Mga Gunita NG Himagsikan by Emilio Aguinaldo
Mga Gunita NG Himagsikan by Emilio Aguinaldo
Mga Gunita NG Himagsikan by Emilio Aguinaldo
This section focuses on the memoir written by General Emilio Aguinaldo which narrates
significant events his life and career from 1928 to 1946. The memoir tells the life of Aguinaldo
from his early years up to the 1897 Treaty of Biak-na-Bato,
Emilio attended high school at the Colegio de San Juan de Letran but had to stop on his fourth
year because of his father’s death. He then took responsibility of helping his mother run their
farm. In 1895, at the age of 25, he became Kawit’s first “gobernadorcillo capitan municipal.”
Aguinaldo became a Freemason during this year, joining Pilar Lodge No. 203, Imus, Cavite with
the codename “Colon.” He also joined the Katipunan and used the nom de guerre “Magdalo” in
honor of Mary Magdalene.
Aguinaldo would later become the first and youngest President of the Country by being President
of the First Philippine Republic. His presidency was cut short when he was captured by the
American Soldier in Palanan, Isabela where he pledged his loyalty to the American Government
thus dissolving the First Republic. He tried to rejoin politics by challenging Manuel L. Quezon in
the 1935 presidential election but he lost, leading him to retire from public life. Nevertheless,
Aguinaldo continued to serve the government politically under the succeeding administrations.
President Elpidio Quirino appointed him as member of the Philippines Council of State in 1950.
Emilio Aguinaldo died of coronary thrombosis on February 6, 1964. He was 94 years old. In his
lifetime, he was able to witness the administration of succeeding presidents of the Philippines
until the term of President Diosdado Macapagal.
Nevertheless, it was presumed by Amberth Ocampto (2017), that a second volume was also
drafted by Aguinaldo, which could have covered the resumption of the Philippines revolution
against Spain and Philippine-American War. Until now, no one know whether it was actually
written but Ocampo hints that it might be hidden in a secret compartment, drawer, or passageway
in the Aguinaldo Shrine in Kawit, Cavite.
"Nang matapos ang masayang pagpapaalaman, ang Supremo at mga kasamahan, ay sumama na
sa Pamunuan ng Magdiwang. Gayon na lamang ang karingalan at kasayahang naghari sa
pagsalubong na ginawa ng mga bayang kanilang pinagdaanan. Sa hanay na may siyam na
kilometro ang haba, mula sa Noveleta, hanggang sa San Francisco Malabon, ang lahat halos ng
mga bahay ay may mga palamuting balantok na kawayang kinaskas at pinalamutihan ng sari-
saring watawat, tanda ng maringal na pagsalubong at maligayang bati sa dakilang panauhin.
Isang kilometro pa lamang ang agwat bago dumating sa kabayanan ng San Francisco de
Malabon, ang Supremo Andres Bonifacio, sinalubong agad ng isang banda ng musika at nang
nasa pintuan na ng simbahan at nirupiki ng gayon na lamang ang kampana.
Ang malalaking aranya at dambana sa loob ng simbahan ay pawang may sindi ng ilaw. At ang
kurang Tagalog na si Padre Manuel Trias, saka ang "Pallo," ay naghihintay naman sa mga
panauhin sa pintuan ng simbahan, at pagkatapos ay kumanta ng Te Deum, hanggang sa dambana
na kaakbay ang mga panauhin. Pagkatapos ng ganyang parangal sila'y itinuloy sa bahay ni
Binibining Estefania Potente.
Lubhang masaya sila parati, palibhasa'y ang labing-dalawang bayan na kanilang nasasakupan ay
di naliligalig sa anumang laban. Sila'y naliliskub halos ay nanga sa likuran ng mga bayang
maliligalig tuwina ng Pamahalaang Magdalo.
Nang matapos ang ilang araw na parangal sa Supremo at mga kasama, dinalaw nilang lahat ang
labing-dalawang bayang nasasakupan nila bilang paghahanda sa gagawing pagpipisan ng
dalawang Sangguniang Magdiwang at Magdalo. Nangagtalumpati sila at anangaral ng pagka-
makabayan at iba pang makagising-damdaming pangungusap ukol sa kalayaan. Sabihin pa, ang
galak ng mga taong bayan, kaya't gayon na lamang karingal ang pagtanggap sa kanila at para
bang isang HARING BAYAN nga ang dumating. Ang mga daan ay pawang binalantukan, may
banda ng musika at panay ang hiyawan ng "Viva Tagalog," magkabi-kabila. Ang mga kampana'y
halos mabasag sa pagrurupiki sa mga simbahan niyang pinatutunguhan, may mga dapit pa ng
cereales at awit ng Te Deum.
Gayon man ang matatapang nating sandatahan sa ilalim ng mando ni Heneral Mariano Noriel at
Heneral Pio del Pilar, ay agad-agad dinaluhong ang mga kalaban, kaya't putukan at tagaang
katakut-takot ang naghari pagkatapos. Sa wakas, muli na namang nagtagumpay ang ating mga
kawal, at ang Ilog Zapote ay muling namula sa dugo ng mga kalaban. Ganyan nang ganyan ang
nangyayari parati sa buong hanay ng aming labanan."
