Aralin 15-16 Buod

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALIN 15

Ang Pagbabalik Sa Albanya At Mga Bilin ni Maestro Antenor


(Buod)
Natauhan si Florante sa mga bisig ni Menandro. Muli siyang nanaghoy sa pagkawala ng kanyang ina.
Siya'y dinamayan ng kanyang mga kamag-aral at guro na nagpalakas sa kanyang loob.
Lumipas ang dalawang buwan at dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo na hinihiling na siya'y
umuwi na muna sa Albanya. Pinaalalahanan siya ni Maestro Antenor na mag-ingat kay Adolfo.
Lubos ang kalungkutan ni Florante, pati na ang kanyang mga kaibigan sa Atenas, ngunit alam niyang
kailangan niyang umuwi sa Albanya. Nangako naman si Menandro na hindi niya ito pababayaan. Siya'y
uuwing kasama ang kaibigan.
Nilisan ng dalawa ang Atenas at nang sila'y makarating sa Albanya, tumuloy sila sa bahay nina
Florante kung saan naghihintay sa kanila ang Duke. Pinasalamatan nito si Menandro sa kanyang
pagsusubaybay sa kaibigan.
ARALIN 16
Sa Kaharian ng Krotona
(Buod)
Sa gitna ng pag-uusap ng mag-amang Duke Briseo at Florante ay may dumating na sugo mula sa
kaharian ng Krotona at may dalang liham para sa Duke.
Ang liham ay galing sa biyenan ng Duke na naging hari ng bayang Krotona. Naglalaman ito ng
paghingi ng tulong sa kasulukuyang hari ng nasabing bayan na si Haring Linseo dahil ang kanilang kaharian
ay nasa panganib at kubkob na ng mga moro.
Pagkabasa sa liham, hindi na nag-aksaya ng panahon ang mag-ama. Agad nilang tinungo ang palasyo
ni Haring Linseo. Tinanggap naman sila ng hari ng buong tuwa.

You might also like