat na gumagabay sa
atin kong paano ito lulusutan. Ang problema ay hinaharap at hindi tinatakbuhan. Mayaman
man o mahirap, ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Hindi hadlang ang
kahirapan para maiahon ang sarili sa kahirapan.

You might also like