"Hindi ko pa nasasagot ang kanilang pakay sa akin, agad-agad ay isinalaysay sa akin ang mga
sumusunod na pangyayari sa halalan:
Dalawa lamang kandidato ang napaharap, at ito'y ang Supremo Andres Bonifacio at si Heneral
Emilio Aguinaldo. Pagkatapos ng halalan ay lumabas noon din at ipinasiya ng Kapulungan sa
pamamagitan ng Supremo Andres Bonifacio, na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang siyang
pinagkaisahan at pinagbotohang maging Kataas-taasang Puno o taga-Pangulo ng
Manghihimagsik.
Nagtaka sila diumano kung paano nangyari, na ang Supremo Andres Bonifacio na siyang
nagpahanda ng nasabing pag-iisa at siya pang pangulo sa nasabing pulong, ay kung bakit ako ang
inihalal ng karamihan laban sa Supremo Andres Bonifacio.
Isinunod ang tungkuling Vice-Presidente. Ang Supremo Andres Bonifacio, ay muling
ikinandidato, subalit tinalo siya ng kanya ring Ministro de Gracia y Justicia, na si Heneral
Mariano Trias, at noon din ay ginawa ang proklamasyon.
Isinunod ang tungkuling Kapitan Heneral, ay nagtunggali naman ang dating Kapitan Santiago
Alvarez, anak ni Virey Mariano Alvarez, at si Heneral Artemio Ricarte, isang Ilocano. Bagama't
tumutol si Heneral A. Ricarte sa pagkakahalal sa kanya, dahil diumano sa kawalan niya ng kaya
sa gayong tungkulin, ay iniurong din niya pagkatapos nang hindi tanggapin ng mesa. Isinunod
dito ang proklamasyon sa kanya.
Dito nagmula ang gulo ng Kapulungan, subalit wala namang sinumang pumangalawa kay
Heneral Tirona, kaya't wala ring kabuluhan ang nasabing pagtutol. Gayon man, sa sama yata ng
loob ng Supremo kay Heneral Daniel Tirona, ay agad-agad siyang tumindig at sinabi ang ganito:
"Hindi baga bago tayo nagpulong ay pinagkaisahan natin na sinuman ang lumabas o mahalal sa
Kapulungang ito, ay ating susundin at igagalang ng lahat?"
"Kung gayon" - patuloy niya, "Bakit nang ako ang napahalal ay may tumututol?
At sa di mapigil na sama ng loob ng Supremo, ay agad binunot ang kanyang rebolber at anyong
papuputukan si Heneral Daniel Tirona, sa gitna ng di magkamayaw na gulong naghari. Salamat
na lamang at napigil ni G. Jacinto Lumbreras at ni Heneral Artemio Ricarte, ang masamang
tangka ng Supremo. Si Heneral Tirona naman ay maliksing nakapagtago at nagsuut-suot sa
kakapalan ng mga Asemblesista kaya hindi natuloy ang pagtudla sa kanya.
Palibhasa'y hindi yata mapigilan ng Supremo ang sama ng loob, bakit maikatlo pang natalo sa
halalan, bagama't napayapa ang gusot at tahimik na ang lahat, pagdaka'y tumindig siya at sinabi
sa kapulungan ang ganito:
Sa ganyang pangyayari, ay naligalig sandali ang kapulungan, ngunit biglang tumahimik nang ang
delegado ng lalawigang Batangas, na si Koronel Santiago Rillo, na kumakatawan sa may 2,000
manghihimagsik, ay nagtindig at isinigaw sa Supremo na huwag siyang umalis, pagka't
proklamado na siya sa pagka-Secretario de Interior, bukod sa ang mungkahi ni Heneral D.
Tirona, laban sa kanya ay wala sa orden, pagka't walang sinumang pumangalawa, at dahil dito'y
walang anumang bisa. Gayon man ay di nangyaring napigilan ang Supremo at patuloy nang
umalis nang walang paalam.
Dahil sa kaguluhang nangyari, at sapagka't hindi napigilan ang Supremo, sa kaniyang pasiya na
lisanin ang kapulungan, si Santiago Rillo, delegado ng Batangas, ay tumayo at nagtanong sa
madla kung sang-ayon silang ipagpatuloy ang kapulungan, at kung pahihintulutan nilang siya na
ang mangulo. Sa ganitong katanungan ay parang iisang taong sumagot ang lahat ng "Opo."
Sa ganyang kapasiyahan, ay ipinagpatuloy ang Kapulungan at wala namang iba pang pinag-
usapan maliban sa kilalanin o pagtibayin ang tanang mga naihalal na saka humirang ng isang
"Comission" upang ipabatid kay Heneral Emilio Aguinaldo, ang pagka-hirang sa kanya ng
Kapulungan ng Manghihimagsik na maging Kataas-taasang Puno ng Himagsikan, tuloy kaunin
siya sa madaling panahon upang makapanumpa sa tungkuling iniaatang sa kanya ng bayang
nanghihimagsik.
Pagkatapos nito, ay pinigil munang pansamantala ang pulong, samantalang hinihintay nang
buong kasabikan ang pagdating ng nahalal na puno ng himagsikan, si Heneral Aguinaldo."
__________________
Emilio Aguinaldo,
Mga Gunita ng Himagsikan
Manila: National Centennial Commission, 1964